Chapter 141: Utuin ang Demonyo

9 1 0
                                        

Chapter 141: Utuin ang Demonyo

“Hindi na kailangan. Patay na silang lahat.”

“Lahat? Anong ibig mong sabihin sa lahat?” tanong ni Rona.

“Patawarin mo ako Rona. Patay na silang lahat sa cabin. K-kabilang na ang ate Ruby mo. Patawad kung nabigo kita.” Kunyaring pagbubulgar niya sa babae. Kailangang maging on queue ang acting nito.

“H-Hindi! Hindi totoo ‘yan! Nagsisinungaling ka lang!” pumatak na ang luha sa mga mata nito. Gusto niya itong palakpakan. Simula palang ay pang Best Actress na ng Oscars ang pag-arte ni Rona. Para itong si Sandra Bullock o kaya naman pang Viola Davis ang level ng acting. “Mahigpit naming habilin sayo kaya kami pumayag sa plano mo ay ililigtas mo ang ate ko! Sabi mo hindi mo siya hahayaang mapahamak! Hayop ka! Nagsisinungaling ka lang!”

“Sana ay nga ay nagsisinungaling nalang ako eh. Pero Hindi napigilan si Romina sa pagwawala. Sinalubong ito ni Red pero naunahan nitong kagatin si Red bago pa ito makapagpaputok ng baril. Iyon ang dahilan kaya’t nasunod-sunod na sila. Pilit pa rin silang lumabang lahat pero nauwi rin ang tagpo na sila na ang naglalaban-laban dahil pare-pareho na silang zombie. Kaya ako natagalan ay dahil sinubukan kong iligtas ang ate mo. Pinagbabaril ko ang lahat ng zombie sa loob. Tapos ay ginawa ko ang lahat para makuha ang ate mo. Sinubukan ko siyang kontrolin kaso lang ay paubos na ang kemikal na binigay sa akin ni Jonathan. K-kaya…”

“Kaya pinatay mo na rin siya! Kaya pinatay mo ang ate Ruby ko!” sigaw nito.

“Patawarin mo ako! Kung hindi ko siya pinatay ay makakagat din ako at magiging zombie rin ako!”

“Haaaa! Hayop ka! Hayop ka! Wag kang maniniwala sa hayop na ‘yan Jonathan! Kung walang ebidensya ay hindi totoong patay na sila! Hindi siya nagsasabi ng totoo! Gusto niya lang na maniwala tayo sa kanya! Kilala ko ang likaw ng bituka ng mga ganyang halimaw! Para lang din ‘yang si Ralph!” saka nag-walkout si Rona. 

“Anong masasabi mo roon Joey? Tama naman si Rona eh, kung walang ebidensya ay hindi totoo ang lahat. Hindi mo ako madadaan dyan sa madumi mong damit. Baka nadapa ka lang kaya nadumihan ‘yan. Baka sa iba mo nakuha ‘yang dugo sa suot mo.”

“Wag po kayong mag-alala. May ebidensya ako.”

Kitang-kita niya ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nito. Wala itong ibang hangarin kundi ang malamang patay na sina Myrna. 

“Nasaan? Nasaan ang ebidensya mo?”

“Iniwan ko po sa tricycle ko sa labas ng gate ng Diplomat. Baka po kasi infected ang mga ‘yun kaya hindi ko na ipinasok pa rito. Tara po?”

“Hahaha! Ngayon palang ay natutuwa na ako sa Joey! Hahaha! Tara!”

Sinundan siya nito palabas ng hotel hanggang sa labas ng gate. Tinuro niya ang nakalagay sa isang sisidlan. Mga gamit iyon nila Myrna tulad na lamang ng accessories, damit at iba pa. Iyon ang kinuha niya sa mga ‘to bago siya umalis.

“Hahaha!” may kinuha si Jonathan na relo. “Kay Myrna nga ito! Sa Techno Bio Lab palang ay gamit na niya ito dahil regalo raw sa kanya ng isa sa mga kuya niya. Hahaha! Magaling Joey! Magaling!”

“Pero hindi lang po ‘yan ang ebidensyang dala ko.” Iniaabot niya ang kanyang phone dito. Saka i-p-in-lay ang isang video. Sa video ay makikita ang duguang sina Myrna, Prances at ang iba pang kasamahan nito. Nakahandusay ang mga ‘to sa loob at labas ng cabin. “”Yan po ang kinahinatnan nila.”

“Whahahahahaha!” hindi na ito mapigil pa sa pagtawa dahil sa labas na kasiyahan. “I’m just so rpoud of you Joey! Napakagaling mo! Iba talaga kapag hawak ang Team Spider! Kaya niyong gawin ang lahat. dyan nagkamali si Xavier. Hindi niya kayo nagamit ng mabuti para mawala kami. Dahil dyan ay siya pa ang mapapabagsak ko. Papalitan ko siya sa trono ng Heaven’s Palace! Humanda siya! Nalalapit na ang kanyang pagpagsak! Whahahaha!”

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon