Chapter 45: Pre-Pandemic

11 1 0
                                    

Chapter 45: Pre-Pandemic

“PUTANG INA MO!” Malutong na mura ang ibinigay ni Martin kay Xavier bago siya tumalikod upang tumakbo. Sampung tauhan nito ang nagsidatingan sa pamumuno ng isang pangit na lalaki na malaki ang katawan at mukhang aso.

Ilang putok din ng baril ang umalingawngaw sa paligid. Sa isang private property na walang katau-tao pa man din sila nagkita. Baka kung anong gawing palusot lang ni Xavier sa mga putok ng baril kung sakaling may mag-imbestiga man na mga pulis. Wala namang ibang nasa isip si Martin kundi ang makaligtas at mabuhay. Hindi siya makapapayag na magtagumpay ang kasamaan ng pilay na ito. Magnanakaw man siya kailanman ay hindi niya magagawang pumatay para sa pera at kapangyarihan. Walang isyu sa kanya kahit magdildil pa siya ng asin para mabuhay. Gayunpaman ay hindi na niya kailanman maka-justify na magnanakaw na nga siya. 

Sa mga putok ng baril na iyon ay apat na bala rin ang naramdaman niyang pumasok sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan. Meron sa balikat, binti, tiyan at dibdib. Sa una’y nakaramdam pa siya ng sakit ngunit unti-unting naging manhid ang kanyang pakiramdam. Nawalan na siya ng balance habang binabagtas ang masukal na bahagi ng kagubatan. Natumba siya at nagpagulung-gulong pababa. Tumama sa iba’t-ibang bato at puno ang kanyang katawan. Wala na siyang kakayahang makontrol iyon. Hinang-hina na ang katawang lupa ni Martin. Kahit ang kanyang paghinga ay hinahabol nalang niya. Sa puntong iyon ay tuluyan siyang nawalan ng pag-asa. 

Tumigil siya sa paggulong. Huminto ang kanyang katawan sa isang malaking puno. Tanaw niya ang malabong na dahon ng puno. Sa pagitan ng mga dahon ay tanaw naman niya ang kalangitan. “Ito na ba ang katapusan ko?” sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang nakapatagal na panahon ay kinausap niya ang Diyos. “Kung bibigyan Mo pa ako ng pagkakataong mabuhay ay hindi ko masisiguradong magiging ibang tao na ako. Pero isa lang ang sisiguraduhin ko sa Inyo. Tutulong ako upang makaligtas ang mga tao sa nagbabadyang pandemya. Doon man lang ay maging makabuluhan ang buhay ko…”

Tapos ay unti-unting pumikit ang kanyang mga mata. Nawalan na siya ng malay. Hindi rin siya sigurado kung pati ang buhay na meron siya ay humiwalay na rin sa kanya. Kung patay na siya. 

Pagmulat ng mga mata ni Martin ay si Linda ang tumambad sa kanya. Malaki na ang tiyan nito. “Nanaginip ba ako? Ang laki na ng tiyan mo.”

Nag-type ito sa phone. Labis akong nag-alala sayo Martin. Mabuti nalang pala at sinundan ko si Xavier noong araw na ‘yun. Nakita kitang nag-aagaw buhay sa paanan ng bundok. Bigla itong lumuha at siya’y niyakap.

Ginantihan niya ng mahigpit na yakap si Linda. “Maraming salamat Linda. Akala ko mamamatay na ako noon. Nabuhay pa rin pala ako. Dahil iyon sayo. Maraming salamat. Maraming salamat talaga.”

Nanatili sila sa ganoong posisyon sa loob ng ilang minuto. Wala pa rin siyang nararamdaman para kay Linda ngunit alam na niyang tunay itong kaibigan. Walang hanggang pasasalamat ang nais niyang iparating at iparamdam dito.

“Teka nga Linda.” Humiwalay siya sa pagkakayakap dito. “Anong araw na ba? Anong buwan? Bakit ang laki na ng tiyan mo?”

Walong buwan na ang lumipas magmula noong matagpuan kita sa bundok. Kabuwanan ko na Martin. Akala rin ng mga doctor ay hindi ka na magigising pa. Pero hindi ako sumuko. Alam kong magigising ka. Tutuparin mo ang pangako mo sa aking ilalayo natin ang anak ko kay Xavier. Kaya naman lahat ng pwede kong magawa upang makaligtas ka ay ginawa ko. Hanggang nitong mga huling buwan ay nakakita na sila ng pagbuti ng mga vital systems mo. Maraming nerves, veins at organs mo ang naapektuhan ng mga balang tumama sa iyong katawan. Tinuturing nga nilang himala ang nangyari na nag-stabilized ang lahat ng iyon eh. Inaasahan na namin na anumang araw ay magigising ka. Sa tuwing makakakuha ako ng pagkakataon na makatakas sa club ay pumupunta ako sayo. Si Xavier ay abala siya sa virus na binubuo ng kanyang mga tauhan kaya naman halos hindi na niya ako mabisita.

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon