Nagpalinga-linga si Roy kung may nakakakita ba sa kanya. Nang matiyak niyang walang nanonood, nagtungo siya sa isang lugar na walang cctv. Sakto at may papalapit na apat na kawal. Ginamitan niya ang mga ito ng kanyang Geass para kontrolin kaya successful ang kanyang pinlano. Ang tatlo ay inutusan niyang itakas sina Brian at Griezel habang yung isa naman ay pinapapunta niya sa Isda Laboratory. Siya naman ay pupunta sa level two ng torture room kung saan naroon si Zoro. Sinimulan na nila ang plano.
Samantala, kampante naman si Nissy na kumakain ng Piattos sa control room. Nang makita niya ang mga kahina-hinalang mga kawal ay agad siyang napangiti dahil alam niya na kung saan ito patungo.
"Gaya ng nasa instinct ko, nakikipaglaro lang sa Isda Kingdom si Astrox Zhero. Tingnan natin kung matatagalan niya ang larong kanina niya pang sinimulan." Ano kaya ang binabalak ngayon ni Nissy?
Sa plain white room, hindi na nagulat sina Griezel at Brian sa dumating na saklolo. Kahit hindi sinabi ni Roy kung papaano niya naipadala ang mga kawal na ito, nahulaan ni Brian kung paano dahil minsan na rin siyang napasailalim nun, ang Geass.
Patakbo na sina Griezel at Brian kasama ang tatlong kawal. Ni-lead na sila ng mga ito papunta ng labasan. Habang tumatakbo, napatingin sandali si Griezel kay Brian at...
"Brye?"
"Ano yun Zel?" Pokus pa rin si Brian sa pagtakbo.
"Ahm, kilala mo ba si Asyong Salonga?"
"Ha? Sino yon?" Tandang-pananong yung utak ni Brian.
"Sabi kasi sa alamat mo si Asyong yung Hari ng Tondo, parang katulad ka niya Brye eh."
"Eh hindi naman ako hari ah."
"So reyna ka?"
"Hais, ewan ko sa 'yo."
"Brian-Asyong reyna ng Tondo sagwa pakinggan no." Nasa kalagitnaan pa ng kapilyahan si Griezel nang bigla siyang nakaramdam ng kakaiba. May isang babae na nasa 100 meters lang ang layo ang makakasalubong nila mula sa tinatakbuhan nila, "Brye, lumiko tayo sa kanan, may panganib sa tinatahak natin!" Sa hindi malamang dahilan, gumana na naman ang kanyang kamote sense of eyesight.
"Ha?" Bagaman walang ideya si Brian at hindi rin naman niya kabisado ang pasikot sa palasyo, sinunod nila ang suhestyon ni Griezel. "Mga kawal, lumiko tayo sa kabila."
Pagkaliko naman nila sa kabila, nakita naman ulit ni Griezel yung babae. Lumiko pa sila ng isang beses, ng isa pa at ng isa pa ulit...
"Bakit ganun, kada liko natin ng ating tinatakbuhan, andun parati yung babae sa tapat." Halatang kabado si Griezel. Wala namang kibo yung mga kawal dahil nasa ilalim pa rin sila ng Geass ni Roy.
"Hindi kaya, namaligno tayo rito? Baliktarin natin yung damit para tama na ang lugar na tatakbuhan natin." Suhestyon ni Brian na agad niyang ginawa.
"Wala ring mangyayari kung baligtarin mo pa ang suot mong damit, Brian." Anang boses na ngayon ay nasa malapit na nila. Napahinto si Brian sa ginagawa. Yung tatlong kawal naman ay nakahanda na para makipaglaban.
"Siya, siya yung nakita ko sa daan na iniiwasan nating makasalubong!" Turo naman ni Griezel dito. Sino kaya ang babaeng ito na kaharap nila ngayon.?.
Sa Isda Lab naman, sina Que-c at Razor ay nasa loob ng parang incubator at kasalukuyan pa silang ginagamot habang sina Zaidac at Ranth naman ay tuluyan ng gumaling. Dahil kasi yon sa dalawang isdang agimat ng aso at kabayo ni Zaidac na nakakatulong na madaliin ang pagpapagaling sa kanila. Pagkatapos nun ay siya namang pagdating ng isang gwardya na minanipula ni Roy para ipaalam sa kanila ang pagtakas sa palasyo. Takbo naman sina Ranth at Zaidac kasama ang gwardya. Nagpaiwan na naman si Dok Shineley.