Chapter 48: Balanse
“Ano ‘yun?” tanong ni Red nang marinig ang muling pag-ungol ng mga hayop na nakakatakot.
“R-red…” saka tinuro ni Martin ang lalaking kanina lang ay kausap nila.
Napalunok siya sa karumaldumal na nasaksihan. Pinagpapasa-pasahan na ng mga hayop ang lalaki. Marahil ay nasira, nagloko o nawalan ng baterya ang radyo nito. Sinuwag. Kinagat. Hinagis. Tinapakan. Hanggang sa nagkapira-piraso ang lalaki. Wala itong kalaban-laban sa mga hayop na kasama nito. Tulad sa isang sikat na kwento, walang Diyos ang mga hayop. Lalo na siguro ngayong may kakaibang virus na nananalaytay sa kanilang mga katawan. Mas lalong hindi nakakapag-isip ng tama ang mga ito. Kahit ang mga tao’y walang kalaban-laban sa mga ito. Lalo na sa mga mababangis na hayop kung mag-amok at manugod sa mga tao.
Mas napalunok pa siya nang makita ang mga hayop na papunta na sa direksyon nila. Sa pagkakataong iyon ay hindi na mabagal ang takbo at talon ng mga ito. They were moving too fast. Willing to kill. Tila gagawin din sa kanila ang ginawa sa lalaki.
“Ulo ang puntiryahin natin ah Red! Bilisan mo ang kilos! Mas mahirap tantsahin ang galaw ng mga hayop!” habilin niya sa kasama.
Kasing bilis ng yabag ng lupa at ng sementadong daan ang kanilang puso. Nagngangalit ang mga mata ng mga hayop. Ang iba nga’y natulo na nag laway. Kailangan din nila iyong iwasan dahil baka mahawa sila lalo na si Martin bilang infected na si Red. Mayroon naman silang facemask na sinusuot nila sa tuwing lalabas ng van.
“Aaaaaaaaah!” sabay nilang sigaw nang makipagsabayan sila sa pagsalubong sa mga hayop. Si Red ay nagpaputok ng baril samantalang walang tigil sa pagwasiwas ng espada nito si Martin. That was a very desperate moment for them. Kahit puntiryahin pa nila ang ulo ng mga hayop ay sobrang bilis namang kumilos ng mga ito. Ilan pa lamang ang kanilang napapatay. Nakakatayo at nakakasugod pa rin ang ibang nasugatan na nila.
Si Red mismo ay nawalan na ng pag-asa. Baka hindi na niya abutin pa ang kanyang thirtieth day of infection at sa sandaling iyon na siya mamatay. Hanggang sa maraming putok ng iba’t-ibang uri ng baril ang umalingawngaw sa paligid. Pagtingin niya sa direksyon kung saan nagmumula ang mga putok ay sina Myrna, Prances at Caloy. Gamit ng mga ito ang iba pang armas na dala ng kanyang team. Sa pagkakataong iyon ay nabuhayan na sila ng loob ni Martin. Muli silang lumaban sa mga natitirang hayop hanggang sa maubos na nila ang lahat. Nagkalat ang bangkay nga mga ito kabilang ang elepante at buffalo sa daan. Parang isang malaking massacre ng mga hayop ang naganap.
“’Tangna salamat sa inyo!” agad na nasambit ni Martin.
“Salamat guys.” Saad naman niya.
…Pagkabalik sa van ay nakinig na si Myrna kasama sina Prances sa kwento nila Red at Martin. Doon nila nalaman na infected nga ang mga hayop. Pwedeng mahawa ang mga hayop. Kung laway at iba pang mist form ang mode of infection sa Desire V-30 ay malaki nga ang posibilidad na mahawa rin ang mga hayop. Mas nakakatakot pa nga dahil intant na nauulol ang mga ‘to kumpara sa mga tao na bibilang pa ng tatlumpung araw bago patayin ng mga desire. Nalaman din niya na high frequency ng tunog ang pwedeng maka-kontrol sa mga hayop na infected.
“We can still control them na parang normal pa rin sila thru high frequency sounds. Doon tayo magsisimula kung paano magagamot ang mga hayop.” Saad niya.
“Ganon na nga Myrns. Pero kailangan pa rin ng gamot para sa mga hayop upang tuluyang mapatay ang virus sa kanilang katawan. Dahil kung hindi mapapatay ang virus ay para na itong iba pang virus sa mga hayop tulad ng bird flu at swine fever. Hindi na makakain ang mga hayop. Mahihirapan na rin sa pagmamadami sa kanila. Baka dumating ang panahon ng kanilang extinction lalo na kung maisip ng mga tao na wala na silang pakinabang sa mga ito. Alam mo naman ang mga tao kapag nakakuha ng pagkakataong makataas sa kanilang kapwa ay gagawin nila ang lahat para makalamang at makahila pababa.”
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science-fictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
