Chapter 130: Spy

12 1 0
                                        

Chapter 130: Spy

Nakita ni Joaquin na mag-isang umalis si Ralph sa Heaven's Palace upang puntahan ang kinaroroonan ng kapatid ng babaeng napatay nito, na tila may ibang variant ng Desire V-30 virus. Kung todo suot ito ng PPE. Binilinan siya ni Xavier na bantayan ang mga susunod na kilos ni Ralph. Kung gumawa man daw ito ng mga kakaibang pagkilos ay mahigpit nitong habilin na patayin nalang si Ralph.

"If the sibling of that woman is dead, then Ralph is no use to us." Saad ni Xavier. "Kill him."

"What? He's your right hand. How can you do this to him?" Tanong niya rito. Ibang klase talaga ang pagkademonyo nito. Walang katulad. Sukdulan. Kahit naman ulo siya ng Team Spider na pinakamalaki at pinakamasamang human trafficking group sa buong mundo ay marunong siyang magpahalaga sa mga tao niya. Marunong siyang magmahal kahit sa kanyang pamilya, mag-ina. Si Xavier ay wala nang dahilan upang maging mabuti. Bawat bahagi ng pagkatao nito ay nilamon na ng kasamaan.

"First he's infected. Second, I already got what I want from him, new info on that possible variant and to mass produce the vaccine. Third, he's really an asshole. He has no original idea. Desire V-30 is Jonathan's. The vaccine is Myrna's and Prances'. This whole pandemic is mine's. I don't need a right hand anymore. I'll be the one to orchestrate everything from now on. I just need you Joaquin and my other heads to continue our reign in the world. Ralph is just a trash and you know where to put a trash right?"

"I understand Lord X." Kunyari'y yumukod siya rito. Pagtalikod niya at nang palabas na siya ay napailing nalang siya. "You're the asshole Xavier."

Gamit ang kanyang mamahaling sasakyang 4x4 na espesyal niyang request kay Xavier kapag nasa Pilipinas na siya ay sinundan na nga niya si Ralph. Walang kaalam-alam ang kanyang huwad na Panginoon na sanay na siya sa Baguio City at sa iba pang lugar sa Pilipinas tulad nalang aa Metro Manila. Ang kanyang spy na si Joey ay isa talagang Pinoy. Ito ang kanyang kapatid na inampon ng kanyang nga magulang sa isang bahay ampunan dahil wala siyang kapatid. Sa isang bahay ampunan dito sa Baguio ito lumaki. Sanay na sanay ito sa lugar. Sikretong tauhan niya ito sa Team Spider at nanggaling ito sa Taiwan bago nakabalik sa Baguio nitong mga nakaraang araw.

Tinawagan niya ito. "Hello Joey. How's your mission?"

"Don't worry Joaquin. I found both of them. I know that Jonathan is in the Diplomat Hotel with his army of dead. While Myrna and her team is in a secret cabin in the forest of Baguio." Pagtatapat nito sa matagumpay nitong misyon.

"My brother you are really great! I'm so glad to have you as my secret partner here in Team Spider. Nobody knows that I'm very successful in managing this team because I have you." Pagpuri niya rito. Mula iyon sa kaibuturan ng kanyang puso. Maliban sa kanyang mag-ina ay mahal niya rin ang kapatid kahit hindi pa niya ito kadugo. Lumaki silang sanggang-digit at magkapatid na talaga ang naging turingan nila. Lagi rin siya nitong sinusuportahan sa mga ginagawa niya sa buhay. Ayaw niya nga sana eh. Gusto niya sanang gawin nito ang mga naisin nito bilang isang malayang tao at hindi maging anino lang niya. Ngunit mapilit ito. May bipolar disorder kasi ang kanyang kapatid. Nang sumubok itong magtrabaho ay na-bully at napahiya lang ito dahil sa mental condition nito nang minsang hindi ito makainom ng gamot. Kaya nadala na ito at minabuting sa kanya nalang magtrabaho bilang secret agent ng Team Spider.

"I will do everything for you my Joaquin. You always love and trust me. You never treated me as others. You accepted me as your brother." Tugon naman nito sa kabilang linya.

"I'm driving Joey. Let's not get too emotional and cry." He paused. "Now that you found them. I have a new mission for you Joey."

"What's that? Tell me."

"We need to know who's a better team between them. Start a war between the two teams. Will the living can defeat the undead? Not a big war. Just enough battle to know who's the strongest and we can make our ally."

"Leave it to me Joaquin."

.....Pinaandar na nga ni Joey ang kanyang tricycle. Tama isang tricycle lang ang gamit niya nang makarating sa Baguio. Galing siyang Taiwan. Ang madaling makuhang sasakyan para sa isang low key secret agent na tulad niya ay murang tricycle. Walang magdududa sa kanya. Kabisado pa man din niya ang bawat sulok ng syudad. Ang tricycle ding iyon ang dahilan kung bakit niya nalaman kung nasaan nagtatago sina Myrna at Jonathan.

"Ako na ang bahala kapatid ko." Sambit ni Joey pagkababa ng phone.

Naalala niya ang tagpo noong nalaman niyang sa Luces cabin nagtatago sina Myrna. Rumoronda siya sa maliit na daan sa kakahuyan nang maisakay niya ang mga ito.

Ngunit mayroon ngang dumating na tricycle. Kung todo PPE pa ang driver.

"Saan ho kayo?" Tanong ng driver.

"Sa Luces, hijo." Tugon ng matanda.

"Mayaman po ang mga tumutuloy doon. Tig-iisang libo po kayo. Bale apat na libo kayong lahat." Saad ng trile driver.

"Ano kuya?!" Gulat niyang reaksyon. "Apat na libo para sa isang ride ng tricycle?!"

"Kung ayaw niyo edi wag! Hindi niyo alam kung paano ang walang-wala sa panahon ngayon." Akmang aalis na ito nang pigilan ni Prances.

"Sige po kuya. Pakihatid po kami 'dun sa sinabing lugar ni lola. Ako na po ang magbabayad ng apat na libo." Paggitna ni Prances.

"Ces..." pipigilan pa sana niya ito ngunit tumango lang ito. Nakasuot din ito ng PPE kaya mata lang nito anf nakikita niya. Kitang-kita niya roon ang pakiusap na magtiwala lang rito. May nararamdaman siya. Tila alam na niya ang pinaplano nito. Umiling siya ngunit nakipagtitigan lang ito sa kanya.

"Ano ho sasakay ba kayo o magtitinginan lang tayo rito?" Tanong ng driver.

"Sasakay na ho." Saka umangkas si Prances sa likod ng driver. Kahit magkadikit ay pareho namang naka-PPE ang dalawa. "Tara na Myrns at Red." Inaya na sila nito. Sumakay na rin ang matanda. Wala na silang nagawa kundi ang sumakay na rin. Sila nila Red at ng matandang babae sa loob. Siya ang nakapwesto sa maliit na upuan sa loob. Mula roon ay pinagmasdan niya si Prances. Malayo ang tingin nito habang binabagtas nila ang maliit na daan na 'yun. Huminga siya ng malalim. Muli siyang napailing.

Isang liblib na cabin na nasa loob ng isang pribadong lupa ang kanilang binabaan. Iyon daw ang Luces. Sa labas lamang sila ng gate ibinaba. Inabot ni Prances ang apat na libo. Mabuti't ugali nitong magdala ng pera.

"Salamat ho." Saad ng driver saka na humarurot ng takbo paalis.

Samantala ay nakita niya naman noong kunin ang isang babae ng grupo ng mga lalaki at dinala sa Diplomat Hotel. Doon niya nadiskubreng ang haunted hotel pala ang kuta naman ni Jonathan. Binalikan pa niya ang kasamang babae nang nakuhang babae. Hindi naman niya maatim na iwan 'yun na nakahandusay sa daan. Pero para hindi siya mahalatang nais lang niyang tumulong ay tinaga niya itong ng malaking bayad.

Hanggang sa nakakasilaw na liwanag at tumama sa kanyang nakakakita nang mga mata. May paparating na tricycle patungo sa kanyang direksyon. Kumaway siya upang makuha ang atensyon ng driver.

“Oh anong nangyari rito?” tanong nito. “Infected ka no? Infected ka ba? O zombie ka? Bakit andaming dugo?!”

“May nangyaring masama po sa ate ko. May kumuha sa kanya. Ihatid niyo naman po ako sa cabin.”

“Sa Luces?”

“Opo doon nga!”

“Hindi ka infected ah. Tsaka gabi na. babayaran mo lahat ng dapat sakay ko. Mahal ang singil ko pero bibigyan na rin kita ng discount. May sampung libo ka ba dyan?” 

“Hindi po ba sobrang mahal ‘nun?”

“Mahal talaga. Pandemic ngayon. Kailangang kumita no. Kung wala ay bahala ka na. Gabi na rin naman at uuwi na ako. Akala ko pa man din ay makakahanap ako ng customer dahil may narinig akong sumigaw. Ingat ka nalang miss. Wag ka sanang makasalubong ng infected at ng mga zombie sa daan.”

“Teka lang ho manong.” Binuksan niyang muli ang bag. Tiningnan niya ang wallet na dala ng kanyang ate. Napakaraming pera noon. Bumilang siya ng sampung libong piso. “Heto po.”

Dali-daling kinuha ng driver ang pera. “Tara na sumakay ka na. Marami ka naman palang pera eh. Ihahatid kita sa Luces dahil dyan.”

"Akala niyo normal na tricycle driver na gustong kumita ng malaki ngayong pandemic ah. Humanda kayo. May maganda akong laro sa inyo."

PANDEMIC DESIRESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon