34. See You Kamote

127 2 0
                                    

"Narito na tayo sa palasyo." Ang sabi ni Reyna Lor kay Angelica nang makarating na sila galing sa biyahe, "Welcome sa kamote palace."

Iginiya ni Angelica ang loob ng palasyo. Nagandahan siya sa istraktura. Ang palasyo ay yari sa ginto. Ito ang unang pagkakataong nakatapak siya sa kaharian ng dating sinta.

Nakipagkita si Reyna Lor kay K3U. Kahit nasa Bohol ang reyna, alam niya na ang nangyari sa golden kamote at kay haring Hero. Agad din niyang ipinatawag ang lahat ng royal knights, upang pag-usapan ang pagkakakidnap kay haring Hero.

Since wala pa silang palatandaan kung nasaan ito, yung kalaban na muna ang kanilang inimbestiga.

"Reyna Lor, ito yung picture na iniMMS sakin kanina ni Gal," Sabi ni Brian sabay abot ng picture, "Siya ang utak sa pag-ambush kay haring Hero."

"Thanks Brye, teka, parang namukhaan ko ang babaeng to ha, ang sagwa naman ng hitsura, nasubrahan sa make up..." Aba, taray ng kumento ni Reyna Lor.

"Siya po yung host sa Kamote of the Philippines na ipinadala sa English room business, mahal na reyna." Sabi ni K3U.

"Bakit nag-iba siya ng fashion? Nagmukha tuloy siyang namatayan." Lait ka pa reyna Lor, "Balik tayo sa issue guys... Gusto kong isearch nyo sa Google ang babaeng nasa picture na ito. Alamin nyo kung saan siya nakatira, ano ang paboritong pagkain, ang kanyang phone number, sino yung ex boyfriend niya --."

"Teka lang mahal na reyna, mukhang o.a na po yung story, tama na po yung phone number niya lang muna." Pagtatama ni Brian.

"O sige Brye." Natameme si Reyna Lor.

Pagkatapos ng kanilang meeting, nagmeryenda na muna ang nasa palasyo, kamotecue yung kinakain nila. After nun, class dismiss na.

Pagkaraan ng ilang sandali, may binigay si K3U na sulat. Nakatanggap si Reyna Lor ng resignation letter mula kay Shin.

"K3U, iharap mo sa akin ang sekretarya ng palasyo."

"Masusunod po mahal na reyna."


Ano to, Shin versus Queen Lor na ba ang kasunod?

Nyways, yung tungkol pala sa golden kamote, nakapagdesisyon na kanina si Brian na ibigay nalang kay Aikie ito. Naniniwala kasi si Brian sa kanyang alamat tungkol sa dreams and interpretations. Kaya hayun... Napakanta tuloy si Aikie ng "We did it, we did it hooray!" Kasama ni Aikie si Arlyn nang umuwi siya sa Kamotetihan. Safe na ang golden kamote. Ang mahal na hari na naman ang problema ngayon.

Balik sa palasyo, humarap si Shin kay reyna Lor. Nakahanda na siya. Meron na siyang dalang maleta para umuwi sa Bohol. Nandun sa mga oras na iyon si Angelica para makichismis. Andun din si K3U. Nagkatinginan lang sina Shin at Angelica... Kahit magkapitbahay lang sila, hindi sila gaanong close. Katunayan nagsisiraan pa nga sila sa Fb. Pinost ni Shin ang picture ni Angelica na nangungulangot. Hindi yun maganda, nakakasira ng virtue.

Balik sa eksena tayo. Ang pagharap nina Shin at reyna Lor...

"Nalaman ko ang iyong ginawa Shin. Tinangka mong angkinin ang golden kamote sa pag-aakalang maibangon mo ang inyong lugar." Bible mood si reyna... Tahimik lamang si Shin, "Ang ginawa mong iyon ay walang kapatawaran. Subalit, batid ko rin ang iyong kabiguan, Shin. Niloko ka ng isang lalaki. Alam kong binigay mong lahat para pansinin ka ng lalaking iyon pero sa huli, iniwan kang nag-iisa."

Tumulo na ang luha ni Shin.

Gumulung-gulong siya habang umiiyak.

"Sino yung lalaking tinutukoy mo mahal na reyna?" *Bulong ni Angelica, nakiki fc lang.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon