Chapter 50: WHO

16 1 0
                                    

Chapter 50: WHO

“Kailangan pa ba talagang tingnan ang bahay namin pati ang mga halaman?” tanong ni Lao kay Myrna sa kundisyon hiningi naman niya rito.

“Mabilis lang naman ‘yun hindi ba? Ang mahalaga ay masasama ka namin sa lab at makikita mo na ang asawa mo.” Tugon niya saka siya nagsimulang lumakad sa paligid. “Tara na. Samahan mo kami sa halamanan ninyo ng asawa mo.”

Napansin niyang napailing at napapikit ito. “Tara.” Lumakad ito at sinundan nila. Sa likod bahay ay naroon ang mga halaman nitong halos hindi na makilala kung anong klaseng gulay dahil sa itim n amula baging hanggang sa mga dahon. 

Hiniram niya ang flashlight ni Martin. May napansin na naman siya. May pigtas ng dahon sa isa sa mga gumagapang na gulay na sa pakiwari niya’y kalabasa. Kung hindi rin siya nagkakamali ay talong ang nakatanim sa isa pang bahagi ng bakuran. Pinakasipat niya ang mga ‘yun. May mga pinagtanggalan ng bunga.

“Mahilig ba talaga kayong maghalaman ng asawa mo?” bigla niyang tanong kay Lao.

Napailing na naman ito at mabilis na umiwas ng tingin sa kanya. “Oo. Bago siya umalis pabalik ng lab ay siya ang nagtanim ng mga gulay na ‘yan. Ako kasi ay nagtatrabaho bilang karpentero rito sa mga kalapit na bayan.”

“Ang galing niyo naman ng ASAWA mo.” Mas diniinan na niya ang salitang asawa.

“Magaling talaga ang asawa ko. Kaya nga mahal na mahal ko ang asawa ko eh. Gusto ko lang makita ang asawa.” Bigla itong lumuha.

“Makikita mo rin ang ASAWA mo. Sigurado ako na mahal na mahal ka rin ng ASAWA mo. Malamang miss na miss ka na rin ng ASAWA mo!”

“Tama naaaaaa! Infected ako.” Biglang nagtapat ang lalaki. “Nagsara ang mga palengke malapit dito sa amin tapos ang mga hayop ay na-infect din ng virus. Hindi kami makapunta sa malayo kapag walang sariling sasakyan dahil mapanganib. Kahit miss na miss ko na ang asawa ko ay nanatili pa rin ako rito sa bahay. Puro tubig lang ang meron kami rito. Naubos ang supply ko ng pagkain. Kahit nangingitim na ang mga halaman ay pumipitas pa rin ako para may makain. Noon ako nahawa.”

“At ang asawa mo ang desire mo. Tama ba?”

Tumango lang ito. “Miss na miss ko na rin kasi siya. Kaya malamang siya nga ang desire ko. Gusto ko lang siyang makita.”

“Ilang araw ka ng infected?” sumunod niyang tanong dito.

Hindi ito umimik.

“Hoy! Sagutin mo ang tanong niya!” maangas na utos ni Martin.

“Ika… Ika-tatlumpu ngayon.”

Sabay silang napaatras ni Martin. “Ano?”

“Putang ina mo naman pre. Alam mo bang kapag wala sa paligid mo ang desire mo ay mababaliw ka na parang halimaw?” 

Bigla na namang umiwas ng tingin si Lao. Hindi na ito makausap pa ng maayos. “Ling.. Ling… Nasaan ka Ling?”

“Talikod Myrna.” Utos sa kanya ni Martin.

“Huh? Bakit? Anong gagawin mo?”

“Talikod sabi eh.” Pag-uulit nito. “Thirtieth day niya ngayon at wala rito ang desire niya. Wala rito ang asawa niya. Bago pa tayo sugurin niyan ay kailangan ko nang gawin ang dapat kong gawin. Tumalikod ka na please.”

Umabang sa kanyang mga mata ang luha. “Lao patawad ah. Hahanapin namin sa lab ang asawa mong si Ling. Pangako ‘yan. Sasabihin namin sa kanya kung gaano mo siya kamahal. Sa sobrang pagmamahal mo sa kanya ay hanggang sa nadapuan ka ng virus na ito ay wala kang ibang naging desire kundi siya. Patawad.” Pagtalikod niya ay narinig niya ang pagwasiwas ng espada ni Martin. Tuluyang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. 

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon