129. A Kamot-able Experience

34 0 0
                                    

Kamote Nexus movie

Erick sound effects: tededit tedit...

Isang umaga sa bahay ng mga kamote at ang kanilang daily routine ( di naman masyadong pandaily, sakto lang ) papuntang Blaast School...

J-mae Shin: gising, bangon, mukmok, kain, ligo, bihis tapos diretso sa school.

Seon: gising, harap sa salamin, handa ng masusuot, kain, ligo, harap sa salamin, bihis, harap sa salamin at harap ulit sa salamin tapos punta agad sa school.

Ydann: walang tulog, inom ng tabong kape at kain ng panis na tinapay, bihis tapos punta sa school... zombie mode

Shineley: copy paste kay Shin.

Jenicka: likewise

( yung iba pang kamote members ng Kamote Club ay hindi mahagilap ng camera )

Hero: mas naunang nagising kaysa sa tunog ng alarm clock, hirap bumangon, narinig ang malambing na tawag ni Angelica at siya'y napabangon... pinaliguan, binihisan at pinakain tapos punta agad ng school.

Prinsepe Jazz: gising-selfie, bangon-selfie, ligo-selfie, kain-selfie, bihis-selfie at punta na rin sa school sabay selfie ( futuristic ang kanyang dating )

Game na ang mga Kamote clubsters sa kanilang unang araw ng kanilang grupo. At siyempre, dahil unang araw pa lamang ito ng kanilang pagtatag, isa-isa muna silang nagpapakilala sa isa't isa. Ang 15 members na ito ay may kanya-kanyang angking talino sa iba't ibang larangan ng kanilang eskwelahan. Alam naman na natin kung saan magaling yung mga leading characters natin. Yung ibang members ay may angking galing din sa mga larangan gaya ng sa math ( yung tipong pang math major na ), sa politics, medicine, religion, culinary, philosophy, alchemy, sorcery, literary atbp. Mga mahuhusay na pinagsama-sama sa iisang tambayan.!. Matapos ang kanilang pagpapakilala sa isa't isa ay nagkaroon sila ng eleksyon. Pipiliin kung sino ang kanilang magiging lider sa Kamote Club. Narito ang mga kaganapan...

( Ang crowd ay masyadong maingay nang magsalita si Prinsepe Jazz )

( Eheem ) "O siya sige, oras na para piliin natin kung sino ang ating magiging Kamote President sa club na ito." Pauna ng prinsepe. "Ang pagbubotohan natin ay sina Ydann, Seon at Hero dahil sila ang nagpursige na maitayo ito. May gusto bang magdagdag sa inyo?" ( katahimikan ) "Kung gayun, simulan na natin... Sinong gustong si Ydann ang magiging presidente???"

( May dalawang nagtaas ng kamay )

"Nubayan, kakahiya sa imahe ko." Nagkumento pa si Ydann.

"Eh sino naman ang gustong bumoto kay Hero?" Tanong ni Prinsepe Jazz.

( Dalawa rin ang nagsitaas ng kamay )

( Buntung-hininga ) "Mabuti nalang at kaunti lang ang bumoto sa akin." Ikinasaya pa yon ni Hero.

"Mukhang alam na natin kung sino ang napili ng mga miyembro natin." Nakangiting sinabi ni Prinsepe Jazz.

"Walang duda, malaking hatak kaya yang si Pare sa Chiks... Di ba Seon?" Panigurado naman ni Shin.

Seon: ( Kibit-balikat ) Di ko alam...

JL: Kyaaa!! Kung si Seon ang siyang magiging pinuno natin ay magpapaalipin ako sa kanya hanggang graduation!

Arlyn: Magtigil ka nga riyan JL, nakakahiya kay Seon.

JL: Sus, kunwari ka pa eh pareho lang naman natin siyang binoto.

Arlyn: ...

"Sige na Seon, magbigay ka na ng mensahe para sa lahat." Pagkasabing iyon ni Prinsepe Jazz ay naupo na siya. Tumayo naman si Seon at humarap sa kanyang mga kasama...

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon