135. Road To A Kamote War

12 0 0
                                    

Kamote Nexus movie

Erick sound effects: tenene tene



Sandaling nawala ang tensyon nang pumasok sa tambayan si Mogamma...

Kamote Club Tambayan

Seon: At hindi lang nagbalik ang kanyang alaala niyan ha, pati porma niya ay nagbago na rin! Marunong na siyang magdamit ng tunay na pambabae at sakto lang din sa ganda niya yung buhok niyang hanggang likod. Nagmukha na talaga siyang Maria Clara sa anyo niya. ( tinutukoy ni Seon dito ay si Mogamma )

Hero: ( pabulong ) Huwag mong masyadong purihin iyan dahil isa lang siyang alien.

Seon: Ganun ba, hehe.

Ydann: Oh brye, ba't napamulahan ka na ng mukha? Para ka ng kamatis ah.

Brian: Huwag n'yo na nga lang akong intindihin.

Mogamma: B-Brian...

Brian: Mo-Mogamma...

JL: Uyyyy... May namumuong pag-ibig...

Brian: Huwag ganyan JL uy! Kahit kailan hindi ko inisip ang mga ganyang bagay ah.

JL: Asus! Denial stage ka pa.

Shin: Hahaha, hindi ko maimagine ang magiging kalalabasan kung sakaling magkakatuluyan ang tao at ang alien. Ano kayang hitsura ng mga supling nila sakaling magkaganun?

Brian: Eh di huwag. Teka nga muna, ba't sa aming dalawa napunta ang usapan dito? Di ba nga may dapat pa tayong atupagin kaysa dito?

Prince Jazz: Oo nga.

Mogamma: A-ano ba'ng pag-uusapan ninyo na kanina ko lang napansin na seryoso kayo bago ako pumasok dito?

Tedeltha: Eheem, ganito kasi yan Mogamma...

Kalfa: May lead na kami kung sino ang nagtago sa ating marmur at iyon ay si Colgate. Nakumpirma namin iyon nang magpadala siya ng sulat para kay Jazz, kasalukyan niya tayong hinahanap na mga alien. At ngayon nga, amin pang pagpaplanuhan ang aming gagawin sa susunod na mga tagpo.

Tedeltha: Ano ka ba Kalfa, inaagawan mo ako ng moment ah.

Kalfa: Eh masyado ka kasing mabagal magkwento tsaka, ako kaya ang lider sa atin dito.

Mogamma: Ang ating marmur... Kung nasa Colgate na iyon ang ating sasakyan, posible bang naroon din si Abetta?


All: Sino si Abetta?


Tedeltha: Ahm, si Abetta kasi ay...

Kalfa: Isa rin siyang kasamahan namin, bale apat kaming alien na napadpad sa planeta ninyo.

Tedeltha: Hayan ka na naman eh, nang-aagaw ng linya.!.

Kalfa: Lider kasi ako, magtigil ka na sa kakareact mo ha.

Nanah: Ah mga kasama, maaari naman nating planuhin yan nang hindi kinakailangan ang presensya ni Hal-abeoje di ba?

Brian: At ano naman yang gusto mong palabasin Apo Nanah?

Nanah: Kuwan, ito kasi yung muli niyong pagkikita ni Mogamma di ba, baka kasi gusto niyong mag-usap ngayon nang kayong dalawa lang. Sige na Abeoje, alam naming namimiss mo na siya. Di ba Mogamma? ^_^¦¦¦

Arlyn: Sige na Ralph, hayaan mo na kami rito sa tambayan. Kami na ang bahala rito.

Brian: Teka nga lang, ako ba'y pinagtatabuyan niyo na porket andito na si Mogamma ha? Eh sa gusto ko ring malaman ang plano ng club eh.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon