Hi guys, it's the Author again.
Few words na muna tayo before we start this new chapter ha.
Since the story of Kamote Nexus has gone for a long hiatus, recap na muna tayo sa mga naganap ok?
We are now in the beginning of Kamote and Isda Games arc wherein both parties have to fight for the ownership of Isda Kingdom. Mangyari kasi, kukunin na ng batas itong kaharian ng mga isda dahil wala na itong kapangyarihan na mamamalakad pa sa bansa. Dati itong pinaghaharian ng utak sa kamote barrel scam na si Gwapong Marine ngunit kanya na itong ibinigay sa kanang kamay niyang si Steve para ipagpatuloy nito ang kanyang nasimulang administrasyon.
Kung nasaan na ngayon si Gwapong Marine, yun ay walang nakakaalam.
And so, nagkasundo ang dalawang kaharian na idaan na lamang sa laro ang alitan imbes na sa giyera ito hahantong. Magandang ideya rin kasi ito di ba.
Sa Philippine Arena ginanap ang nasabing Kamote and Isda games at meron na silang kani-kanyang teams: Kamotebots para sa mga Kamote at Isdaticons naman para sa mga Isda.
The game's hosted by Dreamer, the Sergeant Kamote, which was sent by yours truly.
Ang nasabing laro ay magtatagal ng isang linggo. Bawat araw ay may dalawang laro silang lalaruin at ito ay choices ng bawat kaharian. Meron silang mga regular judges na mula pa sa Kamotelympus, sina Kamotedite at Kamothena habang magkakaroon naman sila ng guest judge sa bawat araw. Sa unang araw na ito ay si Ydann ang napiling magiging judge. Partida sa mga Nexusians yan.
First game. Ang Kamote Kingdom ay ginawa ang Guard Game. As explained from the previous chapter, ang Guard game ay nilalaro ng five players bawat team. Meron silang isang King na may sampung puntos at tigdadalawang puntos naman sa apat pang miyembro for a total of 38pts. Ang gagawin lamang nila ay patumbahin ang King para matapos na ang laban saka paramihan na rin ng puntos as the game progresses. Lahat ng players ay meron lamang 3 life points. Once na ito ay maubos, awtomatikong out na sila sa laro and the remaining players will be declared as winners.
Sa ngayon ay out na sina Stix ng Isdaticons at Conan ( Prince Bubblegum ) ng Kamotebots. May apat pang mga players ang natitira sa laban...
Android Chen ( one life left ) versus Isda Bomber Prinz Sniper ( two lives left )
Kamote Captor Krish ( 2 lives ) versus Unknown, King ( 3 lives )
Former Witch, now Nurse Iyrah ( 2 lives ) versus Isdalificent Yemjee ( 3 lives )
At si Dra Shinely, king ( 2 lives ) versus Rider 666 Death ( 3 lives )
As of now, nakalalamang na ang Isdaticons ng puntos. So, wag na tayong magpapaliguy-ligoy pa, ituloy na ang laban!
————————————————
Kamothena: Aba, ayos ito ah. Parehong nagtatapat-tapat ngayon ang apat na players sa magkaibang lugar. One on one ang laban.
Kamotedite: Sino kaya sa dalawang panig ang magwawagi ano?
Ydann: Hindi natin masasabi at mahuhulaan kung sino sapagka't parehong magagaling ang mga manlalahok. Mabuti pa'y panoorin na lamang natin ang mga nakakaabang na pangyayari.
Kamothena/Kamotedite: Mabuti pa nga.
°°°Iyrah versus Yemjee°°°
Nganga ang lahat ng mga manunood matapos mailabas ni Iyrah ang nakatago niyang kapangyarihan bilang isang dating magical witch. Dito kasi tayo naputol sa nakaraang kabanata.
