Chapter 160: Love Pandemic
"Magaling na tayo!" Bulalas ni Ruby saka dali-daling niyakap ang kapatid na si Rona.
"Ate! Magaling na kayo!" Naluha naman ang buntis habang gumanti sa yakap nito.
"Sa wakas! My God! Maaalagaan ko na kayo ng pamangkin ko! Ang saya na nayayakap na kita ngayon! Tapos na ang pandemya!" Walang tigil ang bibig ni Ruby habang lumuluha.
"Maalagaan na rin kita." Biglang saad ni Red.
Umalis si Ruby sa pagkakayakap sa kapatid. "So anong ibig sabihin niyan Pula? Sa wakas ba ay may lakas ka na ng loob na panindigan ang feelings mo sa akin? Jusko! Pinaabot mo pa talagang matapos 'tong pandemya 'no?!"
"Maalagaan ko na rin ang sarili ko." Saka tinalikuran ng lalaki si Ruby. Lumapit ito sa kanilang mga kaibigan at kina Myrna at Prances. "Hindi na ako sasama sa kung anumang inihanda ng mga tao. Aalis na ako. Maraming salamat sa lahat. Maraming salamat sa pagkakaibigan."
Walang pag-aalinlangang niyakap ni Myrna si Red. "Maraming salamat din Red! Maraming salamat sa lahat ng naitulong mo sa misyon na ito." Umalis siya sa pagkakayakap dito. "Kahit noong simula ay hindi tayo magkasundo. At least naging magkaibigan pa rin tayo. Hindi ko makakalimutan ang pinagsamahan natin. Maraming salamat Red."
"Maraming salamat Red." Saad naman ni Prances. "Ako ang unang nagbigay ng chance sayo noong nagkakainitan pa kayo ni Myrns. Alam ko kasing alam mo ang ginagawa mo at mapoprotektahan mo kami. Ramdam ko rin na meron ka lang pinagdadaanan. Naging worth it naman ang lahat. Hanggang sa huli ay nakasama ka namin. Nagkaroon kami ng isang kaibigan na maaasahan."
"Salamat Prances." Saad ni Red.
"Pero teka lang Red." Bahagyang lumapit si Myrna rito. "Ganoon nalang 'yun? Bakit ka pa aalis? At agad-agad pa ha? Pwede mo namang maalagaan ang sarili mo habang inaalagaan mo ang sarili mo habang inaalagaan mo ang ibang tao at inaalagaan ka rin nila." Binaling niya ng kaunti ang paningin kay Ruby. Ito ang ibang taong tinutukoy niya. Nagkaka-developan na ang dalawa. Tila nagkatapatan na rin ang mga 'to ng nararamdaman pero parang pang-iiwan sa ere ang gagawin ngayon ni Red.
"Hindi na muna. Mauna na ako." Ngunit sa dami ng kanyang litanya ay iyon lamang ang naging tugon ng lalaki. Matipid na mga pangungusap sabay alis. Bigla nalang itong nawala na parang bula.
Nabalot ng katahimikan ang silid. Silang mga kaibigan ni Ruby ang nakaramdam ng awkwardness sa ginawang pag-eskapo ni Red.
"Yes magaling na tayo!" Si Caloy ang bumasag ng katahimikan. Ito na rin ang nagpabalik sa dapat naman sana'y masayang atmosphere. Sa wakas ay tapos na ang pandemya. Tapos na rin ang pakikidigma nila sa mga kampon ng kadiliman na minsang naghari-harian sa buong mundo. "Basta ako babalik na muna ako sa pagiging driver dito sa Metro Manila. Kukuha ako ng sasakyan na pwedeng maneuhin. Sana ay makita ko pa rin kayo."
"Naku Caloy ime-message kita kapag may happenings!" Sinakyan naman kaagad ni Myrna ang mabilis na change topic na 'yun. "At hahanapan pa kita ng irereto namin sayo para magka-lovelife ka naman."
"Naku Myrna. Wag naman ganon." Namula ito at napakamot pa ng ulo.
"Wala ka bang bet sa mga narito Caloy?" Biglang tanong ng brokenhearted na si Ruby. Seryoso ang tono ng boses nito. Nagkaroon din ng sandaling landian noon ang dalawa bago natuan ang pansin nito kay Red. Maliban dito ay single din ang buntis nitong kapatid na si Rona. Ang magkapatid naman na sina Romina at Donita ay single din.
Hindi pa man nakakasagot si Caloy ay natuon na ang atensyon nila sa magkapatid na Romina at Donita lalo na sa huli.
"Magaling na ako ate." Tumatangis na saad ni Donita sa ate nito. "Muling nawala ang paningin ko."
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
