46. Magical Kamote In A Horror Way

120 2 1
                                    

Napadpad sa kagubatan sina Shin, Tin-man at Scarecrow. Meron silang nakitang mga hayop na mababangis. Aatakehin sana ng mga ito ang tatlo pero natakot nang pinakitaan sila ni Shin ng mga pasabog sa kanyang katawan. May bukod tanging hayop ang nananatiling nakatayo sa kanilang harapan, siya si Lion. Lumapit si Shin at kinausap pero hindi ito sumasagot. Tinapik ito ni Scarecrow at ito'y tumumba. Alam na...

"Hinimitay pala si Lion sa takot nang dilat ang mata." Nasabi nalang ni Tin-man.

"Pasensya ka na Mr Lion ha, natakot tuloy kita." Mahinang sabi ni Shin. Pagkuwan ay binigyan niya ito ng CPR, yung mouth to mouth ng mga 30 minutes saka nga nagising si Lion. Hindi pala siya matapang, isa pala siyang duwag na liyon. Naging kaibigan siya ni Shin kaya naman sumama siya sa grupo para puntahan ang bahay ni haring Hero.

"Ako yung iniregalo ng papa ni haring Hero nung ika anim na taon niyang kaarawan. Sanggol palang ako nun nang alagaan niya ako. Nang lumaki na siya at nagkaroon na ng pamilya ay tila kinalimutan niya na ako. Umalis ako sa Emerald City at bumalik sa kagubatan para makapagbagong buhay." Kwento ni Lion.

"Para palang konektado kayo sa buhay ng hari. Para ko na tuloy siyang nakilala na kahit hindi ko pa siya nakikita." Sabi ni Shin nang magsimula na naman silang maglakad.

Narating nilang apat ang bayan ng Munchkin. Nagrecess muna sila. Napagod sa paglalakad. May narinig silang mga sigawan. Gulo na naman ito. Sinalakay ng mga unggoy na may pakpak ang bayan. Nagsitakbuhan ang mga kawawang tao. Sila kasi ay mga taong ang balat ay pagkain, yun bang munchkin. Ito ang paboritong pagkain ng mga lumilipad na unggoy. Man-eater sila.

To the rescue sina Tin-man at Shin. Nagtago naman sina Lion at Scarecrow sa ilalim ng mesa.


Erick sound effects -+- tenenentenen!!!



Natalo nila ang mga kalaban.

Yung ibang mga tao ay sugatan. Meron din namang tinangay. Nahabag tuloy si Shin sa kanyang nakita. Alam niyang isa siyang android pero pakiramdam niya ay may namumuong lungkot sa sinapit ng mga tao sa Munchkin.




Si Ranth Heart na naging uod ay pumasok sa maliit na pinto. Sa kanyang paglabas ay may nakita siyang mga magagandang tanawin na di niya sukat akalain na meron dito. May butterfly na tinapay ang pakpak na ang palaman ay chizz wizz. Meron ding dragonfly na sea horse ang katawan. Ang mga bulaklak ay nagsasalita. Nahihiwagahan si Ranth sa paligid. Nawala sa isip niya na isa siyang uod. Habang gumagapang siya ay may malakas na hangin ang dumaan. Siya ay tinangay ng hangin at dumikit siya sa itim na tela. Kinuha siya at hinarap sa taong nakaitim...

"Ahhhh!!! Halimaw!!! Saklolo!!!" Nagpapanik na si Ranth. Ang itim na telang iyon pala ay isang gwantes na suot ni Spider. Siya ang nakapulot kay Ranth.

"Hindi ako halimaw ah, pektusan kaya kita dyan." Ang sabi nito.

"Sorry po, akala ko kasi isa kang halimaw." Nawala ang taranta ni Ranth, "Pwede magrequest? Kaya mo ba akong ibalik sa dati kong anyo?"

"Hmmm, pwede ko naman gawin yun, kaya lang, baka magagalit ka sa akin." Pabitin din itong si Spider eh.

"Bakit naman ako magagalit eh tutulungan mo lang naman ako?" Atat na si Ranth na maibalik siya sa kanyang tunay na ganda.

"Mapilit ka eh, eh di sige." Nagclap-clap-clap ng tatlong beses si Spider. Kasunod nito ay may nagdatingang mga barahang may markang puso mula 2 hanggang 10. May dala silang pagkaing gawa sa kamote. Pinakain ito kay Ranth and voila, bumalik siya sa dati.

"Witwiiiiw!" Sumipol si card 4.

"Salamat talaga kung sino ka man... Utang ko sayo ang sandaling ito." Hindi mapaglagyan ang saya ni Ranth.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon