Kamote Nexus movie
"Tol, anong nangyayari, bakit kayo nagsisipagtakbuhan?" Ang tanong ni Hero sa nakasabayang estudyante sa labas.
"Hindi mo alam pero nakikitakbo ka?" Kumunot ang noo ng estudyante.
"Gusto mong tanggalan ng dila? Tinatanong ka ng maayos kaya sagutin mo rin ng maayos! Extra ka lang naman sa istorya eh." Banat naman ni Prinsepe Jazz.
"Aw, sorry... Yung ibang mga estudyante kasi, nagwawala... nag-aamok sila ng gulo. Wala silang sinasanto... Para silang mga may sapi." Kwento pa ng estudyante. Tama nga si Brian sa ulat niya kanina sa Kamote club.
Nilabas ni Prinsepe Jazz ang kanyang golden kamote. Ito na rin ang unang pagkakataon na masilayan ito ng iba gaya ni Hero na ngayo'y namamangha sa pagkaginto nito. Iniangat iyon ng prinsepe sa taas nang nasa gitna na sila ng napakaraming tao. Ito ay paraan niya upang hagilapin ang pinagmulan ng kaguluhang ito...
"Golden kamote, ibuhos mo ng ganap ang iyong liwanag at lukubin ang buong eskwelahan na ito, ngayon na!!" Pasigaw na utos ni Prinsepe Jazz. Ilang sandali pa ay naglabas na nga ng liwanag ang golden kamote, sa sobrang tindi ng liwanag nito ay napahinto ang mga estudyante sa buong eskwelahan. Nagmistula tuloy na nagkaroon ng pambihirang tanawin mula sa labas ng eskwelahan. Ang lahat ng nasa school na ito ay napapikit ang mata. May mangilan ang dito ay bumagsak at nawalan ng malay. Ang mga ito ay mga tinamaan ng kamote essence. Sa madaling salita, pinupuntirya ng golden kamote ang mga taong tinamaan ng kamote essence na ito. Pagkaraan ng ilang sandali, humupa na ang tindi ng liwanag at nawala na rin ang kaguluhan subalit ito ay pansamantala lamang.
"Ang kamote essence, nagkalat na sa hangin!" Ang sabi ni Hero, kitang-kita kasi ang usok ng kamote essence na ito at sa oras na may makalanghap nito, may panibagong gulo na naman na maghahatid sa mga tao... "Ano'ng gagawin natin dito Jazz?"
"Ako na ang bahala rito." Ang sabi naman ni Prinsepe Jazz, "Golden kamote, absorption ngayon na!!!" At hinigop na nga ng golden kamote ang buong kamote essence na nagkalat sa school hanggang sa maubos na ang lahat ng enerhiya ng golden kamote.
"Parang hindi na nag-iilaw yung ginintuang kamote mo Jazz." Pansin ni Hero.
"Ayos lang ito Hero dahil nagrerecharging pa ang golden kamote ko." Sagot ni Prinsepe Jazz.
Nang bumuti na ang kalagayan ng mga estudyante, biglang dumating sa eksena ang dalawang alien na nagbabalat kayo ng estudyante. Nagkita na naman sila ng mga bida...
""IKAW?"" Nagkasabay pang sinabi nina Hero at Prinsepe Jazz, pagkuwa'y nagkatinginan pa silang dalawa.
"At kayo rin." Ang sabi naman ni Tedeltha na ngayo'y halatang nag-iinit na.
"Bakit ba sa bawat plano naming mahanap ang taong nagtago sa marmur namin ay nariyan kayong umaaligid?" Inis ding sinabi ni Kalfa, "Baka nariyan kayo para hadlangan kami sa aming pag-alis? Kapag kami hindi makapagpigil, baka maisipan namin na-"
"Na ano, sasakupin nyo ang planeta na ito?" Putol naman ni Prinsepe Jazz na siyang napalunok naman ng laway kay Hero. Biglang may namuong tensyon sa pagitan nila.
"Mukhang matalino ka naman, di pankaraniwang nilalang..." May papuri effect pang nalalaman itong si Kalfa. Siya ay naglalakad palapit sa dalawa habang nagsasalita, "Ang inyong planeta ay sagana sa tubig at pagkain, bagay na pinagkait sa aming planetang malapit nang mamatay. Tutal, nagawa naman naming mabuhay sa planetang ito nang hindi gumagamit ng anumang aparato, maaaring mabubuhay pa kami ng mas matagal kaysa sa di inaasahan."
"Yan ang huwag na huwag mong gagawin." Tanggi well si Prinsepe Jazz, "Hindi namin gugustuhin ang pakisamahan ang mga nilalang na hindi namin kauri na maghahari-harian sa planeta na ito! Kaya naman kitang tulungang makuha ang sasakyan n'yo at di namin kayo hahadlangang makaalis ng matiwasay. Hindi ko gusto ang paraan n'yo sa paghahanap ng kasagutan sa pamamagitan ng paggamit sa mga inosenteng tao rito! Hindi wasto ang inyong paraan kaya ko kayo hinaharangan."
