Chapter 120: Mga Bagong Mukha

10 2 0
                                        

Chapter 120: Mga Bagong Mukha

“Hija, Romina bakit ka nag-iimpake?” tanong ni lola kay Romina habang hinahanda ang isang maleta. Doon nilalagay ng babae ang lahat ng kanilang mga gamit ni Donita. “Saan kayo pupunta?”

“Lola napanuod niyo naman po ang balita hindi ba? Tinuturing na kaaway ng Panginoong X sina Myrna at Prances at ang lahat ng kasama natin dito sa cabin. Hindi ko po hahayaang may mangyaring masama sa kapatid ko at sa inyo na rin lola. Umalis na po tayo rito. Iwan na natin sila. Bumalik nalang po tayo ng Bulacan. Marami na pong nabakuhan sa baba. Konti nalang po ang mga infected. Sigurado rin po ako na ang mga natitira nalang na pagala-gala sa labas ay ang mga infected na hindi nakuha ang desires nila. Iiwasan lang po natin sila.” Paliwanag nito habang patuloy sa paglalagay ng mga gamit sa maleta. 

“Pero apo, hija nakapangako ka na sa kanila hindi ba? Tutulong kayo ni Donita sa pagbuo ng bakuna para kay Prances upang gumaling na ito.”

“Oo nga ate. Gusto ko ring tumulong sa kanila bilang pagtanaw ng utang na loob. Iniligtas ka nila ate. Kung hindi ka nila iniligtas ay wala ka ng pagkakataon pang maalagaan ako.” Dugtong ni Donita.

Biglang napaupo si Romina. Huminga ito ng malalim saka muling nagpatuloy sa pag-aayos ng mga gamit. “Makakabawi rin tayo sa kanila sa ibang paraan. Hindi rin tayo titigil sa pagdarasal na sana ay maging ligtas sila at sana ay gumaling si Prances.” 

“Pero ate…”

“Walang pero-pero Donita. Mapanganib na mag-stay tayo rito kasama sila. Hindi lang ang Panginoong X ang kaaway nila. Pati na rin ang mga taong na-convince na masama sila at kinakalaban nila ang Panginoon. I want to protect you. Dito sa pangalawang buhay ko ay hindi ko hahayaang ikaw naman ang mapahamak. Aalis na tayo rito.”

“Hindi ako sasama hija.” Saad ni lola. 

“Pero lola. Hindi po kayo safe dito. Matanda na po kayo. Kapag may sumugod dito ay hindi na kayo agad makakatakbo. Mas ikapapahamak niyo po kapag nandito kayo.” Pangungumbinse sa kanya ng babae.

“Dito ako iniwan ng anak kong si Carmela. Dito niya rin ako babalikan. Kanina hindi na naman siya ang nagpakita sa press conference na ‘yun. Gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya. Nangako sina Myrna at Prances na ililigtas nila ang anak ko at aalamin nila kung anong nangyari rito. Hindi ako pwedeng umalis. Kung hindi ko na kayo mapipigilan pa ay mag-iingat kayong dalawa.”

Biglang pumasok si Ruby sa loob ng kwarto. “Hindi naka-lock ‘yung pinto. Napadaan ako. Narinig ko lahat ng pinag-usapan ninyo. Infairness nakakagigil ka Romina. Wala kang utang na loob. Duwag ka. Wala kang ibang ginawa kung hindi ang tumakas.” Lumapit ito kay Romina. “For your information, grabe ang pakikipaglaban namin para matapos ang pandemyang ‘to at ang kasamaan ni Xavier. Alam mo bang ako, sa isang iglap ay naubos ang mga kaibigan at kasamahan ko sa trabaho dahil sa kasamaan ng Xavier na ‘yan?! ‘Yung bago niyang kanang kamay, ex ko ‘yun. Matapos niya akong lokohin ay binuntis niya pa ang kapatid ko. Pareho silang demonyo. Sila Myrna at Prances at ang lahat ng kasama namin ay grabe ang naging sakripisyo magmula noong nagpunta sila sa Wuhan hanggang sa makabalik sila sa Pilipinas. Laging nasa bingit ng kamatayan ang buhay nila. Si Prances nga ay sinadyang hawaan ng kampo ni Xavier eh. Pero hindi sila tumigil para tapusin ang lahat ng ‘to. They even inveted na the vaccine. Hinayaan nilang ibigay sa mga kaaway ang secret files na kasama ang detalye sa bakuna para mag-mass produce na. Para gumaling ang mga tao. Para gumaling ka. Para maalagaan mo na ang kapatid mo. Tapos ano? Ito lang ang igaganti mo. Umaasa sila na tutulungan niyo sila para gumaling si Prances. Tapos ngayon ay aalis kayo?! Iba! Iba rin!”

May pumasok na naman sa loob. Si Myrna naman. “Tama na Ruby. Hayaan mo na sila. Hindi natin sila masisisi kung natatakot sila na makasama tayo. Sa lahat ng sinabi ni Xavier kanina ay magmumukha talaga tayong kaaway.” Bumaling ito kay Romina. “Hindi kita pipigilan Romina.”

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon