"Brian, bakit ka ba nagkakaganyan? Akala ko pa naman matapang ka pero bakit hinayaan mo ang iyong sarili na lamunin ka ng kasamaan?" Nasa tono ng pag-aalala si Ydann.
Krish/Dhen: Brian!!! ( sabay na sabay pa )
"Brye." Maging si Chen ay nakaramdam din ng pag-alala.
Archer/Lancer: TT_TT ( ang o.a naman eh )
"Si Leviathan, siya ang may kagagawan kung bakit nagbago si Brian ngayon." Panigurado ni Asmodeus, "Tinukso niya si Brian sa pamamagitan ng selos."
"Anong ibig mong sabihin yung tungkol sa selos?" Usisa ni Krish.
"May pagkakapareho kami ni Leviathan sa panunukso. Kaya nga lang, nakapokus lamang sa selos ang kanyang atensyon. Sa selos ng tao manggagaling ang kanyang lakas." Paliwanag pa ni Asmodeus.
"Pero bakit, ano ang kanyang ikinaselos?" Maang na tanong ni Ydann.
"Yun ay hindi ko alam." Tuwid na sagot ni Asmodeus.
"Brian, magbalik ka na nga sa dati." Utos ni Lancer, "Naaalala mo pa ba ang misyon kung bakit tayo naririto?"
"Oo naman, malinaw pa sa pag-iisip ko ang ating misyon." Walang emosyon sa pagsagot si Brian/Ralf, "Ngunit, hindi niyo na ako makakasama sa misyon na yan. Alam niyo naman kung bakit... Dahil niyakap ko na ang kadiliman!"
"Magtigil ka nga T2!" Sita ni Ydann, "Hindi ko na nagugustuhan yang pananalita mo ha!"
"He!! Marinig ko lang ang bansag na yan, nababanas ako. Walang kwenta!!" Aba! At sineryoso na talaga ni Ralf ang pagiging kontrabida ha. Medyo mahaba-haba pa yung diskusyon ng mga tauhan pero dahil kunti lang ang panahon, kailangang iklian ang convo at isasalaysay nalang ang susunod na mangyayari.
"Go....shoot!" At inumpisahan na nga ni Ralf ang bagong laban sa pamamagitan ng pagtira niya sa kanyang kamote blade, "Lusob, Griffylon!" ( pangalan ito ng kanyang kamote blade )
Inatake nito ang dating mga kasamahan ni Ralf. Dahil sa hinang-hina na ang grupo, hindi sila kaagad nakasangga kung kaya't nadale sila ng maliit na trumpo.
Sunod nitong pinuntirya ang nasa tiyan ni Chen, napunit ang kanyang damit at nabuksan ang loob ng kanyang sikmura. Nahulog ang tatlong dragon balls, nanlaki ang kanilang mga mata sa nakita. Ang mga ito ay lumutang sabay lapit kay Leviathan. Sumeryoso ang mukha ni Asmodeus, mukhang alam na nga talaga ni Leviathan ang nasa isip ng kalaban niya.
"Balak ninyong ipunin ang pitong dragon balls, tama ba, Asmodeus?" Basang- basa ni Leviathan ang nasa isip nito.
"Leviathan, ibalik mo yan! Pinaghirapan nilang ipunin yan tapos aagawin mo lang?!" Medyo nasa tono ng galit na si Asmodeus.
"Hehehe! Mas lalo ka tuloy gumugwapo pag nagagalit ka, mahal kong kaibigan." Nakuha pa ni Leviathan magkumento ng ganun. "Bakit ka ba kasi kumampi sa mga kalaban ni Mistress Mikanjane? Nakakain ka ba ng nakalalasong kamote para maging mabait ka? Kunsabagay, mukha ka nga namang mabait tingnan, nakakaselos ka."
"Wala ka ng pakialam kung na kanino ako kakampi." Medyo lumakas na ang boses ni Asmodeus sa side na to, "Mapipilitan akong labanan ka kapag hindi mo ibinalik ang mga dragon balls!"
"Ah talaga? Baka nakakalimutan mong nasa teritoryo kita. At kahit magsama pa kayo ng mga lowbatt mong kaibigan ay wala kayong magagawa sa taglay naming lakas." Tama nga namang magyabang tong si Leviathan? Napepe tuloy si Asmodeus.
Muli namang umatake ang Kamote Blade ni Ralf sa kanila pero huli na dahil kanina pa pala nakagawa ng lagusan si Krish. Umatras sila sa laban. Ito ang unang pagkakataon na matalo sila ng ganito. Ang author ay nasa panig na ng kasamaan. Patay na! Ano naman kaya ang tumatakbo sa kanyang isipan ngayon? Magkakawatak-watak na ba ang mga bida? Galingan mong magpakaMASAMA Brye.