118. Kamote Trial Court

70 1 4
                                    

Here are the reports of some reporters from the different channels...


Tv5: Nitong nakaraang buwan lang po mula nang mahuli ang utak ng kamote barrel scam na si Gwapong Marine. Sinasabi ring nagtayo raw di umano si Gwapong Marine ng isang kaharian na nasa Kalayaan group of Islands at ang perang nalikom sa kamote barrel ang ginamit niya sa pagpapatayo nito. Hanggang sa mga sandaling ito ay pinaghahanap pa ng ating batas ang kinaroroonan ng kaharian ng mga Isda. Mahirap po kasi itong mahanap dahil gumagamit sila ng isang uri ng device na may kakayahang ikubli ang gaya ng sa kaharian ni Gwapong Marine. Mabuti na lamang po ay may ilang mga Nexusians ang naglakas-loob na pasukin ang teritoryo ng kalaban.

GMAnewstv: Marami sa atin ang hindi nakakaalam kung sino si Gwapong Marine. Siya po ay tagahawak ng government budget, ang pera ng bawat isa sa atin dahil nagbabayad tayo ng buwis. Yun bang taga-audit at treasurer in one. Ang perang ito ay kanyang ibinulsa, gumawa siya ng mga pekeng proyekto na kung saan dito nilalagak ng mga senador at kongresista ang pondo ng ating pera pati buwis ng taumbayan. Ginamit pala ito para sa pansarili niyang interes. Siya lang po ang nakinabang sa kaban ng bayan.

ABS-CBN: Merong nakapagsasabi na may kasamahan siya sa trabaho na kanyang ikinulong dahil alam nito ang kanyang sekreto. Ito ay si Griezel, ang nag-iisang kamote whistle blower natin. Naparito siya sa publiko upang ilahad ang buong kwento kaugnay sa kamote barrel scam. Andito tayo ngayon sa Kamote Court upang saksihan ang pagdinig sa kaso ni Gwapong Marine. Hayan na po, kung makikita n'yo sa ating screen, ipinasok na po si Griezel ng ating mga gwardya. Nakasuot na po siya ng bullet prof vest bilang proteksyon sa mga nagnanais na pumatay sa kanya. Handa na kaya siyang isiwalat ang buong katotohanan? Malalaman natin yan maya-maya lamang.

GMA: Mga igan, kung inyong mapapansin, ang Isda Kingdom ho ay hindi basta-bastang kaharian dahil marami itong sakop na tauhan na kumakalaban sa ating gobyerno, sa kaharian ng kamote. Ang pagkadakip ho mga igan kay Gwapong Marine ay isang napakahalagang kasaysayan na sa ating bansa. Ngayon lang din natin makikita ang kanyang mukha matapos maisapubliko ang pagkakasangkot niya sa kamote barrel scam. Mga igan, itong background ho ng ating utak ng kamote barrel ay napakataas ho no. Siya ay nakapaglibot na sa mundo sa edad na 12. Siya ay galing sa mayamang pamilya. Siya ay nakapagtapos ng nautical course at marine. Naging kilala siya sa eskwelahan dahil topnotcher siya. Siya rin ay isa sa mga napusuan ng mahal na hari at reyna ng kamote na ipakasal kay Reyna Lor. Pero dahil sa hindi inaasahan, nagkaroon ng relasyon si Reyna Lor at Haring Hero bago pa sila dapat na ikasal. Ito nga kaya ang dahilan kaya siya nagnakaw  sa kaban ng bayan? Dahil nga ba ito sa naudlot nilang pagpapakasal ni reyna Lor o may mas malalim pang dahilan.?.


ANC: Salamat po sa Kamote Court at binigyan nila tayo ng pahintulot na saksihan ang paglilitis kay Gwapong Marine. Andito po ang lahat ng mga reporters ng iba't ibang istasyon para mag-uulat sa makasaysayang paglilitis kay Gwapong Marine. Sa ngayon ay nandito na ang mga senador at mga congressmen, mga attorney na siyang magtatanong kay Gwapong Marine at sa ating kamote whistle blower. Ang court ay secured at walang anumang signs na magkakagulo. Ilang minuto nalang ay magsisimula na po ang paglilitis kaya antabayanan na po natin ito. 


Ito na ang sandaling kinahihintay ng lahat. Ang mga tao naman sa labas ay nag-abang na rin. Andyan na siyempre ang mga raleyista saanmang sulok ng bansa na nagnanais na maparusahan si Gwapong Marine. Ang lahat ng establisyemento ay nakaabang na rin sa balita. Ang social media ay stayput na rin para sa scoop ng hearing na ito. Tahimik lang din ang dalawang panig ng mga kaharian. At ngayon ay sisimulan na ang paglilitis.

Itinawag ng Head of Justice si Griezel para umpisahan na ang pagdinig sa kaso. Siya ay nasa gitna ng korte para manumpa at maghayag sa kanyang nalalaman.

"I Griezel dela Fuente, swear to tell the truth, the whole truth and nothing but the truth. And if I lie, I will be punished by the Kamote law." Ang sabi ni Griezel habang binabasa yung libro ng batas. Pagkatapos ay naupo na siya sa lahat ng mga karespetadong tao sa bansa. Nakaramdam ng pagkakaba si Griezel nang mga sandaling ito. Kapansin-pansin din ang kanyang panginginig.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon