Chapter 4: Habulan
"Bwahahaha!" Humagalpak lang sa katatawa si Jonathan.
Habang pinagmamasdan niya ito ay nagmumukha na itong demonyo. Hindi siya makapaniwalang na- in love siya rito noon. Nandidiri siya rito. Hindi lang ito ambiyoso sa maling paraan. Halimaw na rin ito. Mas nagduda tuloy siya na may kakaiba ngang nagaganap sa Wuhan.
"Walang nakakatawa. Nasaan si Prances? Saan mo siya dinala!!!!" Galit na sigaw niya rito saka niya itong hinigit sa leeg hanggang mapasandal ito sa pinakamalapit na pader. "I will kill right in this very room kung hindi mo sasabihin sa akin kung nasaan ang partner ko. Pero bago 'yun ay puputulin ko muna yang hindi mo kalakihang ari para mamamatay ka ng walang pagkalalaki. Tapos dadalhin ko sa Wuhan ang ari mo at una kong ipapalamon sa virus na meron kayo roon."
"Wag mo namang idamay ang manoy ko Myrna. Kahit hindi kalakihan 'yan pinagsawaan mo rin 'yan noon." Pabalang na tugon nito.
Mas hinigpitan niya ang pagkakasakal nito. Halos maubo na ito. "Hindi ako nakikipagbiruan Jonathan. I'm done playing games with you. Nasaan si Prances?!"
"Okay. Okay fine. Chill! Papunta sa malayo. Macau. May nakaabang na human trafficking team doon. Ibebenta ko siya sa mga mayayamang casino players doon. Additional income. Pwede siyang gamiting personal researchers ng mayayamang tao. Pwede siyang..."
Hindi niya ito pinatapos. Halos madurog na niya ang leeg nito. Gamit ang isang kamay ay nagawa niya itong ibalibag papunta sa kabilang side ng ng silid. Ganoon siya kalakas. Magmula nang iwan siya nito ay naging libangan na rin niya ang gym at martial arts sa Pilipinas.
"Aaaaaah!" Sigaw nito na nakahawak sa leeg at tila nabalian na sa ginawa niyang pagbalibag.
"Paano ko siya masusundan doon? Ano ang palatandaan sa mga kumuha sa kanya? Wag mong tangkaing magsinungaling dahil sisiguraduhin kong dito na matatapos ang lahat ng ambisyon mo. And think of your manoy." Then she walked towards him.
"Sampung lalaki ang kumuha sa kanya. Malalaking Australian. Team Spider ang tawag sa kanila. Grupo sila ng Human Trafficking syndicate ng Australia."
"Na malamang myembro ka rin?" Dugtong niya rito.
"Nadali mo Myrna. May mga tattoo silang gagamba sa kamay. Sakay sila ng malaking van na may spider logo rin. Takbo na mahal kong Myrna. Habulin mo na ang pinakamamahal mong kaibigan. Hahahaha!"
Dahil nakuha na niya ang lahat ng impormasyong kailangan niya rito ay tinalunan niya ang lalaki at saka sinipa. Nakatulog nalang ito sa lakas ng pagkakasipa niya.
"Hayup ka. Ang hina mo. Pwe!" Dinuraan niya pa ito.
Dali- dali siyang lumipat sa kwarto ni Prances. Magulo nga iyon. Halatang nanlaban ang kaibigan sa mga kumuha rito. Then she called her secretary slash security man slash IT expert sa kanilang head office sa Manila - si Yberr.
"Yberr I need your help."
"Ma'am Myrns. Gabi na. Out of office na 'to." Tugon nito. Masyado nitong pinapairal ang work life balance.
"Get your devices ready. Hindi lang ang bala ng latest game from China ang ibibigay ko sayo. Bibigyan pa kita ng bagong gaming sets and devices. Okay na?"
"Tell me ma'am. Anong kailangan kong gawin? Mukhang importante 'to ah." Hindi naman siya nabigo. Adik ito sa games at gadgets kaya alam na niya ang ipangkukumbinse rito.
"Dinukot si Prances." She sighed.
"A- ano po?"
"First, kailangan ko ng sasakyan. 'Yung mabilis. With driver na rin sana. Book me now. Alam kong kaya mo yan kahit nasa Pilipinas ka. Dapat may access pa Macau ang sasakyan at ang driver." She commanded him.
"Copy ma'am I'm on it. Nate- trace kita sa phone mo ngayon. Paglabas mo dyan sa hotel ay nakaabang na sa harap ang sasakyan mo. Next ma'am." 2030 na malaki na ang binilis ng internet at ang naging growth ng technology sa buong mundo. Hindi na 5G. 7G na at ang access ng tulad nilang researchers sa internet ay direct access sa satellites sa buong mundo.
"Very good Yberr. Next, connect my google maps sa location ni Prances ngayon. Iyon ang susundan namin."
"I'm on it ma'am." Ilang minuto rin ang lumipas. Tila natagalan ito sa paghahanap kay Prances.
"Nasa Macau na sila Yberr. Bakit ang bagal?"
"Ma'am naka- off ang phone ni ma'am Prances. Baka po may alam kayo sa sasakyan ng mga kumuha sa kanya."
"Okay ganito. Member sila ng Team Spider ng Australia. Human trafficking syndicate 'yun. May spider logo ang van na sinasakyan nila ngayon." Paliwanag niya rito base sa naalala niyang sinabi ni Jonathan.
"Tracking the coordinates ma'am. Naghahanap ako ng spider logo mula sa location mo sa mga satellite dyan."
"Pakidalian." Nagpalakad- lakad siya.
"Got it ma'am. May isang malaking van. Tila ang direksyon nga nito ay papunta sa Macau. Transferring the coordinates to your google map."
Tinaas niya ang kanyang phone upang abangan ang pag- transfer nito. Ilang saglit pa'y nag- notify na nga iyon sa screen ng kanyang phone. "Nandito na Yberr. Keep your lines open. I might need your help pa. Thanks."
Paglabas niya ng unit ay kalalabas din ni Jonathan sa kabilang unit.
"Oh? Nandito ka pa? Malayo na ang partner mo! Dalian mo na!" Saka ito nagpunas ng dugo sa ilong at labi.
She smiled at him sarcastically. "Hinintay talaga kita. Ibibigay ko sana sayo 'to." Saka niya ito sinuntok sa pisngi ng ubod ng lakas. Muli itong nakatulog. "Lampa."
Pagbaba niya ng hotel ay naroon na nga ang kanyang sasakyan. Isang sports car na Bugatti Veyron Super Sport na kulay dilaw.
"Wow! Sports car talaga? Iba ka talaga Yberr." Sumakay na siya roon at pinakita sa driver ang google maps. "Follow that van."
Muli niyang tinawagan si Yberr habang humaharurot ang kotse. "I love the car."
"Thanks ma'am. All the best for you ma'am."
"I need back up. Tawagan mo ang team dito sa China. Ibigay mo rin ang coordinates nila Prances. Pati ang team sa Macau tawagan mo na." Utos niya rito.
"Sending your request ma'am."
Then she dropped the call. Napatingin nalang siya sa labas ng sasakyan. "Hintayin mo ako Prances. Hintayin mo ako. Hindi kita pababayaan. Ililigtas kita."
She even turned on the radio of the sports car.
'Cause who's gonna drive you home ('Cause who's gonna drive you home)
When you've had a crazy day? (When you've had a crazy day?)
Who's gonna dry your eyes (Who's gonna dry your eyes)
When your tears fall like the rain?
Tears fall like the rain
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science-FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...