"Ay kamote!!" Nagulat si Brian nang biglang sinundot-sundot ni Zoro ang kanyang beywang, "Bakit ka ba nanggugulat d'yan?!"
"Eh ikaw kasi, napansin kitang kanina pa titig na titig dyan sa larawan sa pader." Giliw na giliw si Zoro sa pangungulit kay Brian. "Ano bang meron diyan sa larawan na yan at ayaw mong tantanan? Pansinin mo kaya ako rito nang hindi ako magmukhang katawa-tawa."
"Loku-loko ka. Gusto ko lang namang tingnan to dahil hindi ko alam na may anak pala si Apo Marine." Sabi ni Brian habang hindi pa rin nilulubayan ang pagtitig sa larawan. Kumambyo naman siya sa pagtingin kay Zoro, "Ikaw, bakit gusto mong pansinin kita?"
"Atot parang kanina mo lang sinabing may gusto kang sabihin sa akin eh nalimutan mo na. Pwedeng magtampo?" Nagduck face na si Zoro.
"Uhn, may nasabi nga ba akong ganun?" Biglang napaisip si Brian. Tuloy na naman sa kakasundot si Zoro. "Ano ba, namimihasa ka na ah! Kulit mo!"
"Ehehe, lumalabas ang kakyutan mo pag naiinis ka tsaka, alam ko na rin yung kiliti mo yeey!" Habang tumatagal lumalabas yung kapilyuhan ni Zoro.
"Aba't gusto mo ng --"
"Ng kiss?"
"Grrrr!!"
"Ahahaha hayan o pumupogi ka pang lalo. Ang dali mo palang mapikon Brye." As in nakakapikon yung pagtawa ni Zoro. Umismid sa kanya si Brian at nag-iba ng tiningnan na laruan. Sumunod sa kanya si Zoro at... "O sige, tutal ayaw mong magsabi, ganito nalang. Magtanong ka ng gusto mong itanong sa akin at ganundin ako sayo, ayos ba yun?"
"Seryoso ka?" Kumunot yong noo ni Brian. Pagkatapos nun ay umupo sila sa toy dining table at mala tea party yung style. Kumuha ng onting makakain sa fredge saka sila nag-usap ng masinsinan...
"Paano pala kayo nabuo? ang T-brothers?" Unang nagtanong si Zoro.
"Sa totoo lang hindi ko na matandaan basta ang alam ko, pareho kaming tatlo na nag-iimbestiga ng mga kaso."
"Bakit nga pala hindi ka gaanong nagsasalita sa thread ng Kamote kapag may magandang topic?"
"Dahil... Mahina yung connection kaya read mode lang ako?"
"Sagot ba yan? Parang hindi naman... Eh yung pinupost mo naman sa thread ay 'the end' at maraming nakakapansin nun ha. Yung iba ginagaya rin yon. Ano pala ibig sabihin nun?"
"Eh di tapos. May tanong ka pa?"
"Ah eh ano naman ang tingin mo sakin?"
"Isang baliw. Akala ko nung una seryoso ka. Justice Kamote ka nga di ba. Pero mainitin yung ulo mo at kung minsan lumalabas ang kapilyuhan tulad ngayon. Kaya ang masasabi ko, isa kang baliw. Nga pala, hanga ako sa english mo, nakikita ko si Apo Marine sa'yo kapag nagsasalita ka na ng ingles."
"Atot, sa lahat ng tanong ko yan lang yung mahabang sagot ah. Daya mo."
"O ako naman ang magtatanong ngayon... Saan mo nakuha yung kamote pea stones?"
"Sa pamamasura, bakit?"
"Sinungaling... May alam ako tungkol sa bagay na yan. Ayon sa alamat, dito sa mundo ay may naninirahang mga kamote dwarves. Sila ay nahahati sa walong sektor. Meron silang lider, kamote smurff ang tawag sa kanila. Sila yung nangangalaga sa kamote pea stones na ngayon ay nasa iyo na. Zoro-chin, ang gusto ko ay magsabi ka sa akin ng totoo... Saan mo nakuha ang kamote pea stones?"
Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Zoro sa sinabing iyon ni Brian kaya napaubo muna siya bago magsalita, "Imbestigador ka nga dahil marami kang alam... Ang totoo, may naging kaibigan akong kamote dwarf at minsan niya rin akong dinala sa kanilang mundo. Doon nagkaroon ng malawakang kaguluhan sa pagitan ng walong pinuno ng mga duwende. Tumulong ako at ipinagkatiwala sa akin yung kamote pea stone ng tubig. Ginamit ko yun para isa-isa silang patumbahin at kinuha ko sa kanila ang iba pang kamote pea stones. Natigil ang gulo nang wala na ang kapangyarihang inangkin ng kalaban. Hinirang akong bayani at pinagkaloob nila ito sa akin, ang kamote pea stones. Paglabas ko sa totoong mundo ay sinikap kong pangalagaan ang bansa gamit ang kapangyarihan nito hanggang sa mapansin ako ng mga taga-Kamote Society. Binansagan nila akong Justice Kamote dahil sa husay kong lumutas ng problema. Inatasan nila akong maging bantay ng Kamote Kingdom hanggang sa makilala ko na kayo."