131. Join Our Kamote

24 0 0
                                    

Kamote Nexus movie


Erick sound effects: tenene tenen tenten


"Ano? Seryoso ka Jen?" Usi ni Hero kay Jenicka. Pormal ng nagsumite ng resignatura si Jenicka para umalis na sa club.

"Oo pinuno." Sagot naman ni Jenicka. Nakatingin sa kanya ang mga miyembro ng Kamote Club at ganun na rin si Prinsepe Jazz na nanghihinayang sa kanya. Naikwento na ni Jenicka ang dahilan ng pag-alis niya maliban lang doon sa natuklasan niya kay Prinsepe Jazz dahil alam niyang isa itong sekreto. Pinakiusapan pa siya nina Ydann at Seon na mga kaibigan niya na huwag umalis ngunit hindi siya nagpapigil. Nagpapasalamat siya sa mga kaibigang nakibahagi ng kakulitan sa kanya sa 2nd quarter ng school year. Siya ay babalik na ngayon sa Filipino club.

"Mamimiss kita Mare." Iyak ni Shin sabay yakap kay Jenicka. Nagsiiyakan na rin yung iba.

"Huwag kang mag-alala Mare, magkikita pa naman tayo sa school eh tsaka magkwentuhan tayo hangga't gusto natin ha." Mangiyak ding sabi ni Jenicka. Nagsiiyakan na ang mga kababaihan sa Kamote Club. Naggroup hug ang lahat pwera kay Prinsepe Jazz na nasa isang sulok.

Habang nakatingin sa nagdadramang kagrupo, dumukot siya ng kung ano sa kanyang bulsa at lumabas dun ang isang kwentas at saka siya nag-isip... sayang, kabilang ka pa naman sana sa aking napili na magtatanggol sa kamote. Ang bagay na iyon ay ang kamote crest na mahalaga rin sa kanyang misyon.


----------------


Sa ibang dako naman, may isang bagong transferee student ang dumating sa Blaast Academy. Siya ay gaya rin ng normal na kabataan sa Blaast School na walang maipagmamalaki. Sa madaling salita, isa siyang nobody ngunit bibigyan natin ng role dito sa kwento. Sino siya? Siya ay si...

"BRIAN!!!" Pasigaw na tawag ng lalaki na nasa kanyang likuran. Nilingon naman niya kung sino ang tumawag sa kanya ( slomo na lingon ).

"Hmm?" Keme ni Brian.

(hingal mode) "Anong 'hmm' yan, ha? Bakit di mo 'ko hinintay patatas ka.?. Buti nalang naabutan pa kita. Hayyy nag-alala talaga ako na baka mapano ka!!!" Ang sabi ng humahabol kay Brian.

"Masyado ka kasing mabagal kaya nauna na ako sa iyo, Vincent. Tsaka, hindi naman ako maliligaw dito no... May mata kaya ito." Ang sabi naman ni Brian sabay turo sa mata niya.

"Aba, nagsalita ang memorize ang buong mapa ng Kamote Kingdom... Hindi maliligaw ha. Kung hindi ka lang talaga binilin sa akin ng nanay mong talakera na ihatid ka sa classroom mo eh hindi na ako naghahabol sa iyo." Reklamo pa ni Vincent, palibhasa kasi ito ang unang araw na umapak si Brian sa Blaast Academy at si Vincent ang naatasang magguide sa kanya. Magkakapitbahay kasi sila at nagkataong Blaast student din si Vincent noon pa.

"Ang sabihin mo, takot ka lang sa bunganga ni mama." Tumawa si Brian ng kunti, "O sige na, ituro mo na sa akin ang classroom ko."

"Aye aye captain!" Sagot naman ni Vincent na may salute gesture pang kasama. At sila ay nagsitungo na sa kani-kaniyang classroom. ( hindi sila classmate )


K3U music effects: ( bumble bee song ) ten teng ten tene teng titing


Sina Kalfa at Tedeltha ay nagtungo sa Blaast Academy at nagbalat kayo bilang mga estudyante. Susubukan nilang hanapin ang taong makapagtuturo sa kinalalagyan ng kanilang spaceship. Pero bago natin umpisahan ang paghahanap, sundan muna natin ang unang araw ni Brian sa Blaast school...


"Dito sa Hello room mo matatagpuan ang club na maaari mong salihan Brye." Ang sabi ni Vincent nang dumating sila sa Hello Room. Katatapos lamang nilang mananghalian at nandito sila ngayon para makapili si Brian ng club na sasalihan. Naexplain na pala ni Vincent na required sa school ang pagkaroon ng club. Kung kumusta si Brian sa kanyang morning class?? Well, isa nga talaga siyang nobody dun.


Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon