Ang Isda Kingdom ay nagsimula na sa paghahasik ng kasamaan sa pamamagitan ng pagpapadala nila ng mga isda minions o kilala ng mga nexusians sa tawag na kamote minions version two.
Sa kabilang dako naman, si Roy ay binigyan ng misyon ni Haring Hero na maging double spy agent para sa pag-anib nito at sa paninilbihan nito sa Isda Kingdom kapalit ng paglaya nito sa Kamote dungeon. Ang plano ay ibibigay ni Roy ang golden kamote seed kay Gwapong Marine. Makakasama niya sa misyon si Brian ngunit nagkaroon sila ng maliit na problema. Hindi pumapayag si Brian na dalawa lang sila ang pupunta roon. Kailangan nila ng makakasama. Sino kaya ang makakasama nila sa misyon na ito? Yan ang ating aalamin.
"Anong gagawin mo rito Brye?" Ang tanong ni Haring Hero nang ibigay nito ang hinihinging video tape.
"Ito na ba yung tape nung nakaraang Kamote of the Philippines? Papanoorin ko rito kung sinong nexus member ang pwede kong isama sa lakad namin ni Roy." Ang sabi ni Brian. Isinilid niya na yon sa dvd player at saka sabay nilang pinanood ang laban na iyon.
"Parang wala akong maalala na nagkaroon pala kayo ng Kamote of the Philippines ah." Sabi ni Ydann habang pinapanood yung laro sa semi-final round ng Kamote of the Philippines. Pagkatapos nilang mapanood ang video ay may napili na si Brian na isang namumukod tangi.
"Saan ko kaya pwedeng kontakin si Ranth Heart? Siya ang gusto kong makasama sa misyon namin ni Roy." Ang sabi ni Brian.
"Ang alam ko, ahente siya ng home owners real estate. Andun siguro siya sa MOA, may office siya dun." Sagot ni haring Hero.
"Akala ko ba'y isa lang siyang artist na magaling sa pagluluto." Sabi naman ni Ydann.
"Ano ka ba Brad, hobby niya lang yon. Ang totoo niyang trabaho ay sa real estate. Sa kanya kasi ako nakipagdeal nung binigyan ko ng house and lot sina Dhen at Erick." Ang paliwanag ni Haring Hero habang iniscroll niya sa kanyang cp ang contact number ni Ranth. At dito'y nakausap niya ito. Kaunti munang eksplinasyon ang namagitan sa dalawa hanggang sa makapagdesisyon na ang nasa kabilang linya na samahan sina Brian at Roy.
Hanggang sa mga oras na ito'y sinusuyo pa rin ni Ydann sa kanyang mga mata na habang nakikipag-usap siya kay Brian. Pero hindi yata makadama ang isang to eh, manhid si Brian eh. Ayaw namang masabi ni Ydann dahil kagustuhan ni Roy na huwag siyang isama. Gumawa ka naman ng paraan Brian.
"Siyanga pala, habang hinihintay natin si Ranth, may tao akong ipapakilala sa inyo na pwedeng sumama sa misyon. Halikayo sa labas." Nagyaya si Haring Hero papuntang labasan sa palasyo. Habang naglalakad silang apat ay nadaanan nila si K3U. Hiniling nitong gusto nitong sumama ngunit hindi pumayag ang mahal na hari sa kadahilanang kailangan siya ng palasyo.
Pagdating nila sa labas, pumasok sila sa kamote garden at dito, may nakita silang lalaki na nakikipaglaro sa mga virtual pets.
"Moon Zoro!" Tawag ni Haring Hero sa lalaki. Lumingon naman ito at lumapit sa kanila.
"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, mahal na Hari?" Ang tanong ni Zoro.
"Buti naman may nakikipaglaro na rin sa mga virtual pet na naiwan ng panganay kong anak. Nga pala, gusto kitang bigyan ng mahalagang misyon. Samahan mo papuntang Isda Kingdom sila Brian." Sabi ni haring Hero. "Ayos lang ba sa iyo yon Brye?"
"A e, base sa kanyang kasuotan na puro itim, sigurado ka bang mapagkakatiwalaan ko ang lalaking iyan mahal na hari?" Hindi makapalagay si Brian base sa kanyang nakikita.
"Si Zoro ay mandirigma ng Kamote Society, isang organisasyon na pangalagaan ang katahimikan ng Kamote Kingdom. Lumalabas lamang sila sa oras ng pangangailangan. Isa rin natin siyang kaanib." Paliwanag dito ni Haring Hero.