35. Rage Of Kamote

133 3 0
                                    

Isang magandang umaga para sa lahat!

Day off pala ni Brian ngayong araw na ito kaya...

Maganda ang naging gising ni Brian. Nag-unat unat muna siya ng katawan, dungaw sa bintana, minamasdan ang magandang tanawin sa labas ng palasyo.

"Ito ang unang araw ng pagkawala ni haring Hero." Ang sabi niya, "Sana hindi siya napahamak pagkatapos ng aming narinig kagabi sa casette tape. Wag sana siyang mamatay."

Nang lumabas siya, bati muna sa mga tao sa loob ng palasyo.

Abala pala ang mga royal knights ng kamote sa paghahanap sa hari. Mautak kasi si Mikanjane, casette tape pa ang ginamit para hindi matrace ang kanyang lokasyon.

Hinanap niya ang mag-ina pero sabi ng kawal, nagvolunteer daw sila sa pagrepak ng relief goods.

Bakit pa niya aabalahin ang mga ito, bonding time na rin nila ito.

Balak pala ni Brian na umuwi sa Davao, namiss na rin kasi niya ang mga alaga niya sa Crocodile Park.

Pagkalabas niya ng palasyo, tila meron siyang napansin sa may gate. Isang Mercedes Benz! Natatandaan niya ang sasakyang iyon dahil kahapon niya lang ito nakita...

"Kotse yun ni Linda ah." Sabi bigla ni Brian, "At ano naman ang ginagawa ng kotse niya rito? Nasaan kaya siya?"

"Kuya Brye!" May tumawag kay Brian sa kanyang likuran.

"Oh! K3U, anong meron at para bang namumutla ka?" May concern sa tinig ni Brian.

"May naghahanap kasi sa iyo na babae eh... Mukhang mayaman Kuya Brye, ayun ang kotse niya oh..." Sabi ni K3U sabay nguso sa kotse.

"Ahhh... si Linda yun." Sigurado si Brian, "Tingnan mo nga ako be, cute na ba ako?"

"Oo naman po Kuya Brye, kamukha mo na si Koike Teppei." Kinilig pa si K3U ( wag kayong kukontra ha ) "Uy! Gf mo yun Kuya Brye?"

"Hindi. Kahapon ko pa lang yun nakilala. Nasaan pala siya?" Sabi ni Brian.

"Andito ako..." Sabay na napalingon sina Brian at K3U sa boses na iyon.

"Oh! Linda, anong kamote ang nagdala sa iyo rito?" May pagkasurpresa sa boses ni Brian.

"Alam mo kasi," May pag-aalanganing sabi ni Arlyn. Lapit sa may tenga ni Brian at bumulong, "Kailangang ikaw lang ang makakarinig sa sasabihin ko."

Nakaramdam bigla si Brian ng kaba sa sinabi ni Arlyn. Nagpaalam muna sila kay K3U para di sila maisturbo.




Sumakay si Brian sa kotse at pinaandar na iyon ni Arlyn.

"Ano pala ang sasabihin mo sa akin, Linda?" Hinga muna ng malalim si Brian bago sinabi yun.

"Ralph, may nangyari kasi kahapon paghatid ko kay Aikie pauwi." Pabitin effect pa si Arlyn.

"Ha? Bakit? Anong nangyari?" Nawala ang magandang mood ni Brian.

"Inatake kasi kami ng baliw kahapon, kinuha nito ang golden kamote. Sa'yo ko lang ito pinaalam dahil alam kong sekreto ang golden kamote para sa bansa." Ulat ni Arlyn.

"Sandali nga muna." Awat ni Brian, "Review ko lang ha, pag-uwi ninyo, dala ni Aikie ang golden kamote. Kaso, hinarang kayo ng isang baliw tsaka ninakaw ang golden kamote?"

"Ganun na nga..."

"Ay! Pambihira, anong kamalasan ba naman yan Linda oh!" Sinabunutan ni Brian ang sarili, "Kilala mo ba kung sino yung baliw na sinasabi mo?"

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon