Chapter 81: Dalamhati

15 1 0
                                        

Chapter 81: Dalamhati

“Ako na ang bahala sa bangkay ni Martin, Myrns.” Saad ni Prances kay Myrna habang patuloy siya sa pagluluksa sa pagkamatay ng kaibigan. Yakap-yakap na niya ito. Hindi niya alintana ang mga dugo na kumakapit sa kanyang damit at katawan. Wala siyang pakialam kahit gaano man iyon kalansa. Dugo naman iyon ng isang tunay na kaibigan at ulirang ama. “Kaninang buhat palang tayo ng mga Team Spider ay alam ko ng malala at talagang may tama si Myrna. Napansin ko ang dugo na dumadaloy mula sa kanyang leeg at balikat. Bumulong din siya sa akin na dalhin pa rin ang bangkay niya sa Pilipinas. Doon niya nais na mailibing.”

Tumingin siya sa kasintahan. “Alam mo na kanina pa? Bakit hindi moa ko sinabihan na malala ang tama niya?”

“Dahil alam kong magpapadalus-dalos ka ng desisyon kapag nalaman mo. Tama si Martin eh. Everything is working according to plan. Kahit ako ang nasa lugar niya ay hindi ko sasabihin sayo na may tama ako. Ayokong masira ang lahat ng plano. Mas mahalagang matupad ang misyon na ito kahit buhay ko pa ang maging kapalit.”

Iniwas na niya ang tingin dito. “Grabe naman kayo. Mahal ko kayo eh. Pero bakit parang ang sasadista niyo?”

“It’s not our way of hurting you Myrns. It’s a way of loving you, our loved ones, and the rest of the world.” Hinawakan nito ang kanyang balikat. “I’m so sorry sa pagkawala ni Martin. After naming ng mga alitan namin at ng pagkakasunod naming, alam ko na ang nakita mong kabutihan sa kanya. He’s a good man. Sa ngayon ay hindi ko sasabihing mag-move on ka na. Pero kailangan ko na ang kanyang katawan upang maimbalsamo. We need to find ways pa kung paano tayo makakabalik ng bansa na hindi malalaman nila Xavier para hindi nila malaman na buhay pa tayo.”

Hindi niya ito pinansin ngunit naintindihan naman niya ang pinanggagalingan ni Prances at ng yumaong si Martin. They were living a deadly pandemic caused by selfish and fake Gods. Kailangang magbayanihan. Bayanihang kahit pa humantong sa kamatayan ay magiging acceptable. It was a sign of heroism. It was a revolution for love and HOPE. 

“Mauna ka na sa loob Ces.”sa wakas ay tumugon din siya rito. “I-ready mo na ang mga kakailanganin para sa pag-embalsamo. Ako na ang bahalang magpasok sa loob ng katawan ni Martin.” 

“Okay Myrns. Hihintayin ko nalang kayo sa loob.” Saka pumasok si Prances pabalik sa loob ng lab.

Naiwan si Myrna sa labas. Doon sa may basurahan. Nakahiga sa kanyang mga binti ang bangkay ng kaibigan. Inayos niya ang buhok nito. “Kami na ni Prances ang bahala sa anak mo. Aalagaan naming siya na parang sa amin. Siguro dumating kayo ni Marilyn sa buhay namin para ibigay ang mga anghel na ito. Wag kang mag-alala Martin. Hindi ko ipagkakait na makilala ka ng sarili mong anak. Ikaw pa rin ang kikilalanin niyang ama. Ipagmamalaki ka niya bilang ama. Malalaman niya ang iyong kabayanihan sa pandemyang ito. Tandaan mo ‘yan. Mahirap man sa amin na mga naiwan mo pero maging mapayapa ka na dyan. I will do everything to take care of your daughter.” Saka niya ito hinagkan sa noo.

Kahit na mabigat na ang bangkay nito ay walang pag-aalinlangan pa rin na binuhat ni Myrna iyon papasok sa loob ng lab. Kumaway si Prances sa kanya sa labas ng silid kung saan magaganap ang pag-iimbalsamo. Tinungo niya iyon. Pagkapasok ay inihiga niya si Martin. Isang huling sulayp saka siya tumalikod. Pumatak ding muli ang luha sa kanyang mga mata. “Ikaw na ang bahala sa kanya Ces.”

Dahan-dahan siyang lumabas. It was a heavy heart indeed. Bumalik siya sa may basurahan. Napatulala nalang siya. Nasa tabi niya ang bangkay ni Mong. 

“Humanda kayo Xavier at Jonathan. Hindi ako titigil hangga’t hindi kayo napapabagsak. Mga tao lang din kayo. Hindi kayo mga Diyos. Sa ngalan ng mga namatay sa araw na ito na sina Martin, Cutie at Mong ay sisiguraduhin kong malalasap ninyo ang parusa ng tunay na Diyos na nasa langit. Magbabalik ang tunay na buhay ng mga tao. Matatapos ang pandemyang ito na nag-ugat dahil sa kasakiman ninyo.”

Ilang minuto rin siyang nanatili roon. Pumikit. Kumalma. Nag-meditate. Tuluy-tuloy ang mga naiisip niya gayundin ang bigat sa kanyang dibdib pero inisip nalang niya na parang ulap ang mga ‘yun. Dumadaan lamang. Nawawala rin sa kalaunan. Hindi niya kinalaban ang mga naiisip niya at nararamdaman niya. She accepted them. She just inhaled then exhaled. Hanggang sa tuluyan siyang kumalma. Sa ganitong pagkakataon ay kalaban niya ang pagiging padalus-dalos. Kailangan nilang makaisip ng mas konkretong plano upang malabanan sina Xavier at upang makabalik sa Pilipinas sa lalong madaling panahon. 

Makalipas ang ilang oras ay doon siya inabutan si Caloy. Nakabalik na ito mula sa pagpapanggap na patay. Dumating na rin sina Liza kasama si Maliah. Pinasama niya muna ang anak sa van sa mga kasama ni Liza. Nailahad na niya sa kanila ang mga nangyari. Labis ang pighati ni Liza kay Mong na tila ba magkasintahan ang mga ‘to. Mayroon siyang hindi nalalaman. Pinagmamasdan niya lang si Caloy na nakamasid lang sa babae. Speaking of Caloy naman ay naging emosyonal ito sa pagkawala ni Cutie lalo’t higit kay Martin. Kontrapelo man ang dalawa ay naging malapit na rin ang mga ito.

After few hours din ay saka lang nakabalik si Prances. “Handa na ang katawan ni Martin.” Saad nito. Bilang scientist ay may ideya sila sa mga ganitong biological procedures tulad ng pag-iimbalsamo at pagpe-preserve ng katawan. Hindi nga lang expert ngunit may ideya. Alam ni Prances na hindi niya iyon magagawa dahil baka mag-iiyak lang siya at wala siyang matapos.

“Salamat Ces.” Tumayo siya. “Ilabas na natin ang katawan. Umalis na muna tayo rito sa lab. Baka may pabaliking mga tauhan rito sila Jonathan at Xavier, maabutan pa tayo.”

“Ako na po ang magbubuhat ng katawan ni Martin.” Umiiyak na parang batang alok ni Caloy.

Tumango siya tanda ng pagsang-ayon. Gayunpaman ay sumama pa rin siya sa loob. Nang nasa loob na sila ng silid na pinag-imbalsamohan ay nakarinig sila ng ingay mula sa labas ng lab.

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon