19. In The Name Of Kamote

175 1 2
                                    

"Pinahanga mo ako sa ipinakita mo kanina sa laban." Abot langit ang saya ni Transam. "Sana hindi pa ito ang huli nating pagkikita."

"Napabilib mo nga rin ako sa kapangyarihan mo eh kaya lang wala halos nakaintindi sa laban natin." May panghinayang sa boses ni Erick, paawa effect baka balatuhan siya. Asa ka pa.  Hala ka mamaya sa inuutangan mo.

"Ganyan talaga, mga kapwa artist lamang ang nakakaintindi sa kanyang kapwa artist. Marami kasing nanunood na hindi artist kaya ganun." Paliwanag naman ni Transam.



Samantala, magtungo naman tayo sa audience...

"Dali Bessy, late na pala tayo o, kanina pa nagsimula ang laban." Sabi ni Krish na kararating lang sa Araneta.

"Eh bakit pa kasi nating magpunta rito eh may Tv naman?" Sabi ni Shin.

"Day off mo kaya kailangang mag-enjoy ka muna ngayon."

"Enjoy enjoy... Dami ko nga tatrabahuin bukas sa opis." Pagdadamot ni Shin. Nakahanap sila ng bakanteng upuan at naupo na sila.

Ilang sandali pa ay sinimulan na ni Jana ang pagpapakilala sa huling dalawang manlalaro, sina Spybot at Dhen. Nagsigawan ang mga kababaihan nang makita sa screen ang mukha ni Spybot.

"Hala! Bessy, andun yung Botybear mo oh, kasali pala siya sa Kamote of the Philippines... Bessy? Hoy!" Sabi ni Krish. Nakita niyang nagmistulang bato si Shin sa kanyang nakita..."Love at first sight... Kaboom!!!"


At siyempre, hindi rin mawawala ang ating side story ng bawat manlalaro. Heto na ang kwento ni Spybot, lights, camera, action!

( Nga pala, dahil kampon ng masasama si Death, bukod sa iniba niya ang kanyang pangalan ay iniba rin niya ang kanyang paglalahad ng kwento )

Si Spybot ay nakatira sa Banawe, kung saan matatagpuan ang pinakamalawak na taniman ng mga kamote sa bansa, ang Banaue Kamote Terraces at tinaguriang Eighth wonders of the world.

Mga ninuno niya ang nagpalaganap nito, ang Ifugao tribe.

Nakuha niya ang pangalang Spybot dahil pang iispiya sa mga kalaban ang kanyang trabaho gawa na rin sa kakulangan ng nagbabantay sa Banawe. Sumali siya sa palaro na ito upang mapansin naman ng pamahalaan ang effort ng Ifugao sa pagtatanim ng kamote. Mabigyan din sana sila ng sapat na kabuhayan para sa pang- araw-araw nilang gawain.

Nagsipagsigawan naman ang mga kababaihan matapos ang palabas na iyon.

"Ang dami mo namang mga karibal Bessy, di pa nga kayo nagsisimula baka maagawan ka na." Sabi ni Krish.

"Sana manalo siya Bessy... Galingan mo, Botybear." Sabi ni Shin habang kinakagat ang panyo.




Sa madilim na bahagi naman ng Araneta ay nandun lamang si Angelica para suportahan ang kanyang partner in crime. Tumunog ang kanyang cellphone. Tumawag si Gwapong Marine.

"Malapit na pong magsimula ang laro, Bosing Sirchief."

"Siguraduhin nyong maipapanalo ni Death ang laban na yan. Kung hindi, mapapalpak na ang ating pinaplano."

"Makakaasa po kayo bosing."



Samantala, pinakita na rin sa screen ang mukha ni Dhen. Sigawan naman ang mga kalalakihan. Parang labanan ito ng mga gwapo't magaganda ah...

Heto na, para sa side story ni Dhen...

Tubong Maynila si Dhen, galing siya sa isang mayamang angkan na nakatira sa KHA o Kamote Housing Association, mga elite na pamilya ang nakatira roon.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon