23. Kamote Revelations

146 1 0
                                    

Lumabas na rin ang katotohanan sa katauhan ni Messiebabe.

Ang haka ni Brian ay nagkaroon na ng bunga. Pero sa anong dahilan kung bakit lumantad na si Prinsepe Bubblegum?

Ano kaya ang nasa isip niya at binabalak niyang gawin?


"Don't go away, Kamote of the Philippines will be right back!" Said Jana hurrily.

Pinutol agad ng Tv ang programa.

Dumami tuloy ang mga bulungan sa paglantad ni Prinsepe Bubblegum.

Hindi pa tiyak ang kahihinatnan nito.

Lumapit si Brian kay prinsepe Bubblegum para kausapin. Bilin niya na anumang mangyari, wag na wag nitong gagamitin ang kamote note. Nagkibit-balikat na lamang ang prinsepe.

Sino ba si Brian para balaan siya?



"Dapat ba natin siyang idisqualify?" Tanong ni Kamothena. Nagpulong kasi silang mga hurado kung ano ang magiging hatol nila para rito.

Tinawagan na rin ng kinauukolan ang palasyo. Nagkataon kasing wala ngayon sa Araneta ang mag-asawang hari at reyna.

Hindi tuloy nila mapapanood ng live ang grand finals.


Pagkaraan ng ilang sandali ay nakausap na nila si haring Hero at tinanong kung ano ang magiging desisyon niya para kay prinsepe Bubblegum.

Walang kyimeng sumagot ang mahal na hari na ituloy ang laban.

At siyempre, wala silang magagawa kundi sundin ang gusto ng hari.

Itutuloy nila ang laban.

Pumalakpak naman ang mga tao sa go signal ng staff at ng nakakataas sa programa. Itutuloy daw ang laban.

Matamlay na bumalik sa kanyang upuan si Brian. Dasal niya na sana hindi matulad si Ranth sa nangyari kay Haru nung nakaraang laban.


"And now were back." Said Jana, "Were very sorry that we cut the program, we just have a little discussion regarding Messiebabe who appear to be Prince Bubblegum!..."

"...Thankfully," She added, "Its settled, People of the Araneta also agreed to continue the fight. So everyone, once again, Ranth versus Prince Bubblegum!"


Sigawan naman ang mga manunood na may kasamang sipol. Mas dumami tuloy ang mga tagasuporta ni Prinsepe Bubblegum.

Ang galing talaga niya magpanggap.

"Ikinagagalak kong makalaban ang mahal na prinsepe." Tapat na pagkasabi ni Ranth, "Pero sa labang ito, pantay pantay muna tayo."

"Yan ang gusto kong marinig." Kampante si Prinsepe Bubblegum, "Ibigay mo ang lahat ng makakaya mo at wag kang mag-alinlangan sa akin."



At pinagpatuloy na nga nila ang laban.

Gumamit ng bubble glue si Prinsepe Bubblegum at inatake si Leo Kamote.

Dumikit siya sa sahig at hindi makakilos at makabangon.

Sunod namang tinawag ni Ranth sina Aquarius Kamote at Scorpio Kamote upang backup-an si Leo Kamote. Hinawakan nila ang magkabilang braso ng prinsepe sabay kiliti ng mga ito sa kilikili.

Napahagalpak sa kakatawa si Prinsepe Bubblegum.

Sa tulong naman ng sipit ni Cancer Kamote, nagawa ng makabangon si Leo Kamote dahilan para makalikha siya ng liwanag na energy ball at kanya itong inatake ang prinsepe.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon