Sa sekretong silid pa rin ni Reyna Angelica...
"Ano? Madedehado si Roy kay Lucifer kahit na may powers na siya ng isang anghel?" Hindi halos makapaniwala si reyna Angelica sa ulat ni Sorrel.
"Yep!" Agarang sagot ni Sorrel. "Kung gusto mo, papatunayan ko yan sa iyo sa pamamagitan ng aking bolang kristal. Ipafast-forward ko ang mga mangyayari sa laban nila."
Tumabi na muna si Reyna Angelica para mahawakan ni Sorrel ang kanyang bolang kristal. Lumabas ang mga pakpak ni Sorrel para gampanan ang kanyang pagkaanghel ng oras... "Mahiwagang bolang kristal, ipakita sa amin ang susunod na mangyayari sa laban nina Roy at Lucifer!!!"
At nagliwanag ng husto ang bolang kristal. Pinakita nito ang eksena na kung saan matatalo ni Lucifer si Roy. Nagkumuyom sa galit si Reyna Angelica sa napapanood. Hindi niya nagugustuhan ang takbo ng mangyayari pa lamang.
"Oh kitams? Ano na ngayon ang gagawin mo mahal na reyna?" Nanunuksong tanong ni Sorrel.
"Grrr!!!" Nagkiskisan na ang mga ngipin ni Reyna Angelica. Sa kanyang pagkainis, kinuha niya ang cp niya at dinayal ang ilan pang nasa contacts niya na mga anghel. Isa-isa niyang tinawagan ang mga anghel na kapwa malapit sa kanya. Out of ten, apat na anghel lamang ang tumugon sa kanyang tawag at ito ay nagsipagdatingan...
"Kaibigang Angelica, narito na kami para tulungan ka." Ang sabi ni Gabriel. Una na siyang nakita sa Kamote Amazing Race.
"Patago lang kaming nagpunta rito." Ang sabi naman ng anghel ng puso na si Lovie, "Alam mo na, pinagbabawal na kasi sa amin na tulungan ka."
"Oo alam ko yun." Nakasimangot namang sabi ni Reyna Angelica. "Inutusan kayo ni Ygdrasil na wag na akong pakisamahan dahil itinakwil na niya ako bilang isang anghel."
"Oh wag ka namang malungkot my Dear, andito pa naman kaming mga kaibigan mo na handang umalalay sa iyo." Palubag-loob naman dito ni Mephisto, ang anghel ng pagdurusa at hinagpis.
"Huling gamit mo na sa aming kapangyarihan Gel kaya ngayon pa lang, sinasabi ko sa iyo, gamitin mo kami sa paraang sigurado ka na mananalo ka." Cheer naman sa kanya ni Seraphy, lider ng angel army sa Kamote Heaven.
"Maraming salamat, Gabriel, Lovie, Mephisto at Seraphy sa inyong pagdating para suportahan ako." Mangiyak pang sinabi ni Reyna Angelica, "Gusto kong ihiling sa inyo na samahan ako sa aking pamumuno sa Kamote Kingdom hanggang wakas."
"At ano ang kapalit?" Turan ni Mephisto.
"Ipaghahain ko kayo ng masasarap na kamote, pangako ko yan sa inyo." Masayang sambit ni Reyna Angelica.
"Wee? Eh nung nakaraan nga hindi masarap ang binigay mong kamote sa akin." Simangot ni Gabriel.
"Wag ka ng magtampo Gabriel, magha-hire naman ako ng cook na magaling magluto ng paborito ninyong kamote." Saad naman dito ni Reyna Angelica.
"Kung ganun, gusto kong handugan mo ako ng crispy kamote fries in cheddar cheese." Unang sabi ni Seraphy.
"Bake kamote naman ang sa akin." Ang sabi ni Lovie.
"Kamoteroni and kamotepanwich naman ang sa akin." Ang sabi ni Mephisto.
"Yung mga requests nila, ganun din ang sa akin." Wala lang maisip si Gabriel.
"Ok sige, ngayundin ay ipagluluto ko na kayo ng espisyal na kamote ala Queen Angelica.
"Yabang mo teh!" Saway naman ni Sorrel na nasa isang tabi lang.
Deal na. Sa wakas ay may mga anghel nang katuwang si Reyna Angelica para sa magiging laban niya kina Inday Lor at prinsepe Bubblegum.
Samantala, sa labanan naman ngayon nina Roy at ni Lucifer, pareho silang nagsalpukan sa himpapawid dahil sa kanilang mga pakpak. Bawat tapon ni Roy ng kidlat, isa-isang sumabog ang mga burol ng chocolate. Pati na rin ang mga pasabog ni Lucifer ay nagdudulot ng pagkasira sa lugar. Sinubukan ni Roy na gamitin ang kanyang Geass ngunit hindi ito tumalab kay Lucifer. Palibhasa kasi hindi normal na tao si Lucifer. Lumikha naman ng sandata si Lucifer, ang kanyang orb. Sa pamamagitan ng hawak niyang orb, kahit saang anggulo pa gagalaw si Roy ay tiyak siyang tatamaan ng kapangyarihan ni Lucifer.
