44. Kamote Dark And Light

116 2 0
                                    

Ngayong gumaling na ang tiyan ng dalawa, nakahanda na silang puntahan si Chinchin para sadyain ang pakay nila.

"Tandaan ninyong pagmamay-ari niya ang kamote crest na iyon. Wag nyo siyang bigyan ng problema at baka matulad kayo kay Mang Rene." Paalala sa kanila ni Spider.

"Alam na namin yun. Kayang kaya kong kunin sa kanya yun." Malaki ang kumpiyansa ni Haru na makukuha niya ang crest.

"Ganundin ako." Sang-ayon naman ni Transam. Lumabas na sila sa banyo.


Pagkatapos nun ay kinontak na ni Spider si Brian...

"Nasa palasyo na ang dalawa at susubukan na nilang kausapin ang prinsesa ng mga diwata." Balita ni Spider.

"Maburi mamn kubg ganun Apiser. Pto kapag mabulrkyaso sila, ijaw na sama ang bahalng aumupirta a kanila ha." Sabi ni Brian sa kabilang linya.

"Okey... Jejemon ka na rin ngayon ha, Mang Rene."

"Che!!"

Pagkatapos nun ay umalis na rin sa banyo si Spider. Pupuntahan niya ang altar ng mga diwata. Nabasa kasi ni Spider sa aklat ng mga alamat ni Brian na dito sa mundo ng mga diwata ay wala silang gabi. Ang buong araw nila ay puro liwanag lahat. Natutulog din naman ang mga diwata kahit papano. Dahil ito sa liwanag ng kanilang sagradong tansan ng coca-cola. Sa tansan na ito nanggagaling ang lahat ng pinagkukunan nila ng liwanag sa loob ng puno ng balete. Ang tansan ding ito ay nakatago sa altar na binabantayan ng mga centipedes at earthworms. Balak ni Spider na kunin ang tansan upang mawala ang liwanag at balutin ang kaharian sa kadiliman. Option lang niya ito sakaling magmatigas ang prinsesa kina Haru at Transam.

Lumapit na ang dalawa sa prinsesa na kasalukuyang nanonood ng basketball sa BTV. Hanep ang Tv ng kanilang kaharian, nasa petals ng sunflower. Naabala ang panonood niya nang subukan siyang kausapin. At dahil sa bisita niya ang mga ito, pinakitaan pa rin niya ang mga ito ng kagandahang asal kahit hindi na sa kanyang loob.

"May ipapakiusap lang sana kami sa inyo kung maaari. Kailangan kasi namin ngayon ang kamote crest. Pero papalitan namin iyon ng kahit anong nanaisin mo, Chinchin." Ang sabi ni Haru.

"Magpapalitan tayo? Gaano ba talaga kaimportante sa inyo ang kamote crest na iyon? Kanina kasi may nagnakaw nun. Baka magkakampi kayo ng lolo na yun." Kumunot na ang noo ni Chinchin.

"Naku! Magkaiba po kami ng pamamaraan mahal na prinsesa. Hindi naman po namin nanakawin sa inyo ang kamote crest. Magpapalitan lang po tayo. Kahit anong gusto nyo... Bigas ba? Kaya namin yun ibigay sa inyo." Sabi ni Transam.

Sandaling nag-isip si Chinchin. Kunsabagay, wala naman talaga sa kanyang pakinabang ang kamote crest na iyon. Nagandahan lang kasi siya da desinyo nito kaya naging pagmamay-ari niya na ito.

"Oh sige, kahit ano pala ha... Ibibigay ko ang kamote crest kapalit ang inyong internal organs." Masyado namang harsh ng prinsesa na ito.


HARU/TRANSAM:    #-#    #-#    Internal organs???

"Oo. Mahilig kasi akong maglaro ng mga laman-loob ng tao eh... Nakasanayan ko na kasi yun mula ng bata pa ako. Kung di nyo natanong, mahilig akong manood ng horror films sa hollywood pati na rin sa Pinas. Suportado naman yung ama kong hari. Nakikipagtransaksyon siya sa mga morgue para maibigay lang ang luho ko. Kaya ganun. Adik pa rin ako sa mga 'internal organs'." Paliwanag sa kanila ni Chinchin.

Napanganga sina Haru at Transam sa narinig. Malala na yata ang prinsesa na ito. Ayaw yata nitong buhayin sila. Dito sa mundo ng mga diwata pa naman ay halos singlaki lang sila ng normal na tao pero kapag nasa mundo ng mga tao sila ay mga maliliit lang sila. Wala sa hitsura ni Chinchin ang pagkasadista.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon