Chapter 11: DesireV- 30
Nagpalakad- lakad si Myrna habang nag- iisip. "DesireV- 30. Iyon ang pangalan ng virus?"
"Iyon nga po." Tugon ni Marilyn.
"Bakit kakaiba ang pangalan?" Pagtataka niya. "Kadalasan sa mga virus ay may mga Latin o Spanish na scientific name. Bakit English? Bakit Desire?"
"Ang mga scientist at researcher po nila sa Australia ang nagpangalan 'non."
"Si Jonathan..." bulong niya.
"Desire Virus po talaga ito. Desire dahil ang pinupuntirya ng virus ay ang mga desire ng tao."
"A- ano kamo? Mga desire ng tao? As in yung mga gusto ng mga tao. 'Yung mga hangarin nila sa buhay? Ganon ba?"
"Opo..."
Saka naalala ni Marilyn ang isang encounter nito sa isa sa mga nabiktima ng virus sa kanilang compound.
...........
"Maliah! My baby!" Malambing na tinawag Ishmal, ang asawa ni Marilyn ang kanilang anak.
"Darling nakauwi ka na pala." Pagbati naman niya sa security na asawa. Indiano ito ngunit nakakaintindi na ng Tagalog. Hindi lang masyadong makapag- salita ng ganoong wika. "Halika na kumain na tayo bago pa lumamig ang pagkain."
Galing ito sa Wuhan laboratory na nasa kabilang bahagi lang ng kanilang compound. Doon nagtatrabaho ang kanyang asawa. May libreng pabahay para sa lahat ng empleyado ang lab. Sa kaliwang bahagi ay isang mamahaling subdivision kung saan nakatira ang matataas na empleyado ng laboratoryo. Mula sa CEO hanggang sa mga executives, scientists at researchers. Samantalang sa kanang bahagi naman ang mga mabababang antas ng empleyado kabilang na ang mga security guard.
Si Marilyn naman ay nagtatrabaho sa malapit na pabrika ng alcohol. Wala siyang OT sa araw na iyon kaya naman maaga siyang nakauwi. Pinapaalaga niya ang kanilang pitong taong gulang na anak kapag nasa trabaho silang mag- asawa sa kanyang best friend na Pinay din, si Lumen. Ang asawa ni Lumen ay Pinoy din at security guard din sa lab. Si Lumen naman ay walang trabaho. May mga bali- balitang nagbebenta ito ng katawan sa ibang mga tao lalaki sa kanilang compound. Pero wala na siyang pakialam. Mabait naman kasi sa kanilang anak ang babae.
Nagsimula na silang kumain ng hapunan. Sinusubuan pa ni Ishmal ang kanilang anak. Naisip niyang tanungin ang kanyang tanungin ang nabalitaan niya kay Lumen.
"Ishmal, is true? About the new virus? Sinabi lang sa akin ni Lumen."
"I don't know if it's true but some people in the compound went inside the lab. In the case study section. It seems that they will be the specimen for something. I heard that they will be given a lot of money." Tugon naman ng asawa.
Kinabahan siya sa naging kasagutan nito. Marahan niyang binitawan ang hawak na kutsara't tinidor.
"Ishmal darling, you need to know the truth. Our countries were greatly impacted by the COVID- 19 eleven years ago. Philippines and India. We can't afford to lose our loveones again. This is Wuhan. We should immediately leave if it's true. Para na rin kay Maliah, sa ating anak. Hindi pwedeng may masamang mangyari sa kanya. Kailangan natin siyang iligtas. We need to save her."
Hinawakan nito ang kanyang kamay. "Don't worry Marilyn, darling. I will look into it. I will investigate the cases inside the lab. I will not let you and our baby suffer."
"Thank you Ishmal. Thank you. I love you."
"I love you more."
Kinabukasan ay papasok na sana si Marilyn sa pabrika at iiwan na ang anak kay Lumen. Ngunit nakapostura ang babae at tila may lakad.
"Lumen may lakad ka?" Tanong niya.
"Oo eh Marilyn. Sorry ah hindi ko mababantayan si Maliah. Trabaho kasi ito. Malaki ang kikitain ko rito. One million pesos ang katumbas kapag na- convert sa pera natin sa Pinas." Gigil at masigla ito.
"Huh? Anong klaseng trabaho naman 'yan? Wag mong sabihing na- penetrate mo na 'yung mga mayayaman sa kabilang subdivision. Doon ka na maghahasik ng lagim."
"Gaga hindi. Kapag ako nagkaisang milyo hindi na ako magpopokpok." Lumapit ito sa kanya at akmang bubulong. "Atin- atin lang 'to ah. Sasabihin ko sayo ang nakuha kong raket kung saan ako kikita ng limpak- limpak na salapi."
Tumango siya ng marahan.
"'Yan kasing lab naghahanap ng mga magiging bahagi ng case study ba 'yun? Para sa ginagawa nilang gamot. Ayun syempre gumorabels na ako. Goodbye pokpok na kahit hayok na hayok pa rin ako sa titi. At least dito iinom lang ako ng gamot tapos ayun kikita na ako ng isang milyon. I love it!"
"Ano kamo? Case study? Nabalitaan mo na ba na baka virus ang pinag- aaralan niyang lab? Paano kung ma- infect ka lang 'nung virus?"
"Paano kung may virus na nga pero gumagawa na sila ng gamot para dun? O kaya naman vaccine. Parang sa COVID 'nun. Alam mo Marilyn paraanin mo na ako. Kailangan ko nang pumunta ng lab" akmang aalis na ito ng kanyang higitin ang balikat nito.
"Wag ka nang tunuloy please Lumen. Masama ang kutob ko. Baka imbes na mabago ang buhay mo ng case study na ito ay mapahamak ka pa. Please wag ka nang tumuloy." Pakiusap niya rito.
"Putang ina naman Marilyn. Wag mo kong pigilan. Ito na ang chance ko para yumaman oh. Ayoko na sa asawa ko. Makakaalis na ako sa China sa perang 'yun at makakapagsimula na sa Pilipinas." Napakamot pa ito ng ulo saka bumitaw sa kanyang pagkakahawak. Nagpatuloy na ito sa paglakad.
"Titriplehin ko ang bayad mo kahit ngayong araw lang. Bantayan mo lang ang anak ko. Siguro naman pwede kang makiusap sa contact mo sa lab di ba na bukas ka nalang pumunta?"
Mukha talaga itong ari ng lalaki at pera. Pumayag naman ito sa kanyang alok.
Nagtungo siya kaagad sa pabrikang kanyang pinagta- trabahuhan. Hindi para magtrabaho pero para magnakaw. Magnakaw ng ilang boxes ng alcohol. Kumuha rin siya ng maraming supply ng facemask at PPE. Natatakot siya sa nagaganap sa lab at sa compound. Kailangan siyang maghanda sa pwedeng mangyari.
Pagbalik niya sa bahay ay wala na roon si Lumen. Ang kanyang anak lang na si Maliah ang naiwang naroon. Naglalaro ng mag- isa.
"Maliah nasaan si ate Lumen mo?" Tanong niya sa bata.
"Wala po mama. Umalis din agad kanina pagkaalis ninyo."
"Put... grabe talaga 'yung babaeng 'yun iniwan ka ng mag- isa."
Kinagabihan ay humahangos na umuwi ang kanyang mister. "Pssssh. We need to talk. There's really a virus. There's a new virus called DesireV- 30. We need to get out of here."
Saka sila nakarinig ng announcement sa buong compound. "The compound is under lockdown. No one is allowed to go outside the compound."
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...