Chapter 15: Unang Limang Minuto
Nang gabi ring iyon ay pinalipat na nila Myrna at Prances ang mag- ina sa van. Naka- isolate sa likod na bahagi si Marilyn. Samantalang kasama naman nila ang batang si Maliah.
"Mama bakit nandyan ka po?" Agad na tanong ng bata habang nakasilip sa plastic cover sa pagitan nila.
"Darating..." hindi nito matuloy ang sasabihin at itutugon sa anak. Nauna ang luha kay Marilyn. Sabay naman silang naluha ni Prances. "Darating ang araw na magkakahiwalay din tayo anak. Baka nga sa loob ng limang araw ay mangyari na 'yun. Praktisin natin huh anak na magkahiwalay tayo?"
Umiyak na rin ang bata. "Iiwan mo na rin ba ako mama tulad ng ginawa ni papa?"
"Hindi naman tayo iniwan ng papa mo eh. Nandito siya lagi sa puso natin. Umalis siya dahil mahal na mahal niya tayo. Ako rin anak humihiwalay ako sayo ngayon dahil mahal na mahal kita. Tandaan mo 'yan huh? Lagi kang nasa puso ko. Sana wag mo rin kaming aalisin sa puso mo huh? Kahit iwan na kita."
"Hinding- hindi po mama. Love po kita." Sabay- sabay silang napahagulgol sa tugon ng bata.
"K- kapag umalis na ako anak. Ituring mong bagong mama mo sila huh? Sila mama Myrna at mama Prances mo. Dalawa na kaagad ang magiging bagong mama mo."
Napayuko nalang si Myrna sa narinig. Ito na nga yata ang huling habilin ng kanilang kababayan sa anak nito. Isa itong masakit na pamamaalam. Nagyakap sila ni Prances na ubod ng higpit. Batid nilang nagkakaintindihan ang kanilang mga puso sa iisang hangarin. Iyon ang matigil ang bagong pandemyang ito sa lalong madaling panahon upang matigil na rin ang ganitong klaseng paghihiwalay ng mga nagmamahalan sa buhay.
Ang mag- ina naman ay nagdikit ang mga palad sa plastic na namamagitan sa kanilang dalawa. Matapos ang matinding iyakan ay nakatulog na silang lahat. Mabuti na lamang at hindi nagising sina Red. Mahimbing ang tulog ng mga ito dahil na rin siguro sa labis na pagod. Nakapagitna sa kanila ni Prances si Maliah. Bago siya dalawin ng antok ay tila nakita niya ang simula ng kanyang daydream na isa silang buong pamilya.
Kinabukasan ay nagising siya sa mahigpit na paghawak ni Red sa kanyang mga braso. Akala niya'y nananaginip lang siya at binabangungot pero totoo pala. Aandap- andap pa ang kanyang nga mata at nasilaw pa siya sa liwanag pero hinila na siya nito palabas ng van.
"Ano ba?" Tanong niya rito.
"Anong ano ba?" Sarkastiko nitong tugon. "Bakit pati 'yung bata sa side natin niyo pinatulog huh? At tinabihan niyo pa talaga? Niyakap niyo pa! Paano kung infected pala 'yun?"
Nagpunas siya ng mata gamit ang mga kamay saka humikab. "Wag kang mag- alala. Hindi infected ang bata. Inalagaan siyang mabuti ni Marilyn, ang nanay ni Maliah. Lahat gagawin ng ina para sa anak. Lahat gagawin ng magulang. Isa pa tama ang desisyon nating iligtas sila. Galing sila sa lab. Marami siyang nalalaman."
"Eh siya infected?" Sunod na tanong nito. Hindi naman siya kaagad nakasagot kaya muli itong nagtanong. "Ano? Infected 'yung nanay?"
Tumango siya.
"Shet! Paano kung may makalusot na hangin sa plastic divider na ginawa ninyo? Paano kung mahawa tayo?" Sobrang taas na agad ng energy ni Red umagang- umaga. Mukhang napahaba at mahimbing ang naging tulog nito.
"Trust us. Walang ganong mangyayari. Selyadong mabuti ang ginawa namin ni Prances. Hindi rin gagawa ng ikakapahamak ng anak niya si Marilyn."
"Ilang araw nalang bago siya mag- 30 days?"
"Twenty sixth day ngayon."
"Ano?! Paano kung biglang magwala 'yun? Ang dali lang 'nung sisirain ang plastic cover." Parang una pa itong magwawala.
"DesireV- 30 ang pangalan ng virus. Totoo ngang desires ang puntirya nito sa ating utak, sa central nervous system. Kung ano ang desire ng isang tao ay doon lamang siya magpo- focus hanggang sa 30th day of infection. Iyon na rin ang ikamamatay niya. 'Yung mga taong nakakapanakit ng iba ay malamang doon may kinalaman ang desire nila. May hinala na ako kung ano ang desire ni Marilyn. Tiwala lang Red. Tiwala lang." Then she tapped her shoulder bago bumalik sa van.
Matapos maglinis ng sarili ay nag- report na sina Myrna at Prances kay Boss X sa mga nalaman nila. Nakita't napanuod nila sa Youtube ang balita.
"DesireV- 30 is the name of this virus spreading Wuhan, China and to different parts of China and some neighboring countries. Pandemic level was already announced by the World's Health Organization
Nagpatuloy na silang muli sa paglalakbay papunta sa lab. Nagsimula nang magkwento si Marilyn sa mga naging sintomas nito noong nakaraang dalawampu't limang araw.
"After kong malawayan ng gagong lalaking 'yun ay lumabas na sa unang araw ang sintomas. Makalipas palang ang limang minuto. Kaya malalaman mong infected ka na nga."
"Ganon kabilis? Limang minuto? Hindi ka ba gumawa ng paraan para hindi ka ma- infect sa loob ng limang minuto?" Mga tanong niya rito.
"Gumawa syempre. Dumura ako. Nagmumog. Halos uminom na ako ng alcohol. Pero wala pa rin eh. Kapag nakapasok na ang virus sa mata, ilong at bibig ay wala ka nang kawala. Makalipas ang limang minuto ay pabalik- balik na sa aking isipan ang desire ko."
Nagkatinginan silang lahat. Pansin din ang pagbagal ng pagmamaneho ni Caloy. Halatang nakikinig ito.
"Anong desire mo?" Si Red ang nagtanong.
"Gusto ko talagang makaiwas sa virus na ito. Noong pagkadating na pagkadating ko rito sa Wuhan at nalaman kong sa pabrika ng alcohol ako magtatrabaho ay natuwa ako. Magmula noon ay nagkaroon ako ng kakaibang addiction sa alcohol at maging germ free. Di ba nga nanguha pa ako ng isang bag na alcohol sa pabrika namin noong tatakas na kami."
"Kung gayon ay alcohol. Alcohol ang desire mo?" Muling tanong ni Red.
"Oo. Alcohol ang desire ko. Limang minuto after kong maging infected ay walang tigil na pumasok sa isipan ko ang alcohol. 'Yung amoy. Yung dami. 'Yung lapot. 'Yung mga brand. Lahat- lahat. 'Yung gamit at kung paano ko siya kagusto. Kaya ayoko na ring mahiwalay pa sa dala kong bag. Kasi nandito lahat ng supply namin ng alcohol."
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Ciencia FicciónAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
