53. Escape From A Kamote Sin

104 1 0
                                    

Nagpakitang gilas na si Chen laban sa mga itim na baboy. Iba't-ibang klase ng sandata ang kanyang nilabas. Kumalas ang dalawa niyang braso at tumambad doon ang mga sandata na galing pa sa bansang Hapon na ginagamit sa sinaunang digmaan ng Hapon. Gamit nito, inatake niya ang mga itim na baboy.

Samantala, sa paglabas ni Emerald, nabahala ang mga itim na baboy. Isang cute na pusa ang nakaharap sa kanila. Ano kaya ang kakayahan na meron si Emerald?

"Labanan mo na sila, Emerald." Utos ni Krish.

"Okey!" Sagot ni Emerald. Labas ng mikropono, "Mic test, mic test."

"Kakanta ba siya Baet?" Unang beses palang kasi na ginamit ito ni Krish.

"Kapangyarihan niya 'yan. Alam mo ba ang kantang, 'pangarap na bituin'? Siya nagpauso nun." Umaalamat na rin si Lulu ah.

"Unti-unting mararating, kalangitan at bituin...", Sinimulan na ng jewel kamotepet na si Emerald ang pagkanta niya ng chorus. May napakaganda siyang boses na nakakarelaks ngunit nakakasakit naman ito sa pandinig ng itim na baboy. Nadamay na rin si Dhen. Palibhasa isa na rin siyang baboy. Nang mahilo na ang mga kalaban...

"Ngayon na Boss." Si Lulu.

"Ok! Lagusan para sa ibang dimensyon, portal creation!!!" Gumawa si Krish ng lagusan. Hinigop nito ang lahat ng mga itim na baboy sa paligid. Tinakpan naman niya si Dhen para hindi mahigop ng lagusan. At sa wakas, natapos na rin ang kaguluhan. Si Dhen nalang ang hindi pa nababalik sa dati.


Sa kinaroroonan naman ngayon nina Brian at Ydann, nagpapalit na ng anyo si Beelzebub, itim na balat, matutulis na kuko, maskuladong pangangatawan, may patulis na buntot at napakalaking pakpak! Kawangis niya na talaga ang isang demonyo. Haharapin pala siya ni Ydann. Gamit ang ano?

"Brye, meron akong tinatago na hindi mo pa nalalaman." Sabi ni Ydann.

"Gaya ng ano?" Ni hindi alam ni Brian ang kayang gawin ng matagal niya ng kasama? Gaano ba talaga kalakas meron si Ydann para ilihim ang tinatago niyang lakas?

Naglakad na si Ydann. Bawat yapak niya ay nag-iiwan ng marka sa sahig. Nadudurog ang sementong iyon sa simpleng lakad lang. Nahiwagaan naman dito si Brian...

"Mag-iingat ka T1." Ang kanyang sabi na may kasama pang sign of the cross.

Unang umatake si Beelzebub. Nasangga ito ng mga kamay ni Ydann. Nagpakitaan sila ng pisikal na lakas, kamao sa kamao.

"Imposible, ang katawan ni T1, biglang nag-iba..." Gulantang si Brian sa kanyang nasaksihan.

Ang dating payak na pangangatawan ni Ydann, ngayon ay singhubog na ni Superman, ang astig!

"Ito ang sekreto ko, ilang taon na rin ang lumipas buhat nang itinago ko ang kakayahang ito. Muling nagising ang kapangyarihan ko pagkatapos kong kainin ang golden kamote. Ibinalik ng golden kamote ang aking kapangyarihan. Pakiramdam ko, muli akong isinilang."  Paliwanag ni Ydann.

"Wow!" Napabilib agad si Brian.

"Kahit magbago ka pa ng katawan, wala ka pa ring silbi sa kaharap mo na isang demonyo!!" Nagbago na rin pati boses ni Beelzebub, ganap na siyang demonyo.

"Tingnan natin!" Sabi naman ni Ydann hanggang sa sinimulan na nila ang laban. Mas lumakas pa ang kapangyarihan ni Ydann ngayon. Kahalintulad nung sa halimaw pa siya. Laban sa laban.



Erick sound effects    --- tentenenteneee



Naubos ni Chen ang mga kalaban sa baba. Umakyat siya kung saan naroon ang iba pang mga kasama. Nadatnan niyang naglalaban sina Ydann at Beelzebub. Nakita niya si Brian sa isang tabi. Hinarap niya si Beelzebub. Minamasdan kung sino sa dalawa ang nakakalamang.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon