12. The Kamote Games

218 4 1
                                    

Inutusan na ni haring Hero si secretary Shin na gumawa ng liham paanyaya para sa palaro ng Kamote.

Anong klase ng laro kaya ang kanyang ibibigay para sa mga lalahok?

*Sige lang, mag-aksaya lang kayo ng oras habang hindi pa nakakabalik ang aking android*  Ito ang nasa isip ni Shin habang nagtatype ng invitation letter sa computer, *Sayang lang ang oras n'yo dahil sa akin lang mapupunta ang golden kamote, sakin lang! akin!* "Bwahahahaha!!!" At siya'y tumawa nang tulad sa horror films.


Narinig naman yun ni Brian nang maglakad ito sa opisina ni Shin..."Bakit ka tumatawa Brod Shin?" Takang tanong niya.


"Ahh... Eeh... Kuan, nanunuod kasi ako ng Just For Laugh sa Youtube, Sis Brye. Dami kong tawa neto." At nakahanap pa ng katwiran si Shin ha.

"Ganun ba. Natapos mo na ba ang pinagawa sa'yo ni haring Hero?"

"Heto, patapos na ako Sis. Ipiprint ko nalang to pagkatapos."

"Mabuti kung ganun. Kung may kailangan ka, andito lang ako, tawagin mo lang ako Brod Shin." Sabi ni Brian at naglakad ulit siya palayo.

"Sige Sis..." Sabi ni Shin. Nang makasigurong Wala na si Brian, "Kung may kailangan ka, andito lang ako." Ginaya niya si Brian, "Che! Nagbabait-baitan lang... Hindi yan uubra uy!"

Nang matapos na siya, pinatawag niya na ang mensahera ng palasyo na si K3U para ipamigay sa mga tao. Nakagawa na rin sila ng commercial sa Tv at nationwide pa ang audition.

Ang palaro ni haring Hero ay tatawaging 'Kamote of the Philippines', kung saan maglalaban-laban ang mga magagaling na pinoy sa larangan ng pagkakamote. Ang pinakamagaling sa lahat ay makakatanggap ng one year supply na Kamote, kontrata sa work kasama ang Kingdom of Kamote, at ang inaasam-asam na load worth 15 pesos.!.  ( hindi pwede ibroadcast ang tungkol sa golden kamote baka matunugan pa ito ng kalaban. )

Napagod ang ating mensahera sa pamimigay ng mga imbitasyon. Sa laki ba naman ng Pilipinas panong di ka mapapagod sa paglilibot di ba.


Malakas ang hatak sa patalastas kaya kahit unang araw pa lang ay dagsa na ng mga tao ang booth ng ABS-CBN, dito kasi gaganapin ang audition.

Nasurpresa pa nga ang hari sa naging resulta. Hindi pa man nagsisimula ang laro ay makikita na sa kanyang mukha ang laking tuwa.!. Suporta naman siya ng kanyang butihing asawa.

Para malaman ng lahat kung ano ang auditon, ito lang naman ang ilan sa mga katanungan ng mga interviewers...

Ano ang unang pumapasok sa isip mo pag nakakita o nakakain ka ng kamote?

Magbigay ng kahulugan sa acronym ng K-A-M-O-T-E  N-E-X-U-S.

Simple lang ang mga katanungan. Pag nasagutan ng tama ay pasok ka na bilang manlalaro. Ang turneong ito ay mapapanood sa buong Pilipinas at worldwide via TFC.

Ilan sa mga nakapasa ay sina Vincent, Haru, at yung iba ay makikilala lamang sa oras na simulan ang nasabing palaro.

Lumabas na ng palasyo si Shin.

Masaya siya sa araw na to dahil day off niya na bukas. Makakapahinga na rin siya at makakapaglibang kasama ang kanyang Bessy.

Naglalakad lamang siya habang hawak-hawak ang kanyang doodle radar. Dumaan siya sa entrada ng palasyo. Meron pala dung mga tao na abala sa paggawa ng rebulto ni haring Hero. Walang kyeme si Shin sa dinadaanan dahil nakapukos siya sa pagmonitor sa kanyang android. At dahil dito, may hindi inaasahang pangyayari. Hindi niya namalayan ang pintura sa taas nung natabig ni mamang ano kaya may posibilidad na mabuhusan siya ng pinturang ito.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon