92. Kamote Panic

65 1 2
                                    

Isang araw, nagpunta sa 5 star hotel si Nanah para dalawin si Maricon. Sa room 201 nakacheck in ang prinsesa ng Isda. Nag-aalmusal siya nang tumunog yung buzzer. Silip sa robotic viewer at nang makita kung sino ang nasa labas ay agad niyang pinagbuksan ito ng pinto. Tuwang-tuwa si Prinsesa Maricon sa bumisita sa kanya. Ang unang kaibigan sa Kamote Kingdom.

"Mabuti naman ate at napapassal ka." Masayang sabi ni prinsesa Maricon.

"Siyempre naman, magkaibigan tayo eh." Sagot ni Nanah, "At dahil magkaibigan tayo, heto oh.. charan... Dalawang ticket para sa concert ng AKB48!"

"Nandito ang sikat na sikat na girl group ng Japan, ang AKB48?" Nganga sa tuwa si Prinsesa Maricon. Pareho silang fan na fan sa grupong ito. Seriously, andito sila sa Pinas?

"Oo naman Icon," Kwento ni Nanah, "Last month ko pa pinapabook ang ticket na ito. Ngayon na pala ang concert, matagal ko na itong inaabangan eh." gusto ko pa namang kami ni Kaito ang manonood ng concert pero mukhang di na matutuloy.

"Wow talaga ate? Salamat naman sa treat na to. Di bale, sagot ko ang foods natin. Mag-almusal na muna tayo." Nagtatatalon si Prinsesa Maricon sa surpresang ito.


Samantala, ngayong araw na to ay pumasok sa Kamote Dungeon si Ydann. Siya lang ang nagpunta, may guide kasi siya ng kawal ng palasyo. May pahintulot din siya mula sa hari.

Ito ang unang beses na makapunta siya sa ganitong klase na lugar. Marami siyang dinaanan na mga kriminal na nakakulong sa lugar na ito pero ang talagang sadya niya ay ang dating kasapi ng Isda Kingdom, si Roy Pe.

Nasa tapat na siya ngayon ng kulungan ni Roy. At dito...

"Ikaw." Tawag ni Ydann. Lumingon naman si Roy pero wala sa mood na sumagot, "Akala mo siguro may special treatment ka rito no. Kumusta naman ang mga araw mo rito? I'm sure namimiss mo na ang buhay mo dati...Yung may maraming magagarang sasakyan na made in China. Sarap sigurong..."

"Kung ang ipinunta mo rito ay ang impormasyon na makapagtuturo sa kinaroroonan ng kaharian ng Isda ang dahilan mo, hindi ako makikipagtulungan sa inyo." Sarkastikong sinabi ni Roy.

"Yun nga ang ipinunta ko rito. Ayaw mo bang lumaya?"

"Mas mabuti ng mabulok ako sa kulungan na to kaysa malaman nyo ang totoo."

"Bakit ba masyado kang loyal sa Boss mo eh balita ko ipinatapon ka niya di ba? Magaling mag-imbestiga si Ydann.

"Eh ano naman ngayon.!." Galit na ang boses ni Roy.

"Kung gusto mong makabalik at ipagpatuloy ang paninilbihan sa kanya, puwede kitang matulungan. Yun ay kung gusto mo lang."

"At ano naman ang kapalit ng pag-alok mong iyan?" Balak naman talaga ni Roy na maibalik ang tiwala ni Gwapong Marine sa kanya kaya niya natanong yon kay Ydann.

"Umanib ka sa amin. Puwede kitang gawing Kamote Agent, irereport mo sa amin ang agenda ng Isda Kingdom nang hindi nito nalalaman. Ganun lang naman kasimple."

"Para mo na ring sinabing tatraydorin ko si Bossing Sirchief niyan. Wag nalang. Dito lang ako sa kulungan na to, bahala kayong mabaliw sa kahahanap kay Bossing."

"Okey, madali naman akong kausap. Ang sa akin lang, binibigyan kita ng opportunity. Nasa sa'yo lang yun kung gusto mong tanggapin. Ok lang din kung ayaw mo. Sige alis na ako." Sabi ni Ydann... "Ah nga pala, may nakapagsabi na ba sa iyo rito na linggo-linggo yung PT nila?" Pahabol ni Ydann.

"Anong PT?"

"Prisoner Termination." Sagot ni Ydann, "Isa yung laro ng mga kawal dito. Nagbabato bato pek sila kung sino yung bubunot sa mga numero. Numero yun ng mga preso. Ang isang maswerting mabubunot, yun yong ipinapakain sa alagang Dinosaur ng palasyo. Ang tawag ng mga preso dun, sentensya. Goodluck sa mga nalalabi mong araw dito Roy, sana hindi ka mabunot." Pagkatapos masabi yun ni Ydann ay tuloyan na siyang umalis.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon