Chapter 82: Kahon

8 2 0
                                    

Chapter 82: Kahon

“Ano ang ingay na ‘yun?” tanong ni Myrna kina Prances at Caloy.

“Hindi ko rin alam.” Tugon ni Prances. “Parang eroplano. Parang may nag-landing na eroplano. P-paano kung bumalik sina Jonathan?”

Nagkatinginan silang tatlo. Bigla siyang kinabahan. Kapag naabutan sila roon ni Jonathan ay katapusan na talaga nila. Sa pagkakataong iyon ay baka matuluyan na sila. Hindi pwedeng masira ang kanilang mga plano at masayang ang mga buhay na nawala.

“Mag-isa lang po sa labas si Liza.” Saad ng lalaki. “Pupuntahan ko muna po siya. Titingnan ko na rin po kung saan nagmumula ang ingay at kung ano ‘yun.”

Paalis na ito nang sumunod si Myrna. “Sasama ako Caloy.” Lumingon siya kay Prances. “Babalik kami Ces. Magtago ka lang dito at kung matatago mo rin ang katawan ni Martin kung sakaling may magpunta rito. If ever may kakaibang mangyayari at kailangang kuhanin si Maliah ay ako na ang kukuha sa anak natin.”

“Okay sige. Mag-iingat kayo.” – Prances.

Mabilis pa sa alas-kwatrong nagtatakbo palabas sina Myrna at Caloy. Kaagad nilang tinungo ang basurahan kung saan nila iniwan ang humahangos na si Liza kasama ang bangkay ni Mong.

“Mong! Wag mo akong iwan!” Iyon ang bumungad sa kanila. 

Napahinto nalang si Caloy. Habang umiiyak kasi ay hila-hila ng babae ang bangkay ng Intsik na nakapatong na sa sako na marahil nakuha nito sa may basurahan. 

“Bibigyan kita ng maayos na libing Mong!” Ang nakakaawa lang sa sitwasyon nito ay wala itong nakikita. Hindi nila ma-imagine kung paano kinapa ni Liza ang paligid para lang makakuha ng sako at maipatong doon si Mong. Isa pa kaya lang nito nalamang patay na si Mong ay dahil binulungan ito ng kasamang Intsik na naghatid kina Liza at Maliah sa lugar. 

Habang tigalgal pa si Caloy sa sitwasyon ay hindi naman nag-aksaya ng oras si Myrna. Nagtatakbo siya patungo sa likod ng lab kung saan nagmumula ang tunog ng makina ng eroplano. Nakatago siyang sumilip mula sa isang poste. Taman ga. Tunog iyon ng isang kalalapag na eroplano na sakto lamang ang laki. Ilang sandali pa’y tumunog ang kanyang mobile phone. Nag-send ng message sa kanilang group chat si Red mula sa wifi connection ng eroplanong lulan nito kasama si Jonathan.

May pinadala silang isa pang eroplano dyan. Dito rin sa Pilipinas ang punta niyan. May mga kukuhanin pa silang kagamitan mula dyan sa lab na hindi na nagkasya dito sa unang eroplano. Napuno na kasi ito ng kanilang mga tauhan at mga bihag. Pwede kayong sumakay dyan ng palihim para makauwi kayo kaagad ng Pilipinas.

Nang mabasa iyon ay bumalik na siya sa kinaroroonan nila Caloy at Liza. Wala na ang mga ‘to. Natanaw niyang nasa labas na ang mga ‘to. Si Caloy na ang may buhat sa bangkay ni Mong. Tumakbo siya upang sundan ang mga ‘to.

“Dalian natin Caloy!” saad niya habang naghahabol ng hininga nang maabutan niya ang mga ‘to. 

“Eroplano nga po ma’am Myrna?” tanong nito.

“Oo. Nag-chat si Red. Kukuha lang ng mga gamit ang eroplanong ‘yan tapos ay pupunta na sa Pilipinas. Dyan tayo sasakay pauwi. Kailangan nating makasakay dyan.”

“P-pero paano po?”

“Basta! Wala na tayong dapat na sayanging oras Caloy. Kukuhanin ko lang si Maliah sa van tapos ay pupuntahan natin si Prances at ang katawan ni Martin tapos ay pupuslit tayo upang makasakay sa eroplano.”

Nang makarating sila sa van ay kaagad niyang binuksan ang pinto ng sasakyan. Walang anu-ano naman siyang niyakap ng bata. 

“Mama Myrna!” umiiyak ito.

PANDEMIC DESIRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon