77. To Be A Kamote Champion

87 0 0
                                    

Eksena sa grassfield, Kamote Kingdom na may kamote hunting...

"Nandito na ang paghuhukom!" Sigaw ng isang boses na di nila kilala.

"Ano yun?" Tanong ni Mary Joy.

"Oras na para lipunin ang masasama!" Sigaw ng isa pa.

"Mga kalaban siguro ang mga yan." Sagot ni Har, "Humanda na ang lahat sa pakikipaglaban."

"Sumuko na kayo para di na lalala ito." At may third voice pa.

"Teka, ilan ba sila? Bakit ang daming boses na tayong naririnig?" Reklamo na rin si Inday Lor.

"Ang masasama ay hindi magwawagi sa kabutihan kailanman!" Sigaw ng isa pa, bale apat na ang boses.

"Teka, nahihibang na ba sila sa mga pinagsasabi nila?" Iritang tanong ni Har.

"..." Kapag ganito yung boses na ayaw pagsalitain, alam na ang kasunod.


Biglang may sumabog na makukulay na usok sa harapan ng grupo ni Inday Lor. Napaubo muna sila sa kapal ng usok. Nang kumalat at unti-unti ng naglaho ang usok ay meron silang nakitang mga...

"Kamote Rangers Nexus?" Talagang nagulat si Inday Lor sa kanyang nakita. Papaano nakapasok sa palasyo ang Kamote Rangers na ito?

"Eww, may papose-pose pa silang nalalaman, ang sagwa namang tingnan." Saway pa ni Renz.

Bago nilikha ni haring Hero ang Pandora's box, nasa loob na ng palasyo ang Kamote Rangers Nexus dahil gusto nilang sumabak sa Kamote Hunting. Ito ay kinabibilangan nina Fita, Nanah, Gal, Vincent at Rhay.

Si Fita ay tambay lang sa bahay. Nang makita sa Tv ang panawagan ng hari ay kaagad niyang kinontak ang kanyang kagrupo. Si Vincent na checker ng Huggies diaper ay napahinto. Si Nanah na wala ring ginagawa ay napapayag din ng kanyang kagrupo. Si Gal na masayang nakikipaglaro sa kanyang mga chikiting ay napahinto nang matanggap ang tawag ng lider ng grupo. Si Rhay naman na abalang nagpapakadalubhasa sa paglikha ng sining ay napatigil na rin sa ginagawa. Kapag ang lider na ang tumawag, kahit ano pa ang ginagawa ng kamember ay tiyak na darating ang mga yan gaya nga nitong kaganapan na ito. Sila ay binasbasan ng hari na lumahok sa Kamote Hunt na ito.

"Wait a minute nga, bakit iba na naman yata ang suot nyo kumpara nung huli ko kayong nakita?" Takang tanong ni Inday Lor.

"Anong huling nakita eh ngayon lang kaya namin kayo nakita." Sabi pa ni Fita.

"Wala silang alam sa pagkatao mo Cess." Ang sabi ni Mary Joy.

"Oo nga pala, kamuntikan ko ng makalimutan. Sensya na po." Kagat-labing sinabi ni Inday Lor.

Nyways, nabanggit na rin lang ang bagong suot, ito na pala ang #ootd new uniform ng Kamote Rangers natin...

Silang lima ay may suot na headband alinsunod sa kanilang kulay. Ito ay may tatak ng simbolo ng kanilang elemento. Yung damit nila ay may dalawang letra; "KN" na ang ibig sabihin ay Kamote Nexus. Skinny jeans ang pares na kulay itim. Meron din silang gwantes na singkulay din ng bawat isa sa kanila. Sapatos din na hi-cut para sa mga lalaki at botas na 3 inches ang takong naman ang sa babae. Ito na ngayon ang version two ng kanilang uniporme.

"Susuko na ba kayo alang-alang lang sa kapayapaan ng mundo?" Mapanghusgang tanong ni Fita, Nexus Red.

"Bakit naman kami susuko eh wala naman kaming ginagawang masama?" Papilosopong baling naman ni Har.

"Kung huhulihin nyo kami, mapipilitan kaming lumaban sa inyo!" Banta naman ni Inday Lor.

"At nanghahamon pa talaga?" Asar na si Vincent, Nexus Black.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon