Sa palasyo, naging abala si Reyna Angelica sa pag-asikaso sa mga papeles na naiwan ni Haring Hero. Dahil medyo nagkulang ang palasyo ng mga tauhan, ang mensaherang si K3U na muna ang pansamantalang ginawang sekretarya ng palasyo. At gaya ng reyna, dumoble na rin ang trabaho ni K3U. Si Roy naman ay nagtungo sa DFA upang asikasuhin ang kanyang pagbabalak abroad kaya wala siya ngayon sa palasyo.
"Harrkk! Hindi pala biro ang trabahong ito, baka mamatay ako sa dami ng hahabuling schedule!" Nasa tono ng pagreklamo na si Reyna Angelica. Habang naglalagda ng mga papel, bigla siyang nakarinig ng mga ingay sa labas ng kanyang opisina. Hindi siya makapag-concentrate kung kaya naisipan niyang tumayo para alamin ang nangyayari. Subalit, hindi na pala kailangan dahil...
"Kumusta, mahal na reyna." Bati sa kanya ng isang pamilyar na babae na nakabihis ng itim na damit.
"M- Mikanjane?" Bulalas ni Angelica, "Teka, papaano kang nakapunta rito sa palasyo ko?" Nananatiling nakatayo sa kanyang mesa si Reyna Angelica. Humakbang naman palapit sa kanya si Mistress Mikanjane, palapit nang palapit hanggang sa dinakma ang leeg ng reyna. Hindi makahingi si Angelica sa ginawang pagsakal sa kanya ni Mikanjane...
"Alam mo bang galit na galit ako sa mga pamumuno ninyo?" Panimula ni Mikanjane, "Nagpunta lang naman ako rito para ipaalam na binawian na ng buhay ang iyong maybahay. At hindi rin magtatagal, isusunod din kita kasama ang iyong mga anak! Kapag ako na ang mamumuno, magtatatag ako ng bagong batas na siyang ikauunlad ng bansa!"
*Anong sabi niya? Wala na si my Hero? Hindi pwede ito... Hindi...* Naguguluhan ang isip ni Angelica nang mga sandaling iyon.
"Hahahaha! At ngayon, wawakasan ko na rin ang buhay mo." Sabi ni Mikanjane at gumamit pa siya ng pistol para barilin ang reyna, "Uhm!" Ang sabi niya nang iputok niya yun.
"HINDI!!!!!!"
Napasigaw si Angelica at mabilis na bumangon sa kanyang kama. Hinihingal siya habang pinaikot ang paningin sa paligid ng kanyang kwarto. Nasapo niya ang bumibilis na pagtibok ng kanyang puso. Halatang takut na takot ang kanyang hitsura ngayon. Binangungot lang pala siya.
"Ha...ha...ha... Isang masamang panaginip lang pala." Nasa mahina niyang sabi, "Ngayon lang ako nagkaroon ng ganoong klase ng panaginip ah. Ano na kaya ang nangyari sa mga kanexus dun sa Rizal? Sana nasa maayos na kalagayan lamang si my Hero."
Ang ganda naman ng simula ng umaga ni Angelica. Nyways, magtungo na tayo sa kinaroroonan ng mga bida sa Rizal. Ang grupo ay nagtungo na sa ikalimang pwesto matapos nilang magapi si Belphegor na demonyo ng mga batogan.
Sa ngayon ay nasa yungib na sila na kung tawagin ay Batik-batik. Tahimik lamang sila na pumasok sa loob nito. Sumeryoso na kasi sila sa misyon buhat nang mangyari yung kagabi. Oo nga pala, nagtime skip na ba ako? Ganito pala ang nangyari nung magkatagpo ulit ang mga bida sa labas ng Inn...
"Ano ba, bingi ba kayo?" Si Ydann na ang nagsalita, "Ano ba kasi ang nangyari habang wala kami rito?!"
"Ang mahal na hari, wala na siya." Nakayukong sinabi ni Dhen, napansin ng lahat ang kanyang pagkalungkot.
"Haha, hindi magandang joke yan Dhen, pakiusap, sabihin nyo yung totoo." Ayaw pang maniwala ni Krish. Tumango naman ang kambal bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Dhen. Hindi naman umimik sina Brian at Ydann.
"Ang mabuti pa'y panoorin nyo ito." Sabi ni Chen. Biglang nagliwanag ang dalawa niyang mata at pagkatapos ay may projector na lumabas dito. Pinakita nito ang video na kung saan ay minamaltrato ng mga shadow kamote si Haring Hero ng masama hanggang sa tuluyan na nga siyang bawian ng buhay ni Mikanjane.
