Chapter 119: False God’s Plans
Sa gabi ng thirtieth day tragedy ay nagpatawag ng press briefing si Xavier upang magbigay ng anunsyo sa mga tao sa buong mundo. Lahat ng iyon ay inayos ni Joan kahit na may mga media outlets na ayaw niyang maki-join sa satellite streaming. Kung dati ay maraming tao ang napipilitan lang na sambahin si Xavier, ngayon ay mas maraming tao na ang walang tiwala sa kanya dahil sa nangyaring kakulangan sa supply ng vaccine at sa pagkamatay ng bilyun-bilyong mga tao.
“Panginoong X.” bulong ni Joan. “Katakot-takot na pangungumbinse ang ginawa ko sa malalaking tv stations lalo sa sa Amerika at mga bansa sa Europa. Wala na po silang tiwala sa inyo. Baka po isang araw ay may sumugod na naman dito para gyerahin tayo.”
“Hindi ako natatakot sa kanila Joan. Alalahanin mo naayos na ni Yberr ang microchip. Tapos ay narito na sa Heaven’s Palace ang buong Team Spider. Hindi ka dapat mangatog dyan sa takot.” Tugon niya rito.
“Patawad po Panginoong X. Nais ko lang din pong sabihin sa inyo kung ano ngayon ang sitwasyon. Baka po dapat ay palipasin niyo na muna ang emosyon ng mga tao. Baka lalo lang silang ma-trigger kapag kayo ang nakita nila sa screens ng kanilang mga mobile devices at tv.”
“’Yung emosyong misyong ‘yun ang gagamitin ko upang makuha ang simpatya nila. Ako na ang bahala Joan. Masaya ako dahil may isa pang nag-iisip sa mga head ko. Pero maganda ang plano ko. Nakahanda na ba ang podium? Itulak mo na ako papunta sa stage.”
Pagkarating sa entablado ay binuhat ang kanyang wheelchair ng ilang myembro ng Team Spider. Ipinatong ‘yun sa elevated board upang maabot niya ang mic sa podium. Nagsimulang rumolyo ang mga kamera at gayundin ang paghahatid ng signal ng kanyang press release sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
“Ikinalulungkot ko ang naganap na trahedya sa araw na ito sa buong mundo, minamahal kong mga nilalang. Labis na nadurog ang aking puso sa mga nasaksihan kong videos at footages sa tv at sa social media. Kinailangang gumawa ng mga pinuno ng mga bansa ng mahirap na desisyon upang maibigay ang hindi sapat na bakuna para sa mga tao. Gayunpaman ay nagdulot pa rin ang mga desisyon na ‘yun ng kaguluhan at kamatayan. Wala pa man ay marami na sa inyong mga minamahal sa buhay ang nawala sa inyong mga piling nang hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong gumaling mula sa virus na ito. Tapos ngayong araw ay bilyun-bilyong mga tao ang tuluyang nawala dahil sa kanilang desires. Ang iba naman ay naulol at nabaliw. Nawala sa sarili at nagdulot ng takot sa mga lugar na kinaroroonan nila.” Biglang tumigil si Xavier sa pagsasalita. Pumatak din ang mga luha sa mga mata nito dahil upang hindi na iti makapagpatuloy sa loob ng ilang minuto. Inabutan ito ng tissue ni Joan. Matapos magpunas at kumalma ay nagpatuloy na ang huwad na Diyos sa pagsasalita with his equally fake tears and emotions para kumuha ng simpatya. Pero sa pagkakataong ‘yun ay ginalingan niya talaga. Alam niyang dapat ay convincing ang kanyang acting para mas marami siyang mautong mga tao.
“Aaminin ko na po ang totoo. Yes, I wanted to be the leader of the world. Wala namang presidente ang buong mundo hindi ba? Kaya siguro Diyos ang napili ko. Hindi ako naniniwala sa Diyos. Pero hangga’t naniniwala kayo sa akin ay gagawin ko ang lahat upang ipagtanggol kayo at upang iligtas kayo sa kapahamakan sa mga virus na umiikot sa mundo kabilang na ang Desire V-30 virus. Pati na rin ang zombie virus na lumusob sa aking palasyo. At mayroon pang isang virus na binubuo ngayon ang mga kaaway ko. Sila ay si Jonathan na dati kong kanang kamay at ang grupo nila Myrna at Prances. Sila ang tunay na mga kaaway.” He paused again. He took a deep breath. “Ang totoo niyan ang purpose ng desire ay maging food supplements. Nais kong makabuo ng isang vitamins na bubuhayin ang desire ng mga tao sa kanilang utak. Nang sa ganon ay mas lalo nilang ibigay ang kanilang best upang marating ang kanilang mga pangarap. Anumang pagsubok sa kanilang mga buhay ay malalampasan nila dahil hindi na sila mapanghihinaan pa ng loob dahil sa neuro-vitamins na ‘yun. But then one day I woke up na iba pala ang ginawa ni Jonathan. Gumawa siya ng isang virus na sisira sa utak ng mga tao at sa mga desire nito. Gusto niya palang sakupin ang mundo. Pinilit ko siyang pigilan pero nabigo ako. Hawak niya ako sa leeg mga minamahal kong mga tao. Alam niya kasi ang sikreto ko na mayroon pa akong isang anak. Ang anak kong ‘yun na pinamigay niya kina Myrna upang ilayo sa akin.” Walang tigil na naman siya sa pag-iyak.
BINABASA MO ANG
PANDEMIC DESIRES
Science FictionAnother LGBT story and my very first girls love and sci-fi novel. :) 2030, Eleven years na ang lumipas mula nang maganap ang malagim na pandemya sa mundo dahil sa COVID-19 virus na nagmula sa China. Mula nang maganap ang pandemya ay mas naging handa...
