43. The Enchanted Kamote

125 2 0
                                        

The story so far...

Nang si Ydann na tinamaan ng kamote virus ay kinain ang golden kamote na sa pangangalaga ni Aikie, siya ay nagpalit ng anyo sa pagiging mabangis na halimaw at kanyang sinalakay ang lungsod ng Quezon. Nanawagan si Scientist Shineley sa taumbayan na kolektahin ang limang crest of kamote upang maibalik sa kanyang tunay na anyo si Ydann.

Pinangunahan ni Reyna Lor ang pag-atas sa sampung katao na siyang kukuha sa limang crest. Sa tulong naman ng lagusan ni Krish, ang sampung mga napili ay nakapunta na sa kani-kanilang pit stop.

Sina Iyrah at Mary Joy ay napunta kay Seon. Nakuha nila ang kamote crest of courage. Sina Angelica at Roy naman ay napunta kay Shin. Nakuha nila ang kamote crest of knowledge. Sina Kaito at Nanah ay napunta kay prinsesa Purple. Nakuha nila ang kamote crest of friendship. Sa ikaapat na pit, napunta sina Haru at Transam kay Brian.

Anong adventure ang naghihintay sa kanila sa Davao?



Kinumpas ni diwatang Chinchin ang kanyang magic wand. Isinumpa nga niya si Brian na maging matanda na hirap sa pagsasalita. Pagkatapos nun, naagaw ni Chinchin ang kamote crest at siya ay naglaho sa harapan ni Brian. Walang magawa si Brian nang mga sandaling iyon. Gulung-gulo ang kanyang isip nang pumasok na siya sa kanyang bahay at nagmukmok. Halos ayaw niyang kumilos. Dumating sina Haru at Transam pero ayaw niyang harapin ang mga ito kaya hindi siya sumagot nang kumatok sila. Ngayong nasa loob na sila sa bahay, nilahad na lang niya ang mga nangyayari.


"Diwata?" Nagtataka si Haru, "May mga diwata pa ba sa panahong ito?"

"Sa palagay ko walang katuturan ang mga kinuwento ni lolo Brye sa atin eh." Pinag-iisipan pa ni Transam ang kanyang sinabi.

PAK PLOK BOINK !!!

"Aray naman Lo! Nakatatlo ka na ha!!" Kumukulo na ang ulo ni Haru. Pinalo na naman sila ng walis ng matanda.

"Hindi ito ang panahon pata magnituan! Seryiso ako ngayon ojey! Uaa pa, gibdi ko kagustijan ang magkagabito ako kaya utang na loob wqg nyo kong taeaging loli dahil asuwa akong maring yan!" Galit na ang boses ni Brian.

"Ang hirap namang intindihin ang matandang ito. Isulat mo na nga lang yan sa papel, Lo." Sabi naman ni Transam.

"Ojey!" Pumayag naman si Brian. 

Sa katayuan niya ngayon, nasa edad 86 ang katumbas ni Brian sa pagiging matanda. Gaya nga ng maraming matanda, uugod na rin siya. Hirap sa pagsasalita. Pero batay sa kanyang pananalita, mukhang listo pa ang kanyang pag-iisip. Buti na lamang ay nakakapagtext pa siya sa lagay niyang ito.

Pinabasa niya sa dalawa ang nakasulat sa tablet...

"Kayo ang pinadala ng palasyo para kumuha sa kamote crest. Tinatanggap ko ang inyong alok ng tulong. . ." Binasa ito ni Transam.

"Oo pinadala nga kami rito sa palasyo. At gaya nga ng sinabi mo, tutulong kami sa pagkuha sa kamote crest." Seryosong sabi ni Haru.

Nagsulat ulit si lolo Brye...

"Mag-iingat kayo sa puno ng balete. May naninirahang diwata riyan. Kung sakaling makita nyo si Chinchin, pakiusapan nyo siya na ibigay niya ang kamote crest na iyon. Iwasan nyong makipagtalo sa kanya para hindi niya kayo isumpa gaya ko." Binasa ito ni Transam.

"Yung puno ba ng balete sa likod nyo ang tinutukoy mo, Lo?" Panigurado ni Haru. Tumango naman si Brian.

"Tara Pre, puntahan na natin." Aya ni Transam. Tumayo na sila pero kinalabit ni Brian yung hood ni Haru at...

"Sandali, tulingan nyo muna akong tanggalin  anf sumpa sa ajin." Medyo nahihiya sa sinabi si Brian.

"Ahm, ano po bang kailangan naming gawin para matanggal ang sumpa sa iyo Lo?" Malunanay na sabi ni Transam. Nagsulat ulit sa tablet si Brian at pagkatapos...

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon