Chapter 19: Senior Citizen

34 2 0
                                    

Chapter 19: Senior Citizen

"Napakatigas talaga ng ulo ng mga 'yun." Gigil na gigil pa rin si Red kina Myrna, Prances at Sebastian.

"Itatabi ko nalang muna ang van." Saad ni Caloy.

Natuon ang atensyon niya rito. "Mabuti pa nga! Wag mong ilapit sa mga bahay. At Caloy wag ka na ulit magpa-preno ng ganoon ah. Sa susunod na masubsob ako ay ikaw ang isusubsob ko sa virus. Bwisit ka."

"Hehe... sige po."

"Walang nakakatawa. Itabi mo na ang sasakyan."

"Mama di ba po nadaanan natin ang lugar na 'to?" Biglang sambit ni Maliah.

Wala namang pakialam si Red sa mag-ina ngunit mukhang alam ang dalawa sa lugar.

"Huh? Natatandaan mo ang lugar na ito anak?" Tugon ni Marilyn sa anak. Tila mas matalas pa ang memorya ng bata. "Ano nga bang nangyari dito?"

"Matagal na po tayong naglalakad mama. Ilang gabi na po tayong natutulog ng nakatago. Pero dito po sa lugar na ito tayo unang nakitulog sa bahay." Paliwanag ng bata sa ina.

Napansin niyang namutla si Marilyn. Biglang pumatak din ang luha sa mga mata nito. May napagtanto siya. "Nakitulog kayo sa bahay? Hindi ba't galing kayo sa lab? Nahawa ka na ng Desire-V30 noon. Ibig sabihin..."

"H- hindi ko sinasadya! Hindi ko sinasadya! Hindi ko alam na infected na ako." Nanginig sa takot ang babae.

"Alam mo Marilyn. Alam mo. Nakita mo ang lahat sa lab at sa compound niyo roon. You already knew that you're infected pero nakitulog pa rin kayo. Nahawa mo ang mga tao sa bahay na iyon hindi ba? Nahawa mo sila! Ikaw ang nanghawa sa tao rito! P-pero bakit may mga bahay na thirty na ang nakalagay? Tapos ikaw ay twenty eight days infected palang? Wag mong sabihing..."

Biglang binuksan ni Marilyn ang pinto sa likod ng van. "Mahal na mahal kita Maliah. Mahal na mahal. Iiwan ka na rin ni mama. Sina Myrna at Prances na ang mga bagong mama mo huh? Mahalin mo rin sila ah. Sundin mo sila. Mahal na mahal kita anak." Saka ito tumalon at nagtatakbo palayo.

"Marilyn!!!" Sigaw ni Red. Lalabas din sana ang bata ngunit pinigilan niya ito. "Hindi ka pwedeng lumabas. May virus na ang mama mo. Wag mo siyang susundan. Sundin mo nalang ang habilin niya sayo."

"Mama! Mama! Mama koooooooo!" Nagsisigaw at nagpumiglas naman si Maliah.

"Sir Red susundan ko po si Ms. Marilyn. Kailangang mabuo ang case study nila Ma'am Myrna sa kanya." Saad ni Caloy.

"Nagsinungaling siya sa atin Caloy. This is her thirtieth day! Siya rin ang nanghawa sa mga tao sa lugar na ito. Paano nalang kung may plano rin siyang hawain tayo?"

"Pero hindi po tayo nahawa sir. Ang gusto niya lang ay alagaan ang anak niya. Malamang po ay pinagsisisihan na niya ang nangyari sa lugar na ito. Tuparin po natin iyon. Tuparin din po natin ang misyon nila Ma'am Myrna sa kanya. Kailangan nating makumpleto ang case study kay Ms. Marilyn. Kailangan po natin siyang maibalik dito dahil baka makahanap ng solusyon sina Ma'am Myrna habang nag-iimbestiga sila sa lugar na ito."

Nakonsensya naman siya sa sinabing iyon ni Caloy. Kahit na gaano man siya kasungit at katapang ay may puso pa rin naman si Red. Hindi niya nga lang madalas gamitin. "Okay fine susundan ko siya. Pero para makumpleto ang case study. Wala na siyang pag-asang gumaling. It's her thirtieth day, tandaan mo 'yan. Bantayan mo 'tong bata huh?" Binaling niya ang atensyon sa bata. "Maliah dito ka lang. Susundan ko ang mama mo okay? Hindi ka pwedeng lumabas dahil mapanganib sa labas. Ako na ang bahala sa mama mo, okay?"

"Iligtas niyo po si mama. Please po. Iligtas niyo po siya. Mahal na mahal ko po siya."

"Ako na ang bahala sa mama mo." Saka siya lumabas ng van.

...........

"Wait lang Myrns. Itutuloy ba talaga natin ito?" Tila nagdalawang isip si Prances nang mapagtantong may kakaiba sa lugar. "Ipinagbabawal na lugar ito. Baka tama si Red, sa lab natin mahahanap ang mga sagot sa ating mga katanungan. Hindi natin alam kung anong meron sa lugar na ito."

Hinawakan niya ang kamay ni Prances. "Ayokong mapahamak ka Ces. Okay lang kung akong mag-isa nalang ang tumuloy. Bumalik ka na sa van."

"Myrns naman eh. Hindi naman kita iiwan. Never. Ang sa akin lang ay baka masyadong mapusok itong desisyon nating ito."

"Naka-PPE tayo. We will also keep a distance. Sisilip lang tayo sa mga bahay. Kung may kakausapin man tayo ay sa mga bahay na may mababang bilang palang ng numero na nakasulat sa labas. Nararamdaman ko makakahanap tayo ng sagot dito Ces. Napaka-organisado ng mga tao sa lugar na ito. Nagawa pa nilang magsulat ng bilang ng araw na infected sila. Iba-ibang case study ito. Baka matulungan pa natin sila."

"Naiintindihan kita. Mag-doble ingat nalang tayo." Tila wala nang nagawa pa si Prances.

"Mga ma'am may naririnig po akong nagpapatugtog sa loob ng unang bahay." Mahinang sambit ni Sebastian.

Dahan-dahan silang lumakbay palapit dito. Sumilip sila sa maliit na uwang sa bintana. May natanaw silang vinyl record na tumutugtog sa sala ng bungalow na bahay. Saka nasagi ng kanilang paningin ang dalawang matanda na sumasayaw. Isang lalaki at isang babae.

Huh, yeah, woo
Hey yeah, huh
Ooh yeah, uh huh, yeah
I wanna dance
Clock strikes upon the hour
And the sun begins to fade
Still enough time to figure out
How to chase my blues away
I've done alright up 'til now
It's the light of day that shows me how
And when the night falls
Loneliness calls
Oh, I wanna dance with somebody
I wanna feel the heat with somebody
Yeah, I wanna dance with somebody
With somebody who loves me
Oh, I wanna dance with somebody
I wanna feel the heat with somebody
Yeah, I wanna dance with somebody
With somebody who loves me
I've been in love and lost my senses
Spinning through the town
Sooner or later the fever ends
And I wind up feeling down
I need a man who'll take a chance
On a love that burns hot enough to last
So when the night falls
My lonely heart calls
Oh, I wanna dance with somebody
I wanna feel the heat with somebody
Yeah, I wanna dance with somebody
With somebody who loves me
Oh, I wanna dance with somebody
I wanna feel the heat
Yeah, I wanna dance with somebody
With somebody who loves me
Somebody who, somebody who
Somebody who loves me
Somebody who, somebody who
To hold me in his arms, oh
I need a man who'll take a chance
On a love that burns hot enough to last
So when the night falls
My lonely heart calls
Oh, I wanna dance with somebody
I wanna feel the heat with somebody
Yeah, I wanna dance with somebody
With somebody who loves me
Oh, I wanna dance with somebody
I wanna feel the heat with somebody
Yeah, I wanna dance with somebody
With somebody who loves me
Oooh
(Dance)
You know, baby
(Dance)
Woo, yeah
(Dance)
Now get with this
Woah
Don't you wanna dance (dance) with me, baby?
Don't you wanna dance (dance) with me, boy?
Hey, don't you wanna dance (dance) with me, baby?
With somebody who loves me
Don't you wanna dance?
Say you wanna dance?
Don't you wanna dance?
(Dance)
Don't you wanna dance?
Say you wanna dance?
Don't you wanna dance?
(Dance)
Don't you wanna dance?
Say you wanna dance, uh-huh (dance)
With somebody who loves me
Oooh (dance)
Oooh (dance)
Oooh (dance)
Hey baby

I Wanna Dance with Somebody ni Whitney Houston ang musika mula sa vinyl record. Umalis si Myrna sa pagkakasilip sa butas.

"Wala ka bang napansing kakaiba Ces?" Nakakunot-noo niyang tanong.

"Actually meron Myrns. Parang sobrang tanda na ng itsura ng matatanda pero..."

"Pero tuwid na tuwid pa rin ang mga likod nila. Kung makasayaw sila ay para pa rin silang mga bata na walang iniindang sakit sa katawan. Alam kong healthy ang mga Chinese pero iba talaga ang pagkilos nilang dalawa. Para silang mga bata. Parang silang bumalik sa pagkabata nila base sa galawa nila."

"Tama ka. May isa pa akong napansin Myrns. Maliban sa salitang Jindi ay walang numero ang bahay nila. Ibig sabihin ba ay hindi sila infected? O iba ang epekto ng virus sa mga senior citizen?"

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon