Kamote Nexus movie
K3U music effects: ( Myphone bubble tone ) tentenen ten ten nen
Ang tagpong nagkaharap sina Hero at Prinsepe Jazz, bagay na napanaginipan ni Hero maging sa kanyang paggising ay naaalala pa rin niya ang mga sinasabi ng prinsepe. Ang tungkol sa alien na nagpapatunay na may alam ito bukod sa kanya o sa mga kasamahan niya sa Science club. Kaya naman, kanyang tinungo kinaumagahan ang Science club room upang kausapin ang mga kagrupo...
"Nagpapatawag ka ng meeting para ano, para muling halukayin ang binaon sa limot na 'alien issues'?" Pikon na sinabi ni Colgate kay Hero. Si Colgate ay isang Senior gaya ni Hero pero schoolmate lamang sila. Specialty niya ang medisina.
"Hero naman, huwag na nating siyasatin yun ok? Ang mahalaga ay naitago na namin sa ligtas na lugar ang kakaibang sasakyan nang walang iniwang bakas." Sabi naman ni Yangski, isang junior student na mahilig sa inventions.
"Diyos ko Lord, ikaw na ang bahalang magpaintindi kay Hero Tol kung gaano kadelikado itong eksperimento na ito." Sabi pa ni Rhay na napakamot sa ulo. Isa rin siyang junior student na kaklase ni Yangski.
"Hero, totoong may alien dito sa Earth at maswerte tayong nakatagpo ng isang spaceship! Hindi natin kayang unawain ito kaya ipaubaya nalang natin sa eksperto na siyang nakakaalam sa sekreto nito. Tayo na mga nakadiskubre, ang Science club ang siyang mag-aassist sa mga dalubhasa. Kung ako sa iyo ay itikom mo lang ang bibig mo at huwag mag-ingay." Paunawa pa ni Colgate.
"Pero gusto kong malaman kung ano ang ginawa n'yo sa sasakyan at kung saan niyo yon pinatago? Bakit sa atin ay ako lang ang hindi nakakaalam sa mga ganitong klase ng sekreto? Gusto kong makita mismo ng mga mata ko ang kakaibang sasakyang iyon." Pagpupumilit pa ni Hero sa mga kasama.
All: Hindi maaari.!.
Hero: ●0●
"Sapat nang marinig mo lang ito dahil pag nagkataon, baka kung ano na ang gagawin mo sa sasakyan." Nakacross arms pang sinabi ni Colgate.
"Alam naming may pagkamalikot yang kamay mo pagdating sa eksperimento ng sasakyan kung kaya't hindi ka namin pahihintulotang makamaniobra nun." Sabi pa ni Yangski, nagsalita ang mahilig magbusisi ng mga bagay.
"Kung magsalita kayo ng ganyan, parang hindi nyo ako itinuring na kagrupo nyo. Kunsabagay, kayo lang naman ang parating nasa headline ng school newspapers kaya hindi na nakapagtataka na parang hindi nga ako kabilang sa grupo na ito. Mas mabuti pa siguro na titiwalag nalang ako rito. Wala naman akong makukuha galing sa inyo na mga makasarili." Tampo well si Hero. Nagkatinginan naman ang tatlo sa eksenang iyon. Pagkatapos nun ay umalis na sa meeting room si Hero.
Nang maiwan naman ang tatlo...
"Sa tingin ko'y hindi naging patas ang turing natin sa kasama nating si Hero." Pagbubukas ni Yangski sa usapan.
"Hesus Maria naman Yangs, kung papayagan natin siya sa gusto niya, tiyak na masisira lang ang sasakyan niyan eh. Hindi natin pwedeng isawalang bahala nalang ito dahil isa itong napakahalagang impormasyon na pupwede nating matuklasan sa darating na panahon." Paliwanag ni Rhay.
"Tama si Rhay, Yang, sapat na na tayong tatlo pa lang ang nakakaalam sa tunay na kalagayan ng sasakyan. Magaling sa pag-aaral sa astronomiya si Hero subalit, ang ganitong klase ng bagay ay hindi maaaring ipakita sa gaya niya. Maaaring magdudulot ito ng pagtatalo sa ating nakagisnang paniniwala laban sa ganitong siyensya." Sabi naman ni Colgate.
Sa buong klase ng umaga sa section Kamote ay kapansin-pansin na ang kawalang gana ni Hero na mag-aral dahil lang sa nangyaring pagpupulong na iyon. Gaya niya ay ganoon din ang pakiramdam nina Ydann at Seon. Nagkapalagayan ba sila ng loob?
