Chapter 140: Ang Kasunduan

5 1 0
                                    

Chapter 140: Ang Kasunduan

Magaganap palang ang tunay na sabong. Ang tunay na sabong ay magaganap sa pagitan ng dalawang demonyo - sina Xavier at Jonathan. Panahon na upang ang dalawa naman ang maglaban. Matira ang matibay na kampon ng kadiliman. At ung sinuman ang maiiwan ang kakalabanin ng grupo nila Myrna at Prances.

Matapos i-check ni Myrna ang pamilya nila Julio ay kumain sila ng marami sa umagang 'yun. Ang kuya Manolo niya muli ang naghanda ng kanilang almusal. Marami-rami ang inihanda nito. Kailangan nila ng sapat na lakas kahit na mag-aabang lang naman sila sa mga kaganapan. Pagkakain ay nagpulong sila sa likod ng cabin.

"Ito na ang takdang-panahon. Magmo-move na tayo sa phase two ng ating plano. Kailangang mapasugod natin sila Jonathan at ang kanyang mga zombie sa Heaven's Palace." Bungad ni Myrna.

"Paano natin gagawin 'yun Myrna?" tanong ni Ruby. "Hindi naman basta-basta mauutusan ni Rona doon sa Diplomat Hotel si Jonathan na sunugod sila kay Xavier. Anong idadahilan niya?"

"Kailangan nating makaisip ng..." hindi pa siya tapos magpaliwanag nang biglang may dumating.

"Ako na ang bahala sa phase two ninyo." Saad ng lalaking dumating.

"J-joey?" sambit ni Romina.

"Joey?" tanong ni Prances. "Siya 'yung kinukwento mong myembro ng Team Spider na nagtungo kay Jonathan at nagdala sayo rito noong zombie ka na?"

"Siya nga!"

"Anong plano niyo?" lumapit si Myrna rito. Sumunod naman si Red na hawak ang baril nito. "Anong balak niyo noong una kang nagpunta kina Jonathan tapos ay nagdala ka rito ng zombie? At talaga 'yung kilala pa namin ah."

"Oh! Wag kayong mainit! Narito ako bilang isang kaibigan. Ginawa ko lang naman 'yun para malaman kung sino sa inyong mga grupo ang mas malakas. It turns out na na kayo ang mas magaling dahil hindi lang vaccine laban sa Variant X ang nadiskubre niyo, pati na rin ang sa zombie infection. Nagpaplano na kami ng pagtalikod kay Xavier. Kailangang ang suportahan naming grupo ay malakas upang magtagumpay ang mga plano upang mapabagsak si Xavier. Base sa narinig ang plano ninyo ay pagsabungin sina Xavier at Jonathan, tama ba?"

"Paano kung hindi ako pumayag na makipagkampihan sa inyo?" mariiing tanong niya rito. "Team Spider kayo. Masasama rin kayong tao. Human trafficking nga ang negosyo niyo hindi ba? Hindi kami nakikipagsanib sa mga masasamang nilalang. Pinapabagsak namin sila. Isa pa, kung gusto niyo talagang suportahan kami sa laban na ito ay kami nalang sana ang pinuntahan ninyo at hindi si Jonathan. Kaso hindi eh, naging segurista pa kayo at gumawa pa ng kasamaan. So it's a no."

"Ginawa lang naman namin 'yun para makuha ang tiwala ni Jonathan. Hindi ba't mas madali ko na siyang mapapasugod ngayon sa Heaven's Palace kapag sinabi kong napatay kayong lahat ng zombie na sumugod dito? Magmamadaling sumugod 'yun kapag alam nilang kakampi nila kami. May backup sila sa palasyo."

"Hindi pa rin kami makikianib sa mga katulad ninyong halang ang bituka. At anong malay ko, baka after mapabagsak sina Xavier at Jonathan ay kayong Team Spider naman ang nagbabalak na maging Diyos-Diyosan."

"Wala kaming ganyang plano. Gusto lang naming mawalan ng koneksyon kay Xavier lalo na ang kapatid ko na head ng Team Spider." Tugon nito na tila seryoso at may malalim na hugot.

"Sure ka na ba Myrna na hindi tayo makiki-join force sa kanila?" tanong ni Ruby na tila naiimpluwensyahan na ni Joey. "Kung sino man ang manalo sa pagitan nila Xavier at Jonathan ay kakalabanin pa rin natin eh. Sa konti natin at si Pula lang naman ang expert talaga rito sa baril ay anong laban natin kung sandamukal na zombie ang ipasugod sa atin? Ano tuturukan natin isa-isa? Kung dati nakaligtas kayo sa Wuhan sa pakikipaglaban sa mga tauhan nila at sa mga infected, sa tingin niyo ba hanggang ngayon ay suswertihin pa rin tayo? Hindi pwedeng swerte at talino lang ang meron tayo. Hindi pwedeng puso lang. Hindi pwedeng dasal-dasal lang. Alam kong ako ang pinakapasaway sa atin pero hear me out please. Kailangan din natin ng lakas."

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon