Chapter 55: Slow
Ilang segundo ring magkalapat ang mga labi nila Myrna at Prances. Hindi iyon gumagalaw. Sadyang magkalapat lang. Hindi madiin. Hindi rin naman basta nakadikit. Sapat lang. Tamang nakadampi lang ang labi nila sa isa't-isa. Ilang segundo. Isang mahabang ilang segundo dahil sa pagtigil ng kanilang mga mundo. Pagtigil ng mundo na para bang sa isang pelikula lang nagaganap. Girls love movie. Ang akala niya ay nasa zombie apocalyse sila na ibang virus nga lang pero sa pagkakataong iyon sa ilalim ng mga bituin ay nabahiran ng kakaibang timpla at plot twist ang kwento. Bakit siya hinalikan ni Prances?
Ito rin naman ang unang kumawala sa halik. Gayunpaman ay hindi ito umiiwas ng tingin. Mas nailang la ga siya eh at nagtangkang ilayo ang mga mata rito kahit wala naman siyang matatanaw sa kadiliman ng gabi. Kung titingala naman siya at titingnan ang magandang kalangitan dahil sa mga bituin na kumukutikutitap ay mas halatadong na-awkward-an siya sa nangyaring halik. Ang totoo'y gusto niya 'yun. Ang iniisip niya ay ang mararamdaman nito dahil sa halik na iyon. Baka nabigla lang ito. 2030 na pero uso pa rin ang prank. Baka bigla itong magsabi ng 'it's a prank!'.
"P-prank ba 'yun Ces?" Tinanong na tuloy niya ito. Sa Western countries kasi na liberated ay okay lang ang mga babaeng nagki-kiss sa lips.
"Masaya akong malaman Myrns na wala kang gusto kay Martin. Baliw-baliwan lang naman ako nitong mga nakaraang araw dahil nagseselos ako sa inyo eh. Nagseselos ako dahil parang mas pinapaburan mo na siya. I realized na ako naman talaga ang mali. Wala na ako sa hulog nitong mga nakaraang araw. Maybe because it's jealousy. Ang totoo kasi Myrns ay mahal na kita."
"You're just kidding right? Nagseselos ka? Mahal mo ako? Oo hindi ba? Kaso bilang isang kaibigan. Best friends right? Hindi ba't ayaw mong maging tayo? Ayaw mong mag-level up ang relationship natin. Kasi hindi ka ready for this kind of situation. Hindi ka tomboy. Hindi naman tayo tomboy. This is something new for the both of us." She was trying to justify everything that she told her before. Ayaw niyang mabigla lang si Prances. Ayaw niyang sa huli ay magkasakitan lang sila dahil nabigla sila sa gabing iyon. Parang noong nabigla sila sa bahay ng mga Sy at kung anu-ano ang nasabi nila. Nabunyag niya ang nararamdaman niya para rito.
"Alam kong may mga nasabi akong hindi maganda noong mahimasmasan tayo after ng incident sa bahay ng mga Sy, Myrns. Pero sa mga lumipas na araw ay na-realize ko rin na mahal pala talaga kita. Mahal kita higit pa sa isang kaibigan. Hindi ko na kayang ilihim pa 'to sa sarili ko at sayo. Ayoko ng itago pa ito." She saw the sincerity on her eyes. Kahit na madilim dahil magkadikit naman sila ay sapat na iyon upang magkita nila ang mukha ng isa't-isa. Alam niya ring nagsasabi ng totoo si Prances. It wasn't a bluff.
"Hindi naman nawala 'yung feelings ko sayo Ces eh as more than friends. Isinantabi ko lang para hindi ka ma-awkward at para magpatuloy tayo bilang matalik na magkaibigan. I'm so happy sa sinabi mo ngayon. But I want to make sure. Are you really ready for this? Kasi kahit ako bago rin sa akin 'to eh. Ngayon ko nga lang nalaman na may ganitong side pala ako. Muntik na akong ikasal. Though puro lalaki ang mga kapatid ko. Nakahalik na ako ng babae noon aside from you. All my life I know na babae ako at straight ako eh. Ikaw pala ang magpapa-realize sa akin sa ibang side ko. 'Yung side na baka ang totoong side ko."
Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. "Sa tingin ko nga mas hindi ako ready eh Myrns. Mas matapang ka sa akin. Ako pilit ko pang nilabanan ang nararamdaman ko sayo. Pero pwedeng naman natin itong dahan-dahanin. Sabay nating i-explore itong new discovery natin sa ating mga sarili. Let's take it slow. Hindi natin 'to kailangang madaliin. Oo nga't nasa pandemic tayo at mas matinding virus ang Desire V-30 pero kung saan tayo abutan sa journey na ito doon tayo. Kung mamatay tayo sa makalawa. Fine. Ang mahalaga alam natin na mahal natin ang isa't-isa. Ang mahalaga sinimulan na natin ang process of knowing our new selves or should I say our true selves."
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...