40. Kamote Tales

134 2 1
                                    

Heto pala yung mga sagot sa Q & A portion ni Shin...

1) Open ref - enter elephant - close ref.

2) Open ref - exit elephant - enter giraffe - close ref.

3) Absent si giraffe sa meeting dahil nasa loob siya ng ref.

4) Ref, reason, nasa loob yung giraffe kaya nag overload ang airplane.


Bago yung tag team nina Kaito o Prinsepe Bubblegum at Nanah, ganito yung nangyari kung bakit pinili ng mga Rangers si Nanah...

"Guys...Payagan niyo na, na ako nalang ang pumunta sa palasyo... Kuya-kuyahan ko kasi si Ydann. Gusto kong maging bahagi sa pagtulong ko sa kanya. Payagan nyo naman ako oh." Nagnamakaawang sinabi ni Nanah.

"Jesus Christ! Nanah naman... Parang ikaw lang yung close niya... Ako rin naman ah gusto ko rin siyang tulungan!" Balak ata ni Rhay na makipagtalo. In all fairness, ibang santo na ang kanyang ginamit para makapagsalita na siya.

"Wag nyong pag-awayan yan guys. Dapat isa lang talaga ang makakapasok sa atin." Umawat na si Fita, "Mahirap ang misyon na ito... Apat sa atin ang makipagtuos sa halimaw habang yung isa naman ay sa paghahanap sa kamote crest."

Pinagbotohan nila kung sino ang magiging representative. Sa huli, ang kanilang napili ay si Nanah. Pinabaon nila kay Nanah ang skyflakes ni Fita, ang kamphone ni Gal, ang shades ni Vincent at ang paintings ni Rhay.

Nafeature na sa previous chapters kung ano ang silbi ng kamotephone at shades.

Malay natin baka magagamit ni Nanah ang silbi ng skyflakes at paintings.

Swerte na ata si Nanah dahil yung bespren niya pa ang nakapareha niya.

Papasok na sila sa kastilyo.

May tatlong gwardya roon. Hindi raw nila pinahihintulutan na makapasok ang sinuman sa kastilyo hangga't walang pinapakitang katibayan.

Napikon si Kaito, natutukso siyang gamitin yung kamote note pero pinigilan siya ni Nanah.

"Ano pong katibayan ang hinihingi nyo sa amin, Mister guard?" Magalang na pagkasabi ni Nanah.

"Kahit ano basta konektado sa palasyo."

"Hindi niyo ba ako nakikilala? Kapatid ko si Jazz. Dito siya sa kastilyo iniluwal ni Lor!" Nagsalubong na talaga yung kilay ni Kaito. Hindi talaga niya ginagalang yung pamilya niya eh... Poor prince.

"Ohws? Kwento mo nalang sa pagong yan bata baka maniwala pa yun. Ikaw, isang prinsepe? May maharlika ba na pajaporms pumorma? Uso pa ba yan?" Pinagtawanan ng mga gwardya ang prinsepe.

"Pano kung nagsasabi siya ng totoo? Ano ang gagawin nyo?" Naisip ni Nanah na tawagin ang Hal-abeoje niya kapag tataas pa ang argumento.

"Magpapatuli ako."

"Ako rin."

"Sang-ayon ako."

"Heee! Sinabi niyo yan ha." Umandar yung angas ni Kaito. Sakto namang may tumawag sa kanyang Samsung phone. Natuwa siya kung sino yung tumawag...

"Liit!"

Nanlaki yung mga mata ng mga gwardya. Sa katagang iyon, alam na nila kung sino yung tinutukoy na liit.

"Long time no see Yaya JL ah." Masiglang bati ni Kaito. "Ngayon lang pala tayo nakapag-usap eh no."

"Oo nga eh... Nabalitaan ko kasi ang nangyari kay Ydann. Napanood ko rin sa interview kay Scientist Shine yung tungkol sa kamote crest." Si Yaya JL pala yung kausap ni Kaito.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon