22. Kamote Grand Finals

155 1 2
                                    

Dumating na ang gabing pinakahihintay ng lahat na mangyari, ang grand finals! Tampok ang apat na kalahok na maglalaban na sina Ranth versus Messiebabe at Transam versus Spybot! At dahil ito na nga ang huli, isang engrandeng paghahanda ang isinagawa ng kaharian ng kamote na swak sa masa.


Nagkaroon ng libreng accomodation sa Araneta Coliseum. Namimigay rin sila ng isang kilong kamote sa mga manunood. Yung cellophane ay may lagda ng apat na kalahok na ito.

May mga posters at tarpaulins na ring dala ang mga supporters ng mga manlalaro. May text voting ding nagaganap. Nangunguna sa text votes si Death/Spybot. Ang iba ay meron ng fans club: Transamers, Ranth fever, Spybotaholics at Messibabesters sa kahit saan.


Andun na rin siyempre yung social media supporters. Pinaka may maraming hits sa Youtube ay yung naging laban nina Ranth at Vincent. Pinirata na rin ito sa cds at dvds para panuorin ng mga hindi nakapanood at uulitin din naman para sa mga nahuhumaling na sa laro. Semi final pa lang ito, pano pa kaya kung sa grand finals na.

Sa likod ng Araneta Coliseum ay kararating lang ng apat na kotse. Sakay nito ang mga kalahok. Nagsitilian ang kanilang mga tagahanga nang nagsibaba na sila ng sasakyan. Kaway-kaway, picture-picture. At pagkatapos ay pumasok na sila sa sa Araneta.


Nagsanib pwersa na rin ang musician na si K3U at sound effects na si Erick para sa epic games na ito. Sampol,


Erick/K2U   -+- hwhdgd8&:4#8


Nasa Araneta na ang lahat kaya umpisahan na ang palabas.

Isang dasal muna sa pangunguna pa rin ni K3U at kasunod nito ang pambansang awit.

At pagkatapos, ang live na live na palabas. Jana, pasok..!..


"Hello Philippines!!" Yeiled Jana Carlie. She enters behind the curtains and greeted the crowd. A slight hand gestures of waving with a graceful smile. "This is, The Kamote, of the Philippines." .... .... ....


"Clap clap clap clap!!!" Ang mga tao.


Kinumusta muna ni Jana ang mga tao, ang kanilang pagtulog etc... Pagkatapos, pinakilala na rin niya ang apat na mga hurado:

Si Kamoetdite, ang Diyosa ng pag- ibig at kagandahan.

Si Kamothena, Diyosa ng karunungan at kagandahan.

Si Kamote Jackson, anak ni Kamotedon na Diyos ng karagatan at

Si Vice Ganda, Diyosa ng lahat na uri ng kabayo.


Siyempre, nagpasalamat ulit si Jana sa kanyang mga sponsors lalo na sa kanyang suot na gown na yari sa kamote.

"And now, let's begin our show, The Kamote of the Philippines!!" Said Jana.



Erick/K3U    -+-  kfnsjahZjjfsjakxjf



Isang intermision number naman muna sa star magic artists ang nagpalabas para naman maaliw ang mga manunood.

Sa backstage ay nandun si Brian para sa interview portion niya kunwari sa mga manlalahok. Kasama niya rito si Shin na may talent din sa pangstalk kay Death. Pareho silang nagkunwaring reporters ng ABS-CBN para makakuha ng impormasyon sa target nilang sina Messiebabe at Death.

Meron silang dalang mikropono at camera na rin para sa coverage kunwari ng interview.

Unang lumabas ng kwarto si Transam.

Kumaway siya. Deadma sina Brian at Shin.

Sunod namang lumabas si Ranth. Gaya ng nauna, deadma pa rin. Nagsibalikan nalang ang dalawa sa kanilang kwarto. Naghintay muna ng ilang sandali ang dalawa hanggang sa lumabas na si Messiebabe. Heto na ang pagkakataon ni Brian para sa interview...


Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon