Chapter 55: Kiss
“Ces okay ka lang?” tanong ni Myrna kay Prances dahil sa pagsigaw nito.
“Okay lang ako Myrns! Kinabahan lang. Heto tatalon na ako. Aaaaaah!” muli itong sumigaw bago tuluyang tumalon sa bintana.
Sila nalang ni Red ang naiwan sa loob. Patuloy ang pagkalat ng apoy sa loob. Nagpuputukan at nagsasabugan na rin ang ibang mga bagay na nasusunog. Maliban sa apoy ay puno na rin ng makapal at maitim na usok ang loob ng supermarket.
“Sige na Myrna.” Sambit ni Red.
“Okay Red. Bibilisan ko lang upang makasunod ka kaagad.”
“Kahit mamatay pa ako rito ay okay na ako.” Isang matamis na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. “Basta ikaw na ang bahala sa lahat. I’ll be happy na makita na ang mag-ina ko.”
“Red wag kang magsalita ng ganyan. You still have twenty days. Marami pang pwedeng mangyari. Susubukan nating mawala ang virus na ‘yan sa katawan mo bago ang thirtieth day mo. Gagawin natin ang lahat. This is not to give you false hope pero para lumaban ka hindi nalang para sayo pero para sa misyon nating matapos ang pandemyang ‘to. We still need you. Never kang naging pabigat or whatsoever to this mission.”
“Thanks Myrna. Sige na kailangan mo nang lumabas.”
Binigyan niya ito ng huling sulyap bago tuluyang umakyat sa estante. Pagdating sa tuktok ay sumilip siya sa labas ng bintana. Dahil sa adrenalin ay hindi na niya inisip pa kung saan siya babagsak. Mabuti na lamang at nasalo siya ni Martin.
“T-thanks..”
“Basta ma-fall ka sasaluhin kita Myrna. Ako lang naman ang na-fall na hindi mo sasaluhin mo eh.” Nakuha pa nitong bumanat sa ganoong sitwasyon. Gusto niya itong banatan eh.
“Myrns okay ka lang?” tanong ni Prances saka siya binaba ni Martin.
“Okay lang ako. Kayo okay lang ba kayo?” tanong niya.
“Okay lang kami.” Hinawakan ni Prances ang kanyang kamay. “Si Caloy lang yata ang hindi.”
Pagtingin niya rito ay nakaupo ito. Kaagad niya itong nilapitan. “Anyare Caloy?”
“Hindi po maganda ang bagsak ko ma’am. Sumasakit ang paa ko. Napilayan po yata ako.” Saka ito napangiwi.
“Hoy Martin hindi mo yata inalalayan si Caloy eh.”
“Kalalaki niyang tao pagtalon lang hindi niya pa kaya?” umismid pa ito.
Lumapit siya rito saka pinagpapalo ang balikat nito. “Gago ka ba. Hindi. Gago ka talaga. Sabi nang magtulungan eh. Ang taas kaya niyan.”
“Niligtas ko na dati ang buhay niyang si Caloy. Konting pananakit lang ng paa ‘yan. Kapag nakita niyan si Liza ay okay na ulit ‘yan.” – Martin.
“Medyo um-okay na nga po ang paa ko.” Saad ni Caloy.
“Alam mo ikaw narinig mo lang ang pangalan ni Liza um-okay ka na. Parang kanina lang bago ka tumalon. Nasabi ko lang ang Liza nakatalon ka na.”
“Hehe! Syempre naman ma’am.”
“Teka nga speaking of talon. Nasaan na si Red?” napahawak siya sa kanyang kamay. “Baka hindi na siya nakalabas ah. “Red!”
“Red! Red!” tinawag na nilang lahat ang lalaki pero wala pa ring Red na tumatalon mula sa bintana. Ilang sandali pa’y lumalabas na ang makapal na usok sa bintanang iyon.
“Red! Red!” patuloy sila sa pagtawag sa kanilang kaibigan. Apoy na ang sumunod na lumabas mula sa bintana.
“Red!” napaluhod nalang si Myrna at napaluha. Tila hindi na kinaya pa ni Red at sumama na ito sa asawa’t anak. “Bakit mo kami iniwan?”
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Ficção CientíficaAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
