145. Kamote Apocalypse

10 0 0
                                    

Kamote Nexus movie


Erick/K3U sound and music effects: snqjri urieo oskfnth hshrekw yd hfbje udueiw


"Guys, mag-uumaga na pala." Para maiba naman ang usapan, panguna ni Ydann.

"Oo nga Kuya, di ko namalayan sa dami ba naman ng ating ginawa." Tugon din ni Shin.

"Kamote Club, ayos lang ba sa inyo kung iimbitahan ko kayong makipagsalo-salo sa akin sa kainan?" Paanyaya naman sa kanila ng mahal na hari ng Kamote. Nagkatinginan naman ang mga bida.

"Digmaan to malamang, pero sa kainan!" Havey ang pagkasabi ni Brian, nagsitawanan naman ang lahat. At siyempre, pag sinabing Kamote Club, ibig sabihin lahat ay inimbita para sa isang salo-salo.

"Golden kamote, may pakiramdam akong hindi pa rito nagtatapos ang lahat." Bulong ni Prinsepe Jazz sa hawak niyang golden kamote.

"Oo, alam ko ang himutok mo mahal na prinsepe. Bagaman natalo na nga natin ang ulo ng pananakop sa panahon natin, sa panahong ito ay malaya pa ang mga alien. At tiyak na sa mga oras na ito, kanila na tayong minamatyagan." Sumasang-ayon naman ang golden kamote sa kutob ng prinsepe.

"Jazz, halika na." Tawag sa kanya ni Hero. Ang lahat ay abala sa pagsasaayos ng mga nasirang istraktura at kagamitan ng palasyo. Nagsimula na silang maglinis ng mga kalat.

"Ok... Nandiyan na po." Pinasigla ng prinsepe ang pagsagot.


Habang inaasikaso naman ni Brian ang mga taong nasa ilalim pa ng kamote essence, bigla niyang naalala sina Mogamma at Tedeltha. Hindi pa pala niya nakita ang dalawa magmula ng matapos ang digmaan...

"Bakit di mo tawagan Sis para di ka mag-alala ng ganyan." Suhestiyon naman ni Shin.

"Sige, gagawin ko na." Dinial agad ni Brian ang numero ng kaibigang alien. Nagring ito ngunit walang sumagot. Redial ulit, ulit at ng paulit-ulit pero wala talagang sumagot.

"Oh, sira na agad ang mukha. Baka naman naiwan sa kung saan. Alam ko kung ano ang iniisip mo, hindi magandang pag-isipang patay na sila Brye." Inunahan na ni Ydann si Brian.

"Hindi ah. Ikaw naman Dan, hindi sila tao no kaya alam kong nakasurvive silang pareho. Ang gusto ko lang ay ang malaman kung ano na ang kalagayan nila." Tanggi naman ni Brian.


5:46 AM nang sumikat na ang haring araw. Palakpakan ang lahat ng nakasurvive. Isang napakahalagang pangyayari sa kanilang buhay itong kaganapang ito. Tungkol naman sa media, pinahintulotan na sila na magbalita at 'ayun, dinagsa na ng mga reporters ang palasyo. Buti nalang wala roon ang hari pati na ang Kamote Club. Ang mga bida ay nagsitungo sa isang lugar, malayo sa ginanap kanina na digmaan. Oras na para magrelaks.

Sa outerspace ulit.

Sina Mogamma at Tedeltha ay nasa ilalim ng torture ng mga alien. Iba ang paraan nila sa pagtorture, utak ang kanilang pinupuntirya kaysa sa katawan.

"Kyaaaa!! Tama na!!" Ang iyak ni Mogamma na nagdurusa sa sakit.

"Urghh!!!" Halos di maisigaw ni Tedeltha ang nararamdamang sakit. Silang dalawa ay tinusukan ng kung anu-ano sa ulo at ito ang nagtrigger sa kanilang sakit.

"Kumusta, ano na ang pakiramdam ng mga kauring nakikipagsabwatan sa mga tao?" Bati sa kanila ni Clepsilon.

"Bakit kayo naparito?" Tanong naman ni Tedeltha.

"Ang tanong ko ang sagutin mo!" Tinaasan ni Clepsilon ang kanyang boses sabay pihit sa nakakabit sa ulo ni Tedeltha.

"Guwaaaaaak! Ha... Ha..." Sinapit na naman ni Tedeltha ang sakit. "A-bet-ta..." 

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon