Chapter 134: White Lie

9 0 0
                                        

Chapter 134: White Lie

Tila nakumbinse na si Jonathan nila Joey at nang nagsasabing pinuno ng Team Spider na si Joaquin, kaya naman muling sumubok si Rona na pigilan ang plano ng bagong salta na sumugod sa cabin na tinutuluyan ng kanyang ate at ng lahat ng kanyang mga kakampi na sina Myrna, Prances at iba pa.

“Hindi Rona. Tuloy ang pagsugod ni Joey. Nagtitiwala na ako sa kanila pero maganda ang plano nilang sumugod. Hayaan natin siyang mas patunayan ang kanyang sarili. Sino ba ang gusto mong zombie na isama ha Joey?”

Binaling niya ang pagkakatitig kay Joey. Nais niya ring malaman kung sino ang tinutukoy nitong zombie na may koneksyon sa mga nasa cabin.

“Si Romina po.” Sambit nito.

Napakunot siya ng noo. “Si Romina?” kagyat niyang tanong. “Paano mo nakilala si Romina? Isa pa, hindi pa zombie si Romina.”

“Sino ‘yung Romina?” tanong naman sa kanya ni Jonathan. “Tila hindi ko kilala ‘yun? Paano mo siya nakilala Rona? Anong kinalaman niya kina Myrna?”

Hindi siya nagpakita ng pagkatinag sa mga katanungan nito. Kailangan niyang makatugon ng mabilis habang binibigyan ng pagkakataon ang sarili na hindi pagdudahan. Hindi maaaring masira ang kanilang mga plano. Hindi pwedeng siya ang maging dahilan ng pagkasira ng kanilang misyon. Suntok sa buwan na ito. Doon niya napagtantong kahit mahirap ay kailangan na niyang pagkatiwalaan si Joey. She had no other choice. Gayunpaman ay dapat niyang mapigilan ang tangka nitong sumugod sa cabin kasama si Romina. Kung hindi pa ito zombie ay malamang ipapakagat nila ito upang mahawa. Hindi niya ‘yun dapat payagan. Kapag sumugod ito sa cabin, ang higit na maaapektuhan ay ang kapatid nitong si Donita. Bilang isang kapatid ay naiintindihan niya ang posibleng sakit at delubyo na naghihintay sa magkapatid. May tsansa rin nilang mapatay ng mga kalalakihan sa cabin si Romina kapag sumugod doon na isa nang zombie. Wala pa man ding lunas sa kasalukuyan sa pagiging zombie. Ang tanging lunas ay kamatayan para undead. Double dead kung baga.

“Si Romina ay naabutan ko sa cabin bago ako umalis. Kapatid siya nang naninirahan sa cabin.” Tugon niya.

“Hmmm… Kung gayon kaya mo naisip na siya ang gamitin bilang isang zombie, tama ba Joey?”

“Tama po. Kilala namin ang lahat ng naroon sa cabin. Monitored silang lahat ng Team Spider. Alam ko rin na narito ‘yung si Romina dahil nakita ko noong kinuha sila ng grupo ninyo. Pero hindi pa po pala siya zombie?”

“Hindi pa siya zombie?” ibinalik sa kanya ni Jonathan ang tanong.

“H-hindi pa. Kasama siya sa mga bagong recruit ng pinsan ko bago natin siya gawing zombie.” Nauutal niyang tanong. 

“Well it’s not my responsibility anymore. Kayo na ang bahala.” Akmang aakyat na si Jonathan. “Ipakita mo kay Joey ang kulungan natin. Ituro mo sa kanya ‘yung Romina. Tapos ay ipakagat niyo sa mga zombie natin. Tapos ay pumunta ka na kaagad Joey doon sa cabin na ‘yun at patayin sila Myrna. Okay ba ‘yun Rona?” tinapik nito ang kanyang balikat. “Alam kong nagdadalawang-isip ka na ngayon dahil maaaring masaktan ang ate mo. Worse case scenario ay maaari pa siyang mamatay. Alam kong tapat ka sa aking kaibigan Rona. Mula noon hanggang ngayon. Kaya wag kang mag-alala. Joey, itira mo lang ang ate ni Rona. Wag na wag mong papatayin si Ruby. Okay?”

“Masusunod po.” Tugon ni Joey.

Umalis na si Jonathan at naiwan sila sa ibaba.

“I will trust you Joey. Pero bakit kailangang si Romina pa? Masasaktan si Donita kapag nakita niyang zombie na ang kanyang ate. May kapatid ka rin o kaanak? Alam mo ba kung gaano kasakit ‘yun? May chance na mapatay nila ‘dun si Romina. Please wag nalang siya. Pwede tayong kumuha ng ibang tao doon sa mga bihag. Hindi naman kilala ni Jonathan si Romina eh.”

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon