Pandemic Desires
By Neri
Chapter 1: Babala
Taong 2030, eleven years after the worldwide pandemic because of the COVID- 19 virus, tuluyan nang nakabangon ang buong mundo mula sa krisis na dulot ng pandemya. Sa Pilipinas, tuluyan nang nakabangon ang bansa sa ekonomiya at wala na ring bakas ng COVID sa mga Pilipino. 2022 nang marating ng bansa ang herd immunity mula sa virus nang mabakunahan ang mahigit sa kalahati ng populasyon ng Pilipinas. 2025 nang mabakunahan na ang lahat ng Pilipino at nang wala nang naitalang kaso ng COVID. Sa taon ding iyon ay tuluyang bumalik ang normal life ng mga tao.
"I can't imagine na magta- trabaho ako sa China after eleven years mula noong mangyari ang pandemic. Bakit kasi rito tayo pinadala ng mga boss natin to do the research?" Reklamo ni Myrna Birog sa kaibigang si Prances Ilao. Scientific Researcher sila ng isang bio- laboratory sa Pilipinas, ang Techno Bio Lab. After marating ng Pilipinas ang herd immunity sa COVID- 19 ay mas pinatindi ng Department of Science and Technology ang research institutues nito. Nakipag- partner ito sa mga pribadong kumpanya at doon nga nabuo ang Techno Bio Lab. Misyon nila Myrna at Prances na alamin kung may natitira pa bang COVID- 19 virus sa Wuhan, China, ang unang epicenter ng COVID noong December 2019. Aalamin nila iyon dahil buhay pa rin ang mga wet market sa China kung saan nagbebenta ng mga wild animals na posibleng pinagmulan ng COVID- 19 virus na napasa sa tao.
"Alam mo naman ang Pilipinas. Ayaw nang magpatalo sa Vietnam. Masyado nang praning dahil baka magkaroon na naman ng mga susunod na pandemya. Kada- bagong dekada kasi may bagong virus ang kumakalat. SARS noong 2000's, tapos bago matapos ang 2010's at sa simula ng 2020's yung COVID- 19. Eh nagsisimula na ang 2030's malay mo may bago na naman sa dekadang ito di ba?" Tugon naman ni Prances.
Sa Techno Bio Lab lang nagkakilala at naging magkaibigan ang dalawa. Noong una'y hindi sila magkasundo. Magkaiba kasi sila ng mga prinsipyo sa buhay. Si Myrna ay happy go lucky, free spirited at very spontaneous. Palibhasa'y bunsong anak sa limang magkakapatid. Si Prances naman ay masyadong workaholic, go getter at adventurous palibhasa'y panganay at pinag- aaral pa ang dalawang nakababatang kapatid sa kolehiyo. Wala na itong mga magulang dahil namatay sa COVID- 19 ang mga ito. Eleven years na niyang hawak ang responsibilidad bilang kapatid ang magulang sa mga kapatid. Sa kalaunan ay naging perfect partners ang dalawa. Ang kanilang differences ang nagpuno sa pagkukulang ng isa't- isa.
"Haaay nako! Sana naman ay wala nang maimbentong bagong virus na magiging epidemya. Ayoko nang ma- lockdown at ma- quarantine." Tugon ni Myrna.
"I know right. Ako nga ayoko nang mawalan ng mahal sa buhay." Mahinang saad nito.
Niyakap niya ang kaibigan. "Wala nang mawawalan ng mahal sa buhay Ces. Wala na. Kaya nga tayo narito hindi ba? Aalamin natin kung may possible virus na naman in this new decade."
Gumanti naman ito sa pagkakayakap sa kanya. "Thank you Myrns."
Saka sila nag- ayos ng gamit sa hotel na tutuluyan nila sa Beijing. Sa darating na weekend pa sila magtutungo sa Wuhan upang mag- imbestiga at gawin ang kanilang research.
"Ano palang gagawin natin in the next two days? Wednesday palang ngayon. Sa Sabado ng umaga pa tayo bibyahe pa Wuhan." Tanong ni Prances kay Myrna.
Tumayo ito at namaywang. "You asked the right person my dearest friend. Ako na ang bahala sa mga gagawin natin dito sa Beijing bukas at sa Biyernes! Maglilibot tayo at magsho- shopping sa umaga. Sa gabi, magpa- party tayo at maglalandi!" Masiglang tugon niya.
"Pakalandi talaga! Pokpok ka ghorl?" Sarkastikong tugon nito.
"Tatlong taon na akong single Ces. Hindi mo ako masisisi. Tigang na tigang na ako. Like duuuuh!" Saka niya ito inakbayan. "Isa pa, makakatulong sayo ang paglalandi. Three months na mula nang iwan ka at ipagpalit ng ex mong si Ralph sa babaeng hipon na 'yon! Baharin mo naman ng kalandian ang katawan mo para makapag- move on ka na kaagad."
Boyfriend for seven years ni Prances si Ralph. Ngunit sa isang iglap ay nambabae ito, ang babaeng hipon na si Ruby. Magkakatrabaho sila. Tila may ibang na- research ang dalawa.
"Hindi naman 'yun ganon kadali. Nagcha- chat pa rin sa akin si Ralph. Iniiwasan na raw niya si Ruby. Magkahiwalay ang research assignment nila ngayon. Nasa Russia si Ralph, samantalang naiwan sa office natin sa Pilipinas si Ruby." Malumanay na paliwanag ni Prances.
"Heto ah Ces. Payong kaibigan lang. Nararamdaman kong humo- hopia ka pa rin kay Ralph na magkakabalikan kayo. Pero ang lalaki kapag nagloko yan hindi na niya yan maalis sa katawan niya. Cheater na talaga yan. Humanap ka nalang ng iba. Naalala mo ang sinabi ng babaeng hipon? Nagmamahalan daw sila ni Ralph. Ibig sabihin matinding bolahan ang naganap sa pagitan nilang dalawa. Kaya wag ka nang magtiwala sa lalaking yun Ces." Real talk mode siya sa kaibigan kahit masaktan niya pa ito.
"Sasamahan nalang kita sa pakikipag- date mo. Babantayan kita. Pero sure ka? Dito talaga sa China? Dumayo talaga tayo rito para makipaglandian sa mga Chinese ganon?"
Napaisip siya. "Kahit sino Chinese man yan o ibang foreigners, hahanapin ko at lalandiin ko yan dito. For sure marami rito sa Beijing."
Nang gabing iyon ay nagpahinga nalang muna sila sa kanilang hotel suite. Napagod sila sa byahe. Kaagad nakatulog si Prances. Si Myrna naman ay ayaw dalawin ng antok. Nariyan na ang mag- browse siya sa social media. Uminom ng gatas. Nagpatugtog ng relaxing music sa kanyang phone ngunit wala pa rin. Hanggang sa naisipan niyang magbasa na muna ng libro. May baon siyang ilang libro na pwedeng basahin.
Hanggang sa may kumatok sa kanilang hotel suite.
"Hotel staff? Magaalas- dose na ng gabi ah?" Saka niya pinuntahan ang pinto ng kanilang suite. Pagtingin niya sa monitor ay wala namang tao. Akmang tatalikod na siya ng may kumatok muli at pumindot pa ng doorbell.
Kagyat niyang binuksan ang pinto. Pagtingin niya sa labas ay wala namang tao. Kinilabutan siya. Pagtingin niya sa sahig ay may kahon na nakabalot ng pulang gift wrapper.
"Kanino kaya galing ito?" Tanong niya.
Hindi na siya pumasok pa sa loob. Doon sa labas ay binuksan na niya iyon. Laking gulat niya sa laman ng kahon. May dalawang patay na kuneho na puno ng dugo.
"Oh my God! Kanino galing ito?" Pagtingin niya sa gilid sa loob ng kahon ay mayroong card na tila may lamang mensahe. Binasa niya iyon. "Stop right now. Don't go to Wuhan."
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...