134. Kamote Memories

26 0 0
                                        

Kamote Nexus movie


Erick sound effects: ten ten ten nen ten ten ten ten nen ten nen


Kasagsagan ng nalalapit na pagbagsak ng marmur na kung saan ay nakasakay ang apat na alien na sina Kalfa, Abetta, Mogamma at Tedeltha. Babagsak ang sinasakyan nila sa planetang Earth sa bansang Pilipinas at sa lugar na may malapit na paaralan, ang Blaast School Academy. Bago pa ito tuluyang mabagsak, si Abetta ay tumamo ng malalim na sugat dulot ng nasira nilang sasakyan. Si Mogamma naman ay tinangay ng hangin at nalayo sa kanyang mga kasama. "BOOM!" Ang ingay na mula sa bumagsak na sasakyan.


At yun di'y natapos ang kwento sa mga alien.



Black scene sa camera mga 5 seconds hanggang sa may imahe ng puno ang lumitaw sa gitna. Zoom in natin...

Heto, may isang alien pala ang naunang bumagsak bago ang insidenteng pagbagsak ng sasakyan. Nasa mapunong lugar ngayon si Mogamma, walang kahit na anong bakas ng tao at hayop sa lugar na iyon. Bumaon sa lupa ang kanyang ulo at umabot pa siya ng kinse minutos bago niya tuluyang mahablot ang kanyang ulo. Pagkuwan nito ay nahihilo pa siya...

"Uhn, hnn ahn..." Ang kanyang ungol habang hinihimas ang buong mukha. Ginala ng kanyang paningin ang paligid na halatang bago sa kanya. Sa eksenang iyon ay wala siyang ideya kung nasaan siya. Nagdesisyon na lamang si Mogamma na maglakad-lakad na muna sandali. Ginamit niya yung kanyang instinto habang binabaybay ang kapunuan dito. Medyo wala sa ayos ang paglalakad niya nang mga oras na iyon. Makaraan ang mga saglit at sandali, siya ay nakalampas na sa kakahuyan. Ngayon ay nasa highway na siya na walang gaanong sasakyan na dumadaan. Siya ay tumawid dito pero may nakakita sa kanya sa gawing kanan. Napalingon siya sa sigaw ng manong na tila lasing pa, may hawak din'g bote ng Tanduay.

"Hoy ikaw! Saang party ka ba galing at ang sagwa ng costume mo ha?" Walang malay na tanong ng mama. Sandaling napahinto si Mogamma at inaaral yung salita ng lalaking nasa harap niya.

"Hindi ako nanggaling sa party, ito talaga yung mukha ko." Makatotohanang sagot naman ni Mogamma. Napakatalinong alien, ang daling makaadapt sa salita ng iba.

"Hahaha. Wag mo nga akong patawanin, hali ka nga rito." Hindi takot yung mama bagkus hinawakan pa nito ang mahabang braso ng alien saka hinila papunta sa tambayan nito kasama ang iba pang mga kainuman. Paglapit nila roon, ang lahat ng mga lasing ay biglang natauhan nang makita ang hitsura ni Mogamma.

"Baliw ka Tol, elyen iyan!" Kahit natatakot ay nagmamatapang pa yung kainuman ni manong na duruin ng kanyang daliri si Mogamma.

"Anong sabi mo, elyen itong kasama ko?" Ulit naman ng mama. Tumango naman sila, mga anim ang kanyang kainuman ng mga sandaling iyon. Tumingin ng dahan-dahan si manong kay Mogamma na kanina pa nakatingin sa kanya. Waring late reaction si manong na napatalon palayo at tumakbo sa mga kasama nito. Sinundan lamang siya ng tingin ni Mogamma.

"Alien?" Di rin makapaniwalang sabi ni Mogamma sa sarili at napatili naman niya ang mga manginginom.

"Dali! Tumawag na tayo ng pulis ngayundin!!!" Ang sigaw na utos ng lasing na mama. Yung iba ay kumuha na ng kanilang itak, bolo at pala bilang mga armas nila laban kay Mogamma. Kahit natatakot man ay sinubukan pa rin nilang lumapit kay Mogamma na hanggang ngayon ay walang imik.

"Mga kasama, tayo na!" Ang sambit nung isa, nagkasundo ang lahat na gulpihin ang alien na ito.


Erick sound effects: boog! pak! pek! pik! pok! puk! boog!

"Ah! Aray! Nasasaktan ako!! Tama na!!!" Ang sigaw ni Mogamma. Hindi siya nanlaban sa mga gumugulpi sa kanya. Bumagsak siya habang tinatakpan ang sarili gamit ang mahahabang braso. Ang mga lasing naman ay walang sawang humahampas sa kanya. Naubos ang pasensya ng alien kung kaya napilitan siyang gamitin ang kanyang kapangyarihan. Biglang lumiwanag ang alien na siyang nagpahinto sa mga lasinggo hanggang sa bigla na lamang itong naglaho sa kanilang harapan.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon