142. Kamote's Tyrant

10 0 0
                                    

Kamote Nexus movie


Erick/K3U sound and music effects: ekt owjrj najrtt jrtkypp spavkrkr jjh


Nang gabing iyon din ay nakauwi na sa kani-kaniyang bahay ang Kamote Club. Naging abala sila para sa darating na digmaan. Si Seon ay nakipagkontak na sa mga executives ng palasyo para sa gaganaping digmaan habang si Ydann naman ay binabasa pa ang mga impormasyon tungkol sa mga alien, kalakasan at kahinaan nito ay kanyang inaalam.



Sa silid naman ni Hero...


"Hindi ka pa ba matutulog my Hero?" Kakapasok pa lang ni Angelica sa silid.

"May iniisip lang ako." Matamlay namang sagot ni Hero habang nakadungaw sa bintana.

"At ano namang iniisip mo?" Umupo si Angelica sa kama ng lalaki.

"Tungkol sa hinaharap." Buntung-hininga namang sagot ni Hero, "Kailanman hindi ko pinapangarap na maging hari balang araw. Ang mamuhay na kasama ka ay sapat na sa akin."

"Hari? At paano mo namang-"

"My Angel, kaya mo ba akong bigyan ng isang anak?" Gulung-gulo pa si Hero sa lagay na yan.

"H-ha?" Maging si Angelica ay hindi handa na marinig iyon. Ano kaya ang pumasok sa isip ng isang hayskol na Hero sa ganito ka kumplikadong sitwasyon?

Samantala, dito naman sa loob ng gusaling dating pinaglalagyan ng spaceship ay bumalik si Prinsepe Jazz kasama sina Brian at Shin...

"Hanggang ngayon ay blanko pa rin sa isip ko kung bakit bumalik pa tayo rito. Baka maya-maya lang ay may susulpot ng kung ano rito ha." May halong takot sa boses ni Shin.

"Eh di sana huwag ka nalang sumama kung medyo natatakot ka." Saway naman ni Brian sa kanya. Naglalakad silang tatlo sa laboratoryo.

"Hindi ako natatakot Sis ha, ayoko lang ng panganib." Depensa naman sa sarili ni Shin. Bumuntung-hininga nalang si Brian. 

"Narito na tayo." Ang sabi sa kanila ni Prinsepe Jazz. Nakatuon naman ngayon ang pansin ng dalawa sa isa na namang chamber sa laboratoryo na may laman.

"Oh my G! Sino yan?" Bulalas ni Brian na may patakip pa sa bibig. Tanaw nila ang isang hubu't hubad na lalaking nilublob sa kulay ube na tubig dito sa chamber. Nilapitan pa nila ito ng kaunti.

"Sinadya ko talaga na iwan siya rito. Isa siyang proyekto ng mga scientist sa utos ni Colgate." Sabi ni Prinsepe Jazz.

"Namumukhaan ko siya, parang estudyante rin siya sa Blaast School Academy." Pamilyar kay Shin ang lalaking nasa harap.

"Siya si KH, doon sa hinaharap, siya ang kanang kamay ni Colgate. Sa panahong ito, kakaumpisa pa lang ng kanyang buhay. Ang ikinababahala ko ay kung ano ang nilagay sa kanyang utak." Paliwanag ni Prinsepe Jazz, "Hindi ko siya kinuwento sa meeting dahil hindi pa ako sigurado sa gagawin sa kanya. Nais kong tulungan niyo ako kung paano ito mahinto."

"Base rito sa impormasyong nababasa ko, ang chamber na ito ay isang experimental kamote na kung saan ang tao ay nilalagyan ng dugo ng alien. Sa pamamagitan nito ay tatamo ng ibang kapangyarihan ang lalaking ito at di maglaon ay maaaring maging mitya pa ito ng digmaan." Sabi ni Shin.

"Brian, ano ang masasabi mo, may naisip ka ba?" Pansin ni Prinsepe Jazz.

"Hindi na siya pinapaandar ng kuryente di ba? Nahinto ang operasyon sa kanya. Ilang araw na ba siyang nakakulong diyan? Baka pinaghahanap na siya ng kanyang magulang." May halong pag-alala si Brian... "Uy Brod Shin, saan ka nakatingin?"

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon