152. Kamote Explorer

12 0 0
                                    

Brian: Mahalagang matutunan ng isang manunulat ang mga elemento sa paglikha ng isang kwento. Kapag naunawaan mo na ang lahat ng ito ay madali na para sa iyo ang isulat ang mga susunod pang pangyayari ng paulit-ulit. 

Sina Brian at Dreamer ay huminto sa isang tahimik na kapaligiran na may simpleng daan at may mga puno sa paligid nito.

"Nasaan pala tayo ngayon Kuya?" Tanong ni Dreamer habang kinukurap ang mga mata.

"Ito na ang simula ng ating kwento Dreamer. Parte ng kwento ang oras at lugar kaya kapag nagkukwento ka, mahalagang idetalye mo ang mga ito. Dahil nasa mundo tayo ng panaginip, ang oras ay maaaring manipulahin sa umaga at gabi. May araw kaya umaga. At ang lugar naman, hmmm, sa tingin ko tatawagin natin itong Kamote road." Paliwanag ni Brian.

"Eh bakit di po kayo sigurado sa lugar kuya?" Tama bang pati maliit na bagay ay kailangan hingan ng malaking katanungan Dreamer?

"Eh yun ang pumasok sa isip ko eh, tsaka panaginip ko ito kaya unawain mo nalang ok." Ang sabi ni Brian sa inis na tono.

"O-ok po." Sabi nalang ni Dreamer.

"May lugar na tayo at oras sa kwento. Ang kailangan nalang nating gawin ay kung paano natin patakbuhin ang istorya. Supposedly may tatagpuin tayo rito na isang karakter eh." Ang sabi ni Brian habang nag-aabang sa dulo ng Kamote road.

"Sino naman po ang tatagpuin natin Kuya?" Matapos ang tanong na iyon ay nakahanap agad ng sagot si Brian kay Dreamer.

"Aha! Hayan na pala siya, salubungin natin Dreamer!" Masiglang sambit ni Brian. Dali-dali naman silang dalawa sa pagsalubong ng nasa daan. Ito ay walang iba kundi si...

"Hi, ako nga pala si Aikie at kasama ko pa rin siyempre si Mommybear, ang alaga kong oso. Kaming dalawa ay nakatira sa Kamotetihan at naparito kami ngayon sa Kamote road para makipagtagpo sa aming kaibigan na si Brian. Ay! Nandito na pala sila." Ang sabi ni Aikie habang nakaharap sa kung saan.

"Waaaa..." Sabat naman ni Mommybear.

"Hi Aikie." Salubong ni Brian kay Aikie. Nagkamayan sila bago pinakilala si Dreamer at nakipagkamayan din. "Kilala mo ba si Aikie, Dreamer?"

"Siyempre naman po kuya. Si Ate Aikie po yung magiging tagapag-alaga ng golden kamote pagdating ng tamang panahon." Sabi ni Dreamer. Pero parang kulang ata ng mga detalye.

May nagpop-up na ulap sa kanilang harapan at ito ay may lumabas na video tungkol sa kung sino si Aikie...

"Ako yan ah." Naamaze sa sarili si Aikie habang pinapanood ang naturang video. Ganundin naman si Dreamer.

"Ayon sa alamat, namumuhay lamang ng simple si Aikie sa Kamotetihan. Nagbago ang kanyang buhay nang mapanaginipan niya ang golden kamote. Ang sabi, siya raw ang magiging tagapagtanim at mag-aalaga nito. Nang siya ay naglalakbay patungo sa Kamote kingdom ay nagpahatid siya kay Linda na isang manlalakbay sa kuwento. Pagdating doon, nalaman nilang ang golden kamote pala ay pinag-aagawan ng mga tauhan sa kwento. Nasa mga kamay ko naman nun ang golden kamote at ipinagkatiwala ko ito kay Aikie dahil naniniwala ako sa sinasabi ni Aikie. Kaya nga lang, sa pag-uwi nina Aikie at Linda patungo sa Kamotetihan ay sinalubong sila ni Ydann na may sapi ng kamote virus. Ninakaw ni Ydann ang golden kamote kay Aikie at sa kasamaang palad, doon na nagwakas ang kanyang istorya kasama si Arlyn. Nalaman ko nalang na nag-abroad na pala si Aikie kaya magpasahanggang ngayon ay hindi pa naitatanim ang golden kamote." Ang paliwanag ni Brian.

"Naku ha, humihingi ako ng paumanhin dahil sa nangyari, Brian." May lungkot sa boses na sabi ni Aikie.

"Waaaa..." Nakikisimpatya ba naman si Mommybear.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon