62. Desire From Kamote

88 0 0
                                    

"Ang sagot ko sa tanong ay..." Mukhang sigurado si Ydann sa kanyang ginagawa. "E!!!"

Asmodeus --- (^...^)

Brian --- ...

Chen --- -.-

Dhen --- ō_ō

Krish --- @,@

Macky --- 00_00

Marquee --- :'O


"Oo na, hayaan niyong ipapaliwanag ko sa inyo kung bakit 'E' ang aking sagot," Mahinahong sabi ni Ydann, "Basahin niyong mabuti ang nakasulat ha..."

I am the beginning of the End.

You can see me once a yEar but not in a month.

You can see me twice in a dEcadE but not in a day. Who am I?


"Gets ko na Dan." Tipid na sagot ni Brian.

"Ganun lang pala kasimple pero naluto talaga ang utak ko sa kakaisip ng maisasagot ha." Nakahinga na rin ng maluwag si Marquee.

"Tingnan nyo po ang lagusan, magsasara na siya." Pansin agad ni Chen.

At yun nga ang nangyari, ang tatlong daanan ay nagsara. Pagkaraan ng ilang sandali, yumanig sa loob ng kuweba kasunod ng pagkaroon ng malalim na sinkhole sa kinatatayuan nila. Sila ay nahulog lahat.

At siyempre, hindi mawawala roon ang tili at hiyaw. Pakisampol nga riyan Erick...



Erick sounds --- KYAAAAA!!!! ( Ambadoy )



Makalipas ang ilang segundo matapos nilang mahulog...

"Ang dilim, wala akong makita." Bungad ng ingay ni Dhen.

"Nasaan na ba tayo?" Si Krish naman ang sumunod, "Mga kasama, nasaan kayo? Nawala ko ata ang flashlight ko eh."

"Sa akin din, nabitawan ko." Ang sabi naman ni Macky.

"Ang mabuti pa, magpalit ka muna ng anyo Mack, gamitin mo ang ilaw ng iyong apoy." Mungkahi ni Marquee. Sumunod naman dito si Macky.

Si Macky ay naging si Archer at ginamit ang kanyang kapangyarihan ng apoy para makita nila ang paligid kung saan sila napadpad.

"Sa wakas, nagkita-kita na rin tayo." Masiglang sabi ni Ydann, "Anong lugar naman kaya ito?"

"Tingin ko, malapit na tayo sa kinaroroonan ni Leviathan." Ang sabi pa ni Asmodeus sabay turo sa isang karatula na may pangalang, "Emanlas, parang natatandaan ko ang pangalan na to ah."

"EMANLAS? di ba yan yung mga letra na isinulat natin sa tatlong kahon?" Ang sabi ni Krish na kinasang-ayunan naman ni Ydann.

"Teka nga muna, bakit kulang yata tayo ng isa? Nasaan si Brian?" Pansin ni Marquee.

"Oo nga no. Naligaw kaya siya?" Si Dhen naman.

"Maliwanag naman ang paligid ah, bakit kahit anino lang niya eh hindi natin makikita?" Si Archer di'y nagtataka.

"Baka naman, hindi, ayokong isipin yun... Think positive lang dapat." May agam-agam na si Ydann.

"Nga pala, ano yung tungkol sa Emanlas, Asmodeus?" Natanong nalang ni Krish.

"Pangalan yun ng isang napakalaking serpente, mahilig kasi mag-alaga ng mga ganun si Leviathan. Marahil, narito tayo ngayon sa tahanan ng kanyang alaga. Sa tingin ko naman, balak niya tayong ipakain kay Emanlas." Paliwanag ni Asmodeus pero kalmado pa rin kahit alam ng nasa panganib na sila.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon